NAKAPAGTALA ng may 20 volcanic quakes sa palibot ng Taal Volcano sa loob ng 24-oras.
Sa kabila nito, sinabi ng PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology), base sa kanilang Taal bulletin ay nananatili ang Alert Level 1 status sa naturang bulkan.
Bukod sa 20 volcanic quakes sa Taal Volcano Network, naobserbahan din ng PHIVOLCS ang mahinang steaming o fumarolic activity na nasa limang metro ang taas.
Muling pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko sa posibiliddad na magkaroon ng phreatic explosion, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas
sa palibot ng Taal Volcano Island.
Dahil dito, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, na itinuturing bilang Permanent Danger Zone.
Pinapayuhan din ang mga local government unit na bantayan ang sitwasyon upang agad mailikas ang mga residente kung kinakailangan.
169
