LALO pang umangat ang 106 TRABAHO Party-list batay sa pinakahuling Stratbase-SWS National Survey para sa 2025 midterm elections.
Umakyat sa pwestong 22-23 na may 1.07% voter preference ang 106 TRABAHO Party-list ngayong Marso, mas mataas kumpara sa 0.96% noong Pebrero kung saan nasa ika-26 na pwesto ito.
Kapansin-pansing malaki ang iniangat ng 106 TRABAHO Party-list subalit ika-54 hanggang 55 lamang ang grupo noong Disyembre 2024.
Isinagawa ang survey noong March 15-20 sa 1,800 rehistradong botante mula Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.
Itinutulak ng 106 TRABAHO Party-list ang mga platapormang makikinabang ang mga manggagawa, gaya ng makatarungang sahod, dagdag-benepisyo, at proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa.
Patuloy rin ang pagsikat ng 106 TRABAHO Party-list ngayong nag-iikot ang celebrity na si Melai Cantiveros upang ipakilala ang grupo at kanilang mga adhikain.
Ayon kay 106 TRABAHO Party-list 1st nominee Atty. Johanne Bautista, isinusulong nila ang plataporma ng karagdagang benepisyo, mas mataas na sahod, at kapakanan ng manggagawang Pilipino.
Ayon naman sa 2nd nominee na si Ninai Chavez, mahalaga para sa kanilang grupo ang sapat na sahod at patas na oportunidad para sa kababaihan, lalo na sa solo parents at mga may kapansanan, habang giit naman ng 3rd nominee na si Kagawad Nelson de Vega na dapat bigyang-pansin ang pagbibigay ng trabahong akma sa kakayahan ng mga senior citizens.
