MATAPOS ang 30th Southeast Asian Games sa bansa, aktibo na muli ang bagong-bihis na Rizal Memorial Coliseum.
Katunayan, ilang importanteng events ang nakatakdang mapanood dito ngayong taon kabilang na ang UAAP at NCAA.
“We are very optimistic. There are a lot of events lined up in our calendar and we are excited to host them here inside this historical coliseum,” saad ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez sa isang press release.
Maging ang PBA ay hindi malayong mapanood na rin sa makasaysayang coliseum.
Ang Rizal Memorial Coliseum ay itinayo noong 1934 para sa Far Eastern Games, ngayon ay Asian Games. Kinalaunan ay dito na rin ginanap ang mga makasaysayang collegiate, amateur at maging professional basketball games, bago lumipat ang mga ito sa mas malalaking venues.
Bago ang 2019 SEA Games, ni-renovate at inayos ang coliseum para sa gymnastics competitions.
Nakatakda naman itong maging venue para sa 30th anniversary celebration ng PSC at fourth enshrinement ng Philippine Sports Hall of Fame sa Nobyembre 27.
Ayon kay Ramirez, pinag-aaralan na rin ng PSC na maging venue para sa Batang Pinoy at Philippine National Games ang Rizal Memorial Coliseum, pati na rin ang buong Rizal Memorial Sports Complex at Philsports Arena.
177