ISA PANG LADY SPEAKER AMBISYON SA KAMARA

congress
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGANGARAP ang grupo ng mga kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon muli ng speaker mula sa kanilang hanay sa 18th Congress na magsisimula sa huling linggo ng Hulyo.

“Walang masama. And I hope meron din tayong women lawmakers who will vie for the position,” ani Zambales Rep. Cherry  Deloso-Montalla.

Si dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo ang unang babaing House Speaker subalit tapos na ang termino nito sa Mayo kaya pawang mga kalalakihan ang lumulutang na magkakalaban sa babakantehin nitong posisyon.

Isa sa mga pinangalanan na kandidato sa pagka-speaker ay si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez  ng kanyang partidong PDP-Laban subalit hindi ito nagsasalita sa nasabing issue.

Ayon kay Montalla, pinatunayan umano ni Arroyo na seryoso ang babae sa kanilang trabaho dahil sa maiksi aniyang panahon ay maraming naipasa itong batas dahil tinututukan umano nitong lahat ang mga kongresista para gawin ang kanilang trabaho.

“Ang gusto ko kay SGMA, pag may responsibility ka, you really have to do your job. Be a responsible lawmaker. Naiinis siya pag hindi ginawa yung trabaho, which I really admire,” ani Deloso-Montalla.

Ayon naman kay House committee on women and gender equality chairperson Bernadeth Herrera-Dy, umaasa ito na mas malakas ang mga kababaihan sa susunod na Kongreso at maging sa ibang sektor ng lipunan dahil kapag nangyari aniya ito, lahat ay aangat.

“Ako naniniwala talaga ako. Let us empower ourselves, kasi kapag babae ang inangat, buong pamilya aangat eh, so that’s why sa aking kapwa kakabaihan, let us try our best to empower ourselves,” ani Herrera-Dy.

Maliban dito, kapag malakas umano ang kababaihan at nakita ito ng mga kalalakihan ay magdadalawang isip ang mga to na gawin sa kanila ang mga bagay na nakakasama sa mga babae.

Read More

76 HIGH POWERED FIREARMS NAKUMPISKA SA REGION 12

socssargen12
0

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT  sa kabuuang 76 na magkakaibang uri ng malalakas na armas ang nakumpiska  ng Police Regional Office (PRO) 12  sa buong nasasakupan ng SOCCSKSARGEN simula nang ipatupad ang Comelec gun ban noong January 13.

Ayon kay PRO 12 Regional Director P/BGen. Eliseo Tam Rasco, nakumpiska ang mga nabanggit na armas mula sa mga nahuling  lumabag sa mga police operations tulad ng pagsisilbi ng mga warrant of arrest, checkpoints/chokepoints at mga pagresponde  ng kanyang mga tauhan sa buong rehiyon.

Resulta ito ng mahigpit na direktiba ni Rasco sa mga city directors at chief of police na paigtingin ang pagpapatupad ng comelec gun ban sa kanilang mga nasasakupan sa pakikipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang mga law enforcement agencies para mapigilan ang anumang election related violence at iba pang kriminalidad sa Region 12 sa panahon ng halalan.

Sa apat na Police Provincial offices at dalawang  City Police Offices na nasasakupan ng PRO 12, pinakamarami ang nakumpiska sa South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO) na may 26 na armas, 19 sa Cotabato Police Provincial Office (CCPO), sinundan ng Sarangani Police Provincial Office (SPPO) na mayroong 11, samantalang 10 sa  General Santos City Police Office, 9 sa Sultan Kudarat PPO at 1 naman sa Cotabato City police Office (CCPO) mula January 13 hanggang March 29, 2019.

Ipinagmalaki naman ni Rasco na habang papalapit ang 2019 midterm electon wala pang naitatalang kahit isang election related incident sa buong Region 12 at umaasang mapapanatili nila ito hanggang sa matapos ang election.

Patuloy ang apela ni Rasco sa mga mamamayan ng Region 12 na ibigay ang 100% na suporta sa PNP at AFP sa pamamagitan ng agarang pagsuplong sa pinakamalapit na istasyon ng pulis o kampo ng militar sa mga kahina-hinalang personalidad sa kanilang mga lugar.

 

Read More

ERAP BAGSAK VS DROGA; PINAGPAPALIWANAG NG DILG

ERAP12
0

(NI TJ DELOS REYES)

BAGSAK ang grado na ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa paglaban nito sa  iligal na droga sa pamamagitan ng Anti-Illegal Drugs Abuse Council (ADAC).

