ROAD BOARD IPINABABASURA

TOM VILLARIN

(NI BERNARD TAGUINOD) Hindi na dapat magpatumpik-tumpik si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-abolish sa Road Board na sinasabing ugat bangayan ngayon ng liderato ng Kamara at Department of Budget and Management (DMB). Ito ang pahayag ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin dahil in-adopt na rin naman aniya ng Senado ang nasabing panukala kaya naghihintay na lang ng aksyon ng Pangulo. “The Road Board is under the executive and its abolition is its prerogative,” ani Villarin. Ang Road Board ang nangangasiwa at nagdedesisyon kung saan ginagastos ang motor vehicle user’s charge…

Read More

DUTERTE SA SIMBAHAN: ‘HUWAG KAYONG MAKIALAM SA ADMINISTRASYON KO’

DUTERTE-2

Hindi humihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Obispo at pari ng simbahang katoliko, kundi pinatitigil ang mga ito na makialam sa ginagawa ng kanyang administrasyon. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hinihintay ng Pangulo na tigilan ng mga taong simbahan ang pakikialam sa mga desisyon at aksyon ng kanyang administrasyon. Sa halip, tumulong na lamang sa pamahalaan ang mga ito para sa pagpapabuti ng buhay at kapakanan ng mga Pilipino, tugon ni Panelo. Ayon kay Panelo, walang nakikitang iba ang mga pari at obispo sa administrasyong Duterte…

Read More

DUTERTE: ‘MAY PROBLEMA SA ILLEGAL DRUG OPS’

duterte-30

(Ni LILIBETH JULIAN) Pinagdududahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng ilang pulis laban sa mga taong sangkot sa iligal na droga at iba pang kriminalidad, kaya gusto niyang maglunsad ng malalimang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa kanyang talumpati, tinumbok ng Pangulo na maraming pulis ang patuloy na sumasabit sa operasyon laban sa mga iligal na droga o iba pang krimen. Kinuwestiyon ng Pangulo ang “iligal na pamamaraan” ng ilang mga kasapi ng PNP sa pagpatay sa mga drug suspect. Kaya,…

Read More

DU30 ‘DI TINAPOS ANG APEC SUMMIT

Napaaga nang halos isang araw ang uwi ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa dinaluhan nitong mga aktibidad sa 26th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) economic leaders’ meetings sa Papua New Guinea. Sa ipinadalang abiso ng Malakanyang, hindi na natapos ng Pangulo ang mga aktibidad at napaaga ito ng uwi kagabi, Nobyembre 17, sa halip ngayong hapon, Nobyembre 18. Agad umano itong nagtungo sa Davao at nakarating dakong alas 3:00 ng madaling araw. Wala namang ibinigay na dahilan ang Malakanyang kung bakit napaikli ang APEC trip ng pangulo at tanging ang…

Read More

PASARAP NA OPISYAL SISIBAKIN NI DIGONG

Namumurong masibak ang isang lakwatserong opisyal ng gobyerno makaraang aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na inakala niyang makatutulong ito sa kanyang administrasyon kaya itinalaga, subalit taliwas umano ang ginagawa nito. Sa kanyang talumpati sa leaders meeting sa 26th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC)  sa Papua New Guinea, inamin ng pangulo sa harap ng Filipino community na ang nasabing opisyal ay nasasangkot sa mga katiwalian. Kung ilang beses na rin umanong nagtungo sa ibang bansa ang opisyal gamit ang pondo ng pamahalaan. Dahil sa mga nabanggit na rason kaya napagdesisyunan ng…

Read More