LUPA SA MAGSASAKA IPAMAHAGI NA – IMEE

(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Imee Marcos na panahon nang tapusin ang sinimulan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos halos limang dekada na ang nakalilipas na pagkakaloob sa mga magsasaka ng lupang pagtataniman nito. Isinampa ni Marcos ang Senate Bill No. 849, o ang “Emancipation of Tenants Act of 2019,” na naglalayong isulat ang lahat ng hindi bayad na mga pag-amortisasyon, pagbabayad ng interes, parusa o surcharge mula sa mga pautang na na-secure ng mga benepisyaryo ng repormang agraryo (ARBs) sa ilalim ng Comprehensive Agrarian  Reform…

Read More

IMPORTED NA BIGAS BUMABAHA SA BODEGA

rice

(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN si Senador Imee Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang itigil ang rice importation sa bansa bunsod ng dinaranas na matinding dagok sa mga mahihirap na magsasaka. Ang apela nito ay matapos madiskubre sa budget hearing ng Department of Agriculture (DA) na nakaimbak ngayon sa mga warehouse ng rice traders ang sangkatutak na imported rice na binili sa ilang rice-producing countries sa Asya. Base sa datos ng DA, ang top 5 na bansang suppliers at nag-i-import ng bigas sa Pilipinas ay sa Thailand, Vietnam, India, China…

Read More

PAGTAAS NG PRESYO NG MANOK, KINUWESTYON

chicken

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUWESTYON ni Senator Imee Marcos ang Department of Agriculture (DA) sa biglaang pagtaas ng presyo ng manok sa kabila ng sapat na suplay sa merkado. Ayon kay Marcos, posibleng sinasamantala ng mga sindikato ang mataas na demand ng manok matapos na pumutok ang African Swine Fever (ASF) scare dahilan kung bakit halos walang bumibili ng karne ng baboy sa mga palengke at supermarket. “Ano ba ang dahilan kung bakit biglang tumaas ang presyo ng manok? Huwag nilang sasabihing kulang ang supply ng manok dahil hindi naman talaga…

Read More

IMEE: DTI, WALANG SILBI 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINONDENA ni Senador Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng mga pangunahing bilihin kasama na ang presyo uling at ‘gaas’ o kerosene. Ayon kay Marcos, lumalabas na walang silbi ang DTI dahil hindi nila nababantayan ang pagtaas ng presyo ng uling at ‘gaas’ na anya’y tanging kayang bilhin ng mga mahihirap sa mga depressed communities. “Pati ba naman uling at gaas tumaas na rin? Hindi kayang bumili ng mga kababayan nating mahihirap ng LPG kaya uling o gaas ang…

Read More

MAYNILAD, MANILA WATER MANANAGOT SA SENADO

maynilad1

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ng ilang senador na mananagot ang Manila Water at Maynilad Water Services at hahalukayin ang kontrata at accomplishment record ng mga ito kung nanamantala sa taumbayan. Ito ang sinabi ni Senador  Imee Marcos kung saan isinusulong nito  ang imbestigasyon laban sa dalawang water concessionaires. Sa inihain nitong Senate Resolution 259, sinabi ni Marcos na kailangan busisiin ng Senado ang mga orihinal at pinalawig na concession agreement ng dalawang water companies upang malaman kung paano nalagay sa alanganin ang gobyerno at kung bakit hindi nila naisagawa ang kanilang…

Read More

BATAS SA PARTYLIST REREPASUHIN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) DAHIL sa sunud-sunod na mga kontrobersiya sa partylist, iginiit ni Senador Imee Marcos na napapanahon na upang amyendahan ang batas hinggil dito. “Yes, I think we need to clarify, nagkaroon na tayo ng karanasan so importante talaga na makita ang nakalipas, matuto sa kapalpakan, at wag na maulit, palitan na natin yan I think we can do this by law,” saad ni Marcos. Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Electoral Reforms nalantad ang mga isyu, lalo na ang mga sinasabing pang-aabuso sa partylist system na may…

Read More

APELA NI IMEE: PGH BUDGET ‘WAG TAPYASAN

(NI NOEL ABUEL) UMAPELA si Senador Imee Marcos sa Department of Budget and Management (DBM) na huwag bawasan ang pondo ng Philippine General Hospital (PGH). Ayon sa senador, na kulang na kulang ang  kasalukuyang pondo sa serbisyong medikal ng pambansang ospital kung kaya’t hindi katanggap-tanggap na bawasan pa ang pondo nito. Kasabay nito, tiniyak ni Marcos na gagawan nito ng paraan upang manatili ang kasalukuyang pondo o di kaya ay taasan pa ang badyet ng PGH. Ginawa ng senadora  ang pahayag sa kabila ng ibinalik ng House of Representatives ang P200-M na…

Read More

PRICE FREEZE HINILING HANGGANG PASKO

dti12

(NI NOEL ABUEL) TINITIYAK ni Senador Imee Marcos sa taumbayan na magpapatupad ng price freeze’ ang Department of Trade and Industry (DTI) hanggang sa buwan ng Disyembre . Ayon sa senador sa halip na itaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong Setyembre, higit na makabubuti kung ipatutupad ang ‘price freeze’ hanggang sa Kapaskuhan. Sinabi pa ni  Marcos, kailangang maghigpit ang DTI sa mga mapagsamantalang negosyante at itigil na muna ang planong pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na sa panahon ng Kapaskuhan. “Stop na muna ang taas-presyo…

Read More

4PS PROGRAM IPINAREREBISA SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANINIWALA si Senador Imee Marcos na dapat baguhin ng gobyerno ang sistema sa pagbibigay ng financial assistance sa mahihirap o ang 4Ps Program. Ayon kay Marcos, dapat idepende sa pangangailangan ng benepisyaryo ang pamamahagi ng tulong mula sa 4Ps. “We are recommending a targeted approach, a more focus approach and perhaps a more diversified approach. Walang silver bullet, walang iisang solusyon para sa kahirapan,” saad ni Marcos. “Ang argumento natin sa 4Ps, kailangan nang itailorfit. Sa 2007-2009, nagsimula yan hanggang ngayon mag-iisang dekada na, hindi pa ba…

Read More