UTOL NI CHAVIT, PASOK SA KONGRESO VIA PARTY-LIST

chavit12

(NI BERNARD TAGUINOD)

PASOK na sa Kongreso ang kapatid ni dating Ilocos gov. Luis Chavit Singson sa pamamagitan ng party-list na Probinsyano Ako na isa sa mga nanalo sa nakaraang eleksyon.

Ito ang nabatid matapos i-substitute ng nakakabatang kapatid ni Chavit na si Jose Crisologo Singson, ang orihinal na second nominee ng Probinsyano Ako na si Lira Fruster Farinas.

Dalawang upuan ang napanalunan ng nasabing party-list kung saan ang first nominee ay ang anak ni out-going Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas na si Ceasar Farinas.

Ang Ilocos Sur ay mayroong dalawang congressional district kung saan tumakbo sa unang distrito ang anak ni Chavit na si Ronald Singson habang  si Kristine Singson naman sa ikalawang distrito.

Nabatid na nanalo si Kristine habang tinalo naman ni incumbent Ilocos Sur 1st District Rep. Deogracias Victor Savellano si Ronald.

Muling nahalal bilang Governor ng Ilocos Sur ang anak ni Chavit na si Ryan Luis Singson habang si Jerry Singson naman ang nanalong vice governor ng lalawigan sa katatapos na eleksyon.

 

156

Related posts

Leave a Comment