METRO MANILA NAKAALERTO MATAPOS ANG JOLO BLAST

metro manila

PAIIGTINGIN pa ang paghihigpit ng seguridad sa Metro Manila matapos ang twin blast na naganap sa isang katedral sa Jolo, Sulu kahapon ng umaga. Simula ng alas-6 ng Lunes ng umaga, iniutos na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang paghihigpit ng seguridad at paigtingin ang checkpoint operations at intelligence gathering sa metropolis. Daragdagan ang police visibility higit sa matataong lugar sa kabila ng walang direktang natanggap na banta sa Metro Manila. 146

Read More

300 ROAD ACCIDENT SA MM ARAW-ARAW

car

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI bumababa sa 300 ang aksidente sa Metro Manila araw-araw na ikinaalarma ng isang mambabatas sa Kamara kaya nais nitong magtatag ng National Land Transportation Safety Board (NLTSB). Ayon kay AANGAT-Tayo party-list Rep. Harlin Neil Abayon III, noong 2017 ay nagtala ang Metro Manila Development Authority ng 110,025 aksidente kaya umaabot o 301 kada araw sa buong taon. Mas mataas ito sa 109,322 aksidente kung noong 2016 na malayong malayo sa 65, 111 noong 2005 kaya nararapat aniyang magkaroon na ng NLTSB para tutukan ang problemang ito…

Read More

PRESYO NG GULAY SA METRO MANANATILING MABABA

gulay

KARAMIHAN umano ng gulay na nasa Metro Manila at galing sa kalapit na lalawigan tulad ng Laguna, Quezon at Batangas na hindi naman napuruhan ng bagyong ‘Usman’. Ito ang dahilan ni Agriculture Secretary Manny Pinol para hindi magtaas ng gulay sa Metro Manila. Nagtaasan umano ang presyo ng mga gulay sa mga palengke pagkatapos ng bagyo na ayon kay Pinol ay sinasamantala ng mga negosyante.  Nanawagan din si Pinol na huwag samantalahin ng mga negosyante ang bagyo lalo’t hindi naman direktang nakaapekto si ‘Usman’ sa Metro Manila. Sinabi rin ni…

Read More

WALANG BANTA SA MM – NCRPO

metro200

(Ni FRANCIS ATALIA) NANATILING nakataas ang full alert status sa Metro Manila kahit na walang namomonitor ang National Capital Region Police Office ng banta ng pambobomba matapos ang nangyari sa Cotabato City na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng marami. Ayon kay NCRPO chief Director General Guillermo Eleazar, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya upang mapanatiling ligtas ang publiko. Hinikayat naman ni Eleazar ang publiko na agad na isumbong sa otoridad ang anumang bagay o indibidwal na kahina-hinala dahil kung agad na naipaalam ang kahon na iniwan sa…

Read More