Ni Ann Esternon
Kahit sa gitna ng krisis hindi dapat maubusan ng rason para magpaganda.
Hindi natin sinasabing magpaganda sa pamamagitan ng paggastos nang malaki para rito. Kung tututuusin kapag hindi natin naalagaan ang ating sarili at walang maayos na hygiene ay mas mapapagastos tayo lalo na kung may mga skin breakout.
Dapat mayroon tayong investment sa pag-aalaga sa ating kutis lalo na kung noong pre-COVID ay lumalabas tayo at parte talaga ng trabaho ang maging presentable.
Ang isa sa mga senyales na mayroon tayong healthy skin ay ang pagkakaroon ng natural grow. Siyempre ang mga nakasisira rito ay ang kakulangan sa tulog, nutrisyon sa mga kinakain, pagkakaroon ng stress at uri ng kinakain.
Para sa healthy skin, sundin ang mga sumusunod:
MAGLINIS NANG REGULAR. Maging routine ang palagiang paglilinis ng kutis. Ito ang pinakaparaan para matanggal ang mga dumi, oil at pollution particles sa ating balat – sa mukha man ito o katawan. Ang mga iyan kasi ang nakababara rin sa pores para masira ang kutis. Piliin ang face o body cleanser na akma sa inyong skin condition. Sa pag-apply ng skin product ay banayad na masahihin ang mukha at katawan gamit ang fingers tips in circular motions.
MAG-EXFOLIATE NG BALAT. May mga mura pero effective na exfoliant sa merkado para sa pagpapaganda ng balat. Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa loob ng isang linggo o depende sa product instruction o sa payo ng inyong dermatologist.
MAG-APPLY NG BRIGHTENING SKINCARE PRODUCT. Sa paggamit ng topical skincare treatment tulad ng serum at moisturizers, hanapin sa pakete ang “brightening” at “skin tone-evening,” at ingredients na vitamin C. Ang vitamin C kasi ay isang antioxidant na nagpapa-bright ng balat sa pamamagitan ng pag-block ng enzyme na nagpo-produce ng pigment.
Samantala ang niacinamide (vitamin B3) ay nagpapabal ng pigment production para maging light ang dark spots.
Ang regular na paglalagay nito ay nakaka-bright ng complexion kalaunan.
MAG-HYDRATE. Kapag kulang sa tubig ang katawan nagiging dull ang skin at mas pansin ang wrinkles. Maliban sa pag-inom ng tubig, magpahid din ng topical moisturizer sa umaga at gabi to replenish hydration sa balat.
KUMAIN NG MASUSUSTANSYANG PAGKAIN. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay may epekto sa balat at ito ay nagpapa-glow. Mainam na piliin ang mga pagkaing mataas sa antioxidant tulad ng grapes, berries at nuts gaya ng pecans at walnuts na mayaman sa polyphenols tulad ng ellagic acid at resveratrol. Ang mga antioxidant na ito ay panlaban sa free radicals para maalagaan ang skin cells mula sa UV damage gaya ng hyperpigmentation.
