PARA sa Malakanyang, malaki ang potensiyal na lumawak pa ang merkado ng virgin coconut oil sa gitna ng mga nagiging development sa isinasagawang clinical study bilang panlunas sa COVID 19.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy ang clinical studies ng DOST at maganda ang itinatakbo nito.
“Ongoing po ang clinical studies ng DOST, and ang preliminary data po shows very encouraging results ‘no lalung-lalo na parang may preventive at parang nakakatulong po iyan sa early symptoms ng COVID,” ayon kay Sec. Roque.
Kapag nagkataon aniya ay tiyak na makikinabang ang mga coconut producing province at yayaman ang mga ito dahil tiyak na magiging mataas ang demand hindi lang locally kundi pati sa buong mundo.
