TATAKBO na bilang bise-presidente si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Eleksyon 2022.
Ito ang inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang virtual press briefing nitong Huwebes.
“As of 5:46 kahapon po ng hapon ito po ang huling mensahe ng presidente tungkol sa issue ng pulitika, “things are clear now, will run as vice president,” diing pahayag ni Sec. Roque.
Sinabi ni Sec. Roque na tatakbo ang pangulo bilang bise presidente dahil sa kanyang mga unfinished business, laban sa korapsyon at ilegal na droga.
Nauna rito, kinumpirma ng Malakanyang base sa naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People kamakailan na magpapaubaya ito at hindi na tatakbo bilang bise-presidente kung tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.
“Lilinawin ko lang po, nagsalita ang presidente ang sabi niya kung tatakbo si Mayor Sara Duterte, out siya at out din po si Senator Bong Go,” ayon kay Roque.
Ang katuwiran ng pangulo sa bagay na ito ay “por delicadeza”. (CHRISTIAN DALE)
