GARIN NAKIPAGBATI KAY ACOSTA SA DENGVAXIA CONTROVERSY

(NI BERNARD TAGUINOD) SA ngalan ng Diwa ng Pasko, nakikipagbati si dating Health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin kina Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta at  PAO forensic chief Dr. Anthony Efre. Ginawa ni Garin ang pahayag sa press conference ng minority bloc sa Kamara nitong Miyerkoles sa Kamara kasabay ng panawagan sa publiko na maghinay-hinay sa pagkain upang hindi maikompromisyo ang kalusugan ngayong Holiday season at patawarin ang mga kaaway. “For that, please allow me to extend my hands for reconciliation kay Percida Acosta, kay Dr. Efre.…

Read More

FORENSIC UNIT NG PAO, KINUWESTYON; PONDO ILILIPAT SA NBI

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUWESTYON ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Public Attorney’s Office sa pagbuo nila ng sariling forensic unit na maituturing anyang duplication lang ng trabaho ng government investigative bodies. Dahil dito, iginiit ni Drilon na ilipat na lamang sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magamit sa kanilang crime laboratory ang P19.5 milyong budget para sa tanggapang ito ng PAO. Binigyang-diin ni Drilon na walang proper authority at mandato ang PAO upang bumuo ng sarili nilang forensic unit para sa imbestigasyon at paghahain ng kaso partikular kaugnay…

Read More

DENGVAXIA BINAWI NG FDA; DASAL NA LANG VS DENGUE — SOLON

dengue55

(NI BERNARD TAGUINOD) “DASAL.” Ito ang sagot ni Iloilo Rep. Janette Garin nang tanungin ng Saksi Ngayon kung ano ang mabisang panlaban sa Dengue ngayong binawi na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang lisensya ng dengvaxia. Ayon sa mambabatas, kailangang lakasan pa ng mga magulang ang kanilang dasal na hindi makakagat ng lamok na may dalang dengue virus  ang kanilang mga anak at makaligtas ang mga ito sa tiyak na kamatayan. Lalong kailangang magdasal umano ang mga magulang na may mga anak na nagkadengue na huwag itong magka-dengue muli dahil…

Read More

PDU30 TIWALA PA RIN KAY PAO CHIEF ACOSTA

(NI BETH JULIAN) SA kabila ng inihaing reklamo sa Office of the Ombudsman, wala pang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa pwesto o hilingin na maghain ng leave of absence si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta. Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, buo pa ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Acosta pero nilinaw nito na ibang usapan na kapag nakitaan na may probabale cause ang alegasyon at may suspension order na mula sa Ombudsman. Napag-alaman na naghain ng reklamo ang mga empleyado ng PAO para…

Read More

PAO CHIEF ACOSTA INAKUSAHAN NG KORAPSIYON

acosta44

(NI ABBY MENDOZA) INIREKLAMO ng mga hindi nagpakilalang abogado ng Public Attorney’s Office ( PAO)  si PAO Chief Persida Acosta at  PAO forensics chief Dr. Erwin Erfe na ginagamit ang isyu ng dengvaxia para sa korapsyon. Sa manifestation na isinumite sa Office of the Ombudsman ng mga hindi nagpakilalang PAO lawyers, sinabi nito na sina Acosta at Erfe, kasabwat ang dalawang accountants ni Acosta na sina Lira Hosea Suangco at Maveric Sales, ay gumagawa ng purchase orders para makakuha ng dagdag na pondo sa ahensiya. “Respondent Acosta has ordered her cohorts to…

Read More