Ayon kay DILG Assistant Secretary for External and Legislative Affairs Ricojudge Echiverri, ang Maynila ay nakakuha ng  mababang grado na 65, isang maliit na higit sa boarder-line na 50.

Sinabi ni Echiverri na ang isang rating na 50 o mas mababa ay nagpapatunay na hindi naging maganda ang pangangasiwa ng LGU dahil sa di-pagsunod o pagpapatupad ng ADAC dahilan para sila ay sampahan ng kasong administratibo.

Ang DILG at ang Dangerous Drugs Board (DDB) noong Mayo 21, 2018 ay nagbigay ng Joint Memorandum Circular No. 2018-01 na nag-aatas sa lahat ng LGUs na gawing aktibo, palakasin at tiyakin ng kanilang mga lokal na ADAC; na mangangasiwa sa paglaban sa iligal na droga  at maglaan ng pondo dito..

Sa kaso ng Maynila, sinabi ni Echiverri na ang ADAC ni Estrada ay malayo mula sa mga inaasahan sa LGU na ito na may katumbas sa tatlo o apat na lungsod sa Metro Manila bukod sa kung gaano ka-apektado ito sa iligal na droga.

Kahit na ang isang gradong 65 ay hindi karapat-dapat sa paghahain ng isang administrative charge laban kay Estrada, sinabi ng opisyal ng DILG na hindi pa rin siya nasiyahan sa performance ng Manila kumpara sa iba pang mga lungsod na may malaking populasyon tulad ng Quezon City, Caloocan at Pasay.

Ayon sa DILG, nakakuha ang Quezon City ng rating na 100 habang ang Caloocan ay nakakuha ng 95 grado sa paglaban sa iligal na droga.

“Yung tatlo (QC, Caloocan at Pasay) ay nakakuha ng mataas na rating, Manila lang ang hindi . . anong explanasyon mo,” sabi ni Echiverri.

Nitong Miyerkules, pinamunuan ni Echiverri ang paghahain ng kaso sa Office of  Ombudsman laban sa 51 local officials sa bansa dahil sa hindi pagsunod sa pagpapatupad ng kani-kanilang mga ADAC.

 

Read More

POWER INTERRUPTION INIANUNSIYO NG MERALCO

MERALCO-1
0

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGPAPATUPAD muli ang Manila Electric Company (Meralco) ng isang linggong pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, ngayong unang linggo ng Abril, bunsod ng ilang nakahanay na maintenance works.

Sa paabiso ng Meralco, ang power interruption ay magsisimula ngayong Abril 1, Lunes, at magtatagal hanggang sa Abril 7, Linggo.

Nabatid na kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Sampaloc, Sta.Ana at Sta. Mesa sa Maynila; Doña Imelda sa Quezon City; Bagumbong at Camarin sa Caloocan City at Manggahan sa Pasig City.

Apektado rin ang San Ildefonso, San Miguel, Norzagaray at San Jose Del Monte City sa Bulacan;  Candaba, Pampanga; at Liliw, Nagcarlan, Pila at Sta. Cruz sa Laguna.

Kasama sa isasagawa ay line reconductoring, paglilipat ng mga pasilidad, pagpapalit ng mga sira at nabubulok na poste ng kuryente, pagretiro ng mga pasilidad na apektado ng Skyway construction, line conversion works,  at iba pang maintenance works sa loob mismo ng substations ng electric company.

Kaugnay nito, humihingi naman ng pang-unawa ang Meralco sa kanilang mga kostumer dahil na rin sa abalang dulot ng kanilang maintenance works.

Matatandaang una nang nagpatupad ng power interruptions ang Meralco sa iba’t ibang lugar noong nakaraang dalawang linggo lamang dahil rin sa maintenance works.

Una naman nang nilinaw ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na hindi kakulangan sa suplay ng kuryente ang dahilan ng mga power interruptions.

Ipinaliwanag niya na isinasaayos lamang nila ang kanilang mga pasilidad at mga linya ng kuryente para na rin sa pagbibigay ng mas maayos na serbisyo sa kanilang mga kostumer.

 

Read More

CHINA NAKAALERTO SA PH-US BALIKATAN EXERCISE

balikat12
0

(NI JG TUMBADO)

ARAW ng Lunes ang pormal na pagbubukas ng balikatan war exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na gaganapin sa ilang piling lugar sa bansa.

Kasabay nito, nakaalerto naman ang China sa Scarborough Shoa, isa sa piling pagdarausan ng PH-US Balikatan exercise.  Bago pa man ang joint military exercise, ay may mga presensya na umano ng ilang mga barkong pandigma ng China ang naka antabay na para magbantay sa paligid ng Scarborough shoal.

