(NI NOEL ABUEL) “CEASEFIRE na muna para sa ating mga atleta” Ito ang muling panawagan ni Senador Christopher Bong Go sa mga patuloy na nagbabatikusan at puro puna sa mga kapalpakan ng hosting ng bansa sa 30th South East Asian Games. Sinabi ni Go na walang maitutulong sa mga atletang Pinoy ang patuloy na bangayan at sisihan. Una nang tiniyak ng senador na bilang Senate Committee on Sports chairman ay handa itong pangunahan ang imbestigasyon sa mga kapalpakan pero dapat ito ay pagkatapos na ng SEA games. Siniguro ni Go…
Read MoreTag: bong go
WALANG SORRY, SEA GAMES ORGANIZERS MANANAGOT
(NI DANG SAMSON-GARCIA) BINANTAAN ni Senador Bong Go ang mga namamahala sa hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games na mananagot kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mga aberyang nangyayari bago pa man ang opisyal na pagsisimula ng Palaro. Sa kanyang privilege speech, ipinaalala ni Go na ang lahat ng ahensya na sangkot sa hosting ay may kanya-kanyang tungkulin kaya’t wala anya siyang nakikitang dahilan upang sabihing hindi handa ang bansa. “Noong naghahanda tayo sa Southeast Asian Games, may kanya-kanyang mandato ang gobyerno. Ang Office of the President, Senate at…
Read MoreP8.2-B BUDGET NG OP APRUB AGAD
(NI NOEL ABUEL) TULAD ng inaasahan, mabilis na naipasa ng Senado ang panukalang budget ng Office of the President (OP). Walang naging pagtutol sa mga senador ang budget ng OP na si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang nagtanggol bilang sponsor ng panukala. “Rest assured, I will safeguard the interests of the public by ensuring proper checks and balances. Every centavo must be wisely spent to help and support the Filipino nation. It is the people’s money and it is just right that the government should give it back to…
Read MoreMALASAKIT CENTER BILL PASADO SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) PUMASA na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Malasakit Center bill na tiyak na mapakikinabangan ng mahihirap sa buong bansa. Nagkaisa ang lahat ng senador na paboran ang panukala ni Senador Christopher Lawrence Go na naglalayong maging ganap na batas ang Malasakit Center para sa mga mahihirap na may sakit. Labis ang kasiyahan ni Go makaraang pumasa sa third at final reading ang kanyang panukalang batas na pag-i-institutionalize sa Malasakit Center. Ayon kay Go, mas makakaasa ngayon ng mas mabilis at maaasahang health services ang…
Read MoreDU30 HIRAP SA IUUPONG BAGONG PNP CHIEF
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUMPIRMA ni Senador Bong Go na nahihirapan si Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng itatalagang hepe ng Pambansang Pulisya matapos ang kontrobersiya laban kay dating PNP chief Oscar Albayalde. Sinabi ni Go na hanggang ngayon ay naisumite na sa Pangulo ang lahat ng impormasyon hinggil sa mga contender na kabilang sa shortlist ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano at masusi niya itong pinag-aaralan. “Lahat ng impormasyon sa 3 (contenders), naparating na po sa Pangulo at talagang pinag-iisipan niya ng malalim. Si Pangulo hindi pa nakakapili,…
Read MoreDIGITAL MAP SA GOV’T PROJECTS PINAPLANO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magkaroon ng digital map sa mga proyekto at programa ng gobyerno na ipatutupad sa susunod na taon. Dapat anyang kasama rito ang livestreaming ng malalaking public work projects upang madaling mamonitor ng publiko. “Projects should be geo-tagged, and there should be an app in which the status of a project is just a click away,” saa ni Recto. Iginiit ni Recto na kailangan ng bansa ng government project surveillance (GPS) na isang sistema na may updated data sa…
Read MoreDEPT OF DISASTER RESILIENCE, MALABONG MAPONDOHAN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Bong Go na malabo nang mapondohan pa ang isinusulong na Department of Disaster Resilience (DDR) para sa susunod na taon kahit maging ganap itong batas ngayong 2019. “Sa ngayon, mahihirapan tayo. Sa tingin ko kung pumasa na po ito ay sa 2021 na po ito,” saad ni Go. Sa ngayon aniya ang kailangang gawin ay magtulung-tulong muna upang tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng lindol sa Mindanao. Bukod anya sa pagkain, tubig at matutuluyan, kailangan din ng mga taong naapektuhan ng lindol na…
Read MorePAGBUO NG DEPT. OF WATER MINAMADALI
(NI NOEL ABUEL) TINITIYAK ni Senador Bong Go na maganda ang idudulot ng pagkakaroon ng Department of Water para makatulong sa pagkakaroon ng maayos na supply ng tubig sa bansa. Sinabi ni Go na naniniwala itong ang panukalang pagtatayo ng Department of Water ay magsisilbing ahensya na tututok sa pangangasiwa ng yamang tubig ng bansa. Ayon sa senador, kailangan na maging mas mabilis at mas maaasahan ang pagresponde ng gobyerno pagdating sa pangangailangan ng publiko sa malinis at sapat na tubig at hindi dapat mahirapan dahil sa kapalpakan ng mga…
Read MoreGO PAPAGITNA SA GUSOT NG PHILHEALTH, PHAP
(NI NOEL ABUEL) NAGBANTA si Senador Bong Go na magpapatawag ng pagdinig sa Senado kaugnay ng gusot sa pagitan ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) at ng Philhealth. Ayon kay Go, hindi ito magdadalawang-isip na magsagawa ng pagdinig ang komite para masolusyunan ang sigalot na sa huli ay mga pangkaraniwan o mahihirap na pasyente ang maapektuhan. “Kakausapin ko muli si Gen. Morales kung kailangang ipatawag sa Senado, ipatatawag ko. Ako as chairman ng Senate Committe on health, kung kailangan sila ipatawag ay ipatatawag ko sila to address this, importante walang…
Read More