TSINOY PINAG-IINGAT SA KIDNAPPING

HINIKAYAT ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga Chinese-Filipino sa Pilipinas na maging mapagmatyag sa kanilang paligid at agad iulat ang anomang kahina-hinalang aktibidad.

“Yung kidnapping nararamdaman din yan. Pag may nararamdaman, dapat nirereport kaagad. Halimbawa, yung may nakikita na silang sasakyan, nirereport na kaagad sa pulis yan.

Tapos magti-take note ng plate number,” ayon kay PAOCC Director Undersecretary Gilbert Cruz sa ginanap na Meet the Manila Press forum.

Sinabi ni Cruz na ang kidnapping ay kadalasang may kasamang pagbabanta. “Pag ‘yung may mga threat, dapat nirereport din. Doon kasi nagsisimula yan e, sa threat,” aniya.

Pinayuhan din niya ang mga Chinese-Filipino na palitan ang kanilang ruta sa pagbiyahe at magpalit ng sasakyan paminsan-minsan upang makaiwas sa posibleng pagdukot.

“Importante ang pag-iingat at saka advanced thinking,” sabi ni Cruz.

(JULIET PACOT)

59

Related posts

Leave a Comment