MAYOR NG EASTERN SAMAR SINUSPINDE NG OMBUDSMAN

ombudsman1

(NI JEDI PIA REYES) NAHAHARAP ngayon sa anim na buwang suspensyon ang alkalde sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng pondo para sa rehabilitasyon ng naging pinsala ng super typhoon Yolanda nuong 2013. Sa kautusan na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires, ipinasasailalim sa preventive suspension si Mayor Christopher Sheen Gonzales makaraang may makitang batayan mula sa mga dokumentong isinumite ng Visayas field investigation bureau. Ipinasususpinde rin ng kalahating taon ang municipal accountant na si Adrian Bernardo, municipal treasurer Felicisima Bernardo, Bids and Awards Committee (BAC)…

Read More

RONNIE RICKETTS PINAYAGAN NG SANDIGAN MAG-JAPAN

ricke

(NI JEDI PIA REYES) INAPRUBAHAN ng Sandiganbayan 4th Division ang hirit ni dating Optical Media Board chairRonaldo “Ronnie” Ricketts na magtungo ng Japan sa susunod na buwan. Nauna nang naghain ng mosyon ang kampo ni Ricketts na makapag-bakasyon mula Marso 1 hanggang 9 kasama ang kanyang pamilya. Ayon kay Ricketts, noong Disyembre ng nakaraang taon pa binalak ang bakasyon para matiyak na makakasama nito ang kanyang mga anak. Inaasahang tutuloy ang pamilya ni Ricketts sa Shinjuku Granbell Hotel. Sa orihinal na mosyon ni Ricketts, hanggang Marso 8 lamang ang bakasyon…

Read More

EX-AFP CHIEF ABSUWELTO SA GRAFT

villa200

(NI JEDI PIA REYES) INABSWELTO ng Sandiganbayan si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Diomedio Villanueva sa kasong katiwalian nang siya pa ang nakaupo bilang postmaster ng Philippine Postal Corporation. Sa desisyon ng Sandiganbayan 1st Division, ipinunto nito na nabigo ang mga taga-usig ng gobyerno na patunayang guilty beyond reasonable doubt sa mga alegasyon si Villanueva. Idiin si Villanueva sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 2019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang magkaroon umano ng kapabayaan kaya’t nabigyan ng P53 milyong refund…

Read More

PLUNDER , GRAFT CASE SA MGA SANGKOT SA P3-B ROW SCAM

SANDIGANBAYAN-2

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ang isang taong imbestigasyon sa Right of Way (ROW) scam sa Region XII partikular na sa General Santos City, inirekomenda na ng House committee on good government ang pagsasampa ng kasong plunder sa mga sangkot sa nasabing  anomalya. Bukod sa plunder case dahil P3 billion ang sangkot na halaga ay nakitaan din ng nasabin komite na pinamumunuan ni Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo ng paglabag sa anti-graft and practices act ang opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH) officials sa nasabing rehiyon at ilang…

Read More

SOLON NAG-BOLUNTARYO SA 90-ARAW SUSPENSION

sandigan

BOLUNTARYONG nagpasuspinde si Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte matapos magbaba ng suspensyon order ang Sandiganbayan laban sa kasong kriminal na kinakaharap nito. Sa kanyang sulat kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ipinaalam nito ang kanyang boluntaryong pagsasailalim sa 90 days preventive suspension mula noong Pebrero 11. “While I firmly believe that only the House of Representatives has the authority to discipline its members, I would like to inform your good office that I am nonetheless voluntarily submitting to the said preventive suspension for a period of 90-days effective 11…

Read More

MORENO SA SANDIGAN; ALEGRE SA BI

sandigan

(NI LILIBETH JULIAN) ITINALAGA na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Assosciate Justice ng Sandiganbayan si Makati City Regional Trial Court (RTC) Judge Ronald Moreno. Pupunan ni Moreno ang dating nabakanteng puwesto ni dating Sandiganbayan Justice Alexander Gesmundo na itinalaga naman ng Pangulo sa Korte Suprema. Base sa inilabas na appointment paper, Miyerkoles ng hapon ng Palasyo, Hunyo 8, 2018  pa nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Moreno. Matatandaang si Moreno ang humawak sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa aktor na si Baron Geisler  noong 2009…

Read More

SEQUESTERED ASSETS SA SURIGAO IBINEBENTA NG MGA POLITIKO

surigao

(NI TERESA TAVARES) PINAIIMBESTIGAHAN ng Sandiganbayan ang ulat na ilang lokal na politiko sa  Surigao del Sur ang nagbebenta ng mga sequestered na lupain ng gobyerno. Sa resolusyon ng Sandiganbayan Fifth Division, inatasan ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na alamin ang ulat na pinaghahatian at ibinebenta ng ilang politiko ang bahagi ng lupain na binawi ng gobyerno dahil sa pagiging ill-gotten wealth ng mga Marcos. Ang naturang property ay pag-aari ng Lianga Bay Logging Company, Incorporated (LBLCI), ang defendant sa isa sa maraming nakabinbin na kasong sibil sa Sandiganbayan na may…

Read More

EX-MAYOR MULTA SA ITINAGONG SALN

sandigan

(NI TERESA TAVARES) PINAGMULTA ng Sandiganbayan ng P30,000 ang dating alkalde sa Maguindanao matapos mapatunayan na bigo itong ideklara sa kanyang   Statements of Assets, Liabilities and Net worth (SALNs) para sa taong 2011, 2013 at 2014 ang kanyang ari-arian. Sa desisyon ng anti-graft court 6th Division, guilty sa tatlong bilang ng paglabag sa Anti-Graft law at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees si dating Talitay Mayor Montasir. Batay sa rekord ng korte, naghain ng  “not guilty” plea si Sabal sa pagbasa ng sakdal sa kanya noong…

Read More

GRAFT CASE VS YNARES, JR. TULOY

sandi

(NI TERESA TAVARES) TULOY ang pagdinig sa kasong katiwalian laban kay dating Rizal governor Casimiro Ynares Jr. kaugnay sa umano’y overpriced na pagbili ng organic fertilizers. Ito ay matapos ibasura ng Sandiganbayan Third Division ang motion for reconsideration ni Ynares upang mapawalang bisa ang pagdinig sa kinakarap na kaso. Ayon sa Sandiganbayan, nabigo ang akusado na magprisinta ng mga bagong argumento upang baligtarin ng korte ang desisyon nito. Nilinaw ng anti graft court na wala na rin saysay ang apela ni Ynares dahil ibinasura na noon ng Supreme Court ang kaniyang petition for…

Read More