Bilang pang umpisa, ang opening ceremony ay gaganapin sa Camp Aguinaldo sa Quezon City kung saan dadaluhan ito ng ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Armed Forces-Asia Pacific Fleet.

Sinabi ni Philippine Army Lt. Commander Liz Vidallon, Public Information Officer ng PH-US Balikatan 2019, mula April 1 hanggang April 12, 2019 tatagal ang military war exercises ng dalawang magka alyadong bansa.

Bago pa man itinakda ang seremonya, nagsagawa na ng humanitarian activities at civic assistance projects ang mga kalahok na US servicemen kung saan libu-libong mga residente ang nabiyayaan ng libreng serbisyo.

Isa umano sa mga inaabangang highlights ng naturang Balikatan ay ang live fire drill na gaganapin sa Capas, Tarlac sa April 10.

Magkakaroon din ng urban operations, aviation operations at counter-intelligence response na ang venue ay gagawin sa Palawan at ilang lugar sa Luzon.

Bukod sa live fire drill, isang senaryo ng live beach amphibious landing exercise ang ipapamalas sa dalampasigan ng Zambales partikular sa San Antonio kung saan ilang milya lamang ang layo nito mula sa teritoryo ng Pilipinas na ngayon ay sakop ng China, ang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc (Panatag) sa West Philippine Sea.

 

 

Read More

45 SA 53 MGA TEENAGER NAHAWA SA AIDS DAHIL SA SEX

aids
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

KAILANGAN na ang tulong ng mga Simbahan upang maiiwas ang mga kabataan sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) matapos matuklasan na  53 kabataan na biktima ng nasabing sakit ay nahawa dahil sa pakikipagtalik na ang edad ay mula 10 hanggang 19.Maliban sa mga Simbahan, umapela din si  Kabayan party-list Rep Ron Salo sa mga magulang

at mga civil society organization na magtulong-tulong dahil lubhang nakakabahala ang situwasyon.“We call on the church, civil society organizations and the parents to do their share in educating our children against risky sexual behavior and the dangers of getting infected with HIV-AIDS. Everyone must do his share in preventing the continued and further spread of this incurable disease,” ani Salo.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag dahil noong Enero, 53 kabataan na edad 10 hanggang 19, ang kabilang sa 1,249 sa mga bagong pasyente matapos mahawa ng HIV.

Lumalabas sa datos na 45 umano sa mga kabataang ito ay nakipagtalik sa kapwa lalake o men-to-men sex, 5 ang nakipagtalik sa babae at lalake habang 3 ay sangkot sa male-female heterosexual intercourses.

“We need more aggressive information and education campaigns, especially for the people who are more exposed to the risks,” anang mambabatas kaya lahat aniya ng sektor ng lipunan ay dapat nang magtulungan.

Mayroon ding 4 na kabataan na edad 10 taong gulang ang mayroon ng HIV subalit nakuha nila ang virus sa kanilang ina habang sila ay nasa sinapupunan pa.

Iminungkahi din ni Salo sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na gumawa na ng programa para maipaunawa sa mga millenials ang kakaharapin ng mga ito na problema sa pamamagitan ng pakikipagtlik.

Kailangang maisagawa aniya ito sa lalong madaling panahon upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga kabataan na nagkakaroon ng HIV dahil sa maagang pagkamulat sa pakikipagtalik.

Read More

PAYO NA UMIWAS SA SCARBOROUGH SHOAL INUPAKAN

west12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

PATALO ang polisiya ng gobyernong Duterte sa West Philippine Sea (WPS) dahil imbes na ipaglaban ang karapatan ng bansa,  pinapayuhan pa ng mga ito ang mga mangingisdang Filipino na huwag munang mangisda sa sariling teritoryo.

Ganito inilarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang payo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na iwasan munang mangisda sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal upang makaiwas sa pangha-harass ng China.

“Patalong polisiyang ito ng gobyernong Duterte,” ani Zarate dahil sa halip palayasin ang mga magnanakaw ay ang may-ari ng bahay pa ang pinapayuhang umalis muna sa kanyang bakuran.

Nababahala rin ang kongresista na lalong magugutom ang mga mangingisdang Filipino sa polisiyang ito ng gobyerno dahi nauubos na umano ang mga isda sa mga municipal waters.

Tanging ang pag-asa aniya ng mga mangingisda na makahuli ng maraming isda ay sa Scarborough Shoal at iba pang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea kaya kung mananatili ang polisiyang ito ay kakalam ang sikmura ng mga mangingisda.

