Payanig sa Pasig: Vico hihirit ng reeleksiyon, pero ayaw na may kalaban

ANG SULAT ni Mayor Vico Sotto sa Comission on Elections na pinapa-disquality ang kanyang katunggali na si Sarah Discaya ay pahiwatig lamang na ayaw niyang may pagpipilian ang mga Pasigueño sa May 2025 midterm elections.

Pahayag ito ng advocacy group na Tindig Pasig nang malaman na personal na ipina-receive ni Sotto sa Comelec ang letter-complaint na nagsasaad ng pangamba na baka mabahiran ng duda ang halalan sa Pasig sa dahilan na ang kanyang katunggali ay may kaugnayan sa Miru Joint Venture, ang kompanya na nanalong mangasiwa sa botohan at bilangan sa darating na halalan.

Kasama ni Mayor Sotto sa Comelec ang kanyang abogado nang akusahan niya si Discaya, na kilala sa tawag na Ate Sarah, ng “conflict of interest” na basehan umano para ma-disqualify bilang katunggali niya sa mayoralty contest.

Ayon sa co-convenor ng advocacy group na si Ram Cruz ay malinaw na gusto ng alkalde na agawin sa mga Pasigueño ang karapatang pumili kung sino ang gusto nilang mamuno sa City Hall.

“Kung sakaling makumbinse niya ang Comelec na ma-disqualify si Discaya ay mananalo siyang walang kalaban na parang pinagkaitan ang Pasiguenos ng kalayaang pumili ng kanilang mayor,” saad ni Cruz, na nagpahayag pa ng pagtataka kung bakit tila’y nag-aalala si Sotto na maaring masilat ang hangad nyang reelection sa susunod na taon.

Si Cruz at ang multi-sectoral groups nya, na dating masugid na taga-suporta ni Sotto, ay may panawagan sa alkalde: “Bakit hindi mo na lang hayaan na ang mga Pasigueño ang mamili kung sino sa inyo ni Ate Sarah ang kanilang iboboto?

Sa isyu naman ng “conflict of interest” na inaakusa ni Sotto kay Discaya ay sinabi ng Tindig Pasig co-convenor na hindi umano tamang pangunahan at pagdudahan ng alkalde ang kakayahan ng Comelec na magdaos ng malinis at patas na halalan sa isang hindi naman gaanong kalakihang lungsod sa Metro Manila.

Nauna na kasing inihayag ng liderato ng Comelec na umalis na sa Miru Joint Venture ang St. Timothy na sinasabi ni Sotto na may kaugnayan ang kalaban nyang si Discaya, na siyang nagbigay-linaw na ang anomang akusasyon at pangamba ng alkalde ay “misplaced” o walang basehan.

Ang partido ni Discaya ay tumangging magbigay ng reaksiyon sa reklamo ni Sotto, maliban sa pagsabi na kanilang ipinaubaya sa Comelec ang pagsagot sa anomang concern ng alkalde dahil soon naman naka-address ang kanyang sulat.

Napag-alaman na matagal nang nag-divest ang mga Discaya ng kanilang interes sa St. Timothy at ang naturang kompanya ay matagal kumalas na rin sa Miru bago pa mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy si Sarah taliwas umano sa bintang ni Sotto.

48

Related posts

Leave a Comment