Dismayado ang mambabatas dahil kung anong tapang aniya ang gobyernong Duterte sa mga kapwa Filipino ay nakabibingi umano ang katahimikan ng Pangulo pagdating sa patuloy na panghaharass ng nasabing bansa sa mga mangingisda.

Sinabi naman ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na imbes na sumunod ang BFAR kay Pangulong Duterte ay dapat nitong depensa ang mga Filipinong mangingisda at ideklarang ‘triditional fishing ground’ ng mga Filipino ang Scarborough Shaol.

“Walang karapatan ang Chinese Coast Guard na itaboy ang ating mga mangingisda. Ang problema, ang Presidente mismo ang astang patalo kaya ganyan din down the line,” ayon pa kay Colmenares.

 

Read More

CPP-NPA-NDF: WALA KAMING TINATANGGAP MULA EU

cpp npa12
0

(NI MAC CABREROS)

PINASUNGALINGAN din ng CPP-NPA-NDF ang akusasyon ng administrasyong Duterte na may perang pumapasok sa kanilang bulsa mula sa European Union.

Sa kalatas na nakarating sa Saksi Ngayon, nagmumula ang kanilang pondo mula sa mga kasapi at ilang hakbang para makalikom ng pondo.

“Ang CPP-NPA-NDF ay isang self-reliant organization na may ipinapatupad na patakarang pampinansyal. Wala pong anumang grupo, sa EU man o sa ibang lugar, na nagpopondo sa rebolusyong Pilipino,” diin ng grupo.

Nauna nang pinasubalian ng EU ang alegasyon ng gobyerno na napupunta sa rebeldeng grupo ang pondo ng sinusuportahang non-government organization.

Bagama’t ganito, muli silang magsagawa ng internal audit upang masagot ang usapin kung saan natanggap nila nitong Marso 28 ang mga dokumentong nagdedetalye hinggil dito.

Binigyan-diin ng isang mapagkatiwaalang source na itinuturing ng EU na teroristang grupo ang CPP-NPA kaya’t malayong kanilang susuportahan ang mga huli.

Hinggil naman sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng makakaliwang grupo, inihayag nito na isang simpleng salu-salo ang kanilang isinagawa kasunod ang isang taktikal na opensiba.

“Marami po tayong dapat ipagsaya dahil hindi matatawaran ang mga aral na napulot natin mula kapwa sa mga tagumpay at kabiguan sa loob ng 50 taon,” pasubali ng grupo sa pahayag ng gobyerno na walang dapat ipagdiriwang ng rebeldeng grupo dahil maraming miyembro ang nagbalik-loob sa gobyerno.

 

Read More

LAGAY NG EKONOMIYA NG PINAS ISASAPUBLIKO

world bank12
0

(NI MAC CABREROS)

NAKATAKDANG  isapubliko ng World Bank ang kanilang talaan o ranking ng mga bansa pagdating sa economic growth ng mga ito.

Malalaman ngayong Lunes kay Gabriel Demombynes, program leader for human development  ng World Bank para sa bansang Brunei, Thailand, Malaysia at Philippines, kung umangat o nalugmok ang lagay ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.

Kasama ni Demombynes si Rong Qian, senior economist ng World Bank, ang pagsasapubliko sa April 2019 edition ng economic outlook ng Pilipinas.

Ilalahad nina Demombynes at Qian ang kanilang pagtaya sa katatagan ng kalakalan gayundin ang kasiguraduhan ng pagpapasok ng foreign investors ng negosyo sa Pilipinas.

Tinignan at isasapubliko rin ng World Bank ang paggastos ng gobyerno sa human capital lalo pagdating sa edukasyon, kalusugan, kakayahan o kapasidad ng mamamayan.

Naunang inilista ng World Bank sa 6.6 porsyento ang economic growth ng Pilipinas ngayong taon na mas mataas sa 6.5 porsyento noong nakaraang taon.

Nakita rin ng World Bank noong nakaraang taon na patuloy na mahaharap sa matinding risk ang ekonomiya ng Pilipinas tulad ng magalaw na pandaigdigang kalakalan at internal pressures gaya ng inflation.

Samantala, inasahan ng economic managers ng Pilipinas na hihigpit ang inflation ngayong Abril dahil sa matinding masamang epekto ng El Nino lalo sa supply ng produktong agrikultura kung saan aabot sa bilyon ang halaga ng pinsala gayundin ang posibleng pagtaas sa singil ng kuryente bunsod ng paghina sa produksyon ng kuryente ng mga hydro-power plant  bunga ng tagtuyot.

Read More