PAGKALAT NG ASF ISINISI SA HOG RAISERS

(NI ABBY MENDOZA)

ISINISI ng Department of Agriculture (DA) sa kawalang kooperasyon mismo ng hog raisers kung bakit  magkaroon ng mabilis na pagkalat ng African swine fever (ASF) virus.

Ayon kay Agriculture spokesperson Noel
Reyes may mga ipinilit na ipuslit na baboy mula sa  Rizal Province kaya nagsimula na itong kumalat sa ibang lugar.

Kung nagkaroon lamang umano ng kooperasyon ang mga hog raisers sa lugar ay maaaring na-contain na agad ang virus at hindi na kumalat.

“Mas lalo pong kakalat ang virus kung hindi natin susundin ang aming appeal na i-report niyo kaagad ang maysakit. Huwag na pong ipagbili pa sa trader yung ASF-infected hogs. Transport or sale, slaughter to other areas. Kinakalat lang po ninyo ang virus,” paliwanag ni Reyes.

Aniya, kapag namatay ang baboy ay huwag na itong ipaanod sa ilog kundi ilibing  nang mabuti habang ang iba pang mga baboy na positibo sa ASF ay pangangasiwaan ng Bureau of Animal Industry at  local government units.

Ang ASF ay hindi naisasalin sa tao kaya naman may mga iresponsableng hog raisers ang nagpupuslit nito.

 

Please follow and like us:
Read More

BATAS SA PARTYLIST REREPASUHIN

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

DAHIL sa sunud-sunod na mga kontrobersiya sa partylist, iginiit ni Senador Imee Marcos na napapanahon na upang amyendahan ang batas hinggil dito.

“Yes, I think we need to clarify, nagkaroon na tayo ng karanasan so importante talaga na makita ang nakalipas, matuto sa kapalpakan, at wag na maulit, palitan na natin yan I think we can do this by law,” saad ni Marcos.

Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Electoral Reforms nalantad ang mga isyu, lalo na ang mga sinasabing pang-aabuso sa partylist system na may mga pagkakataon na mismong sa loob ng partylist groups ay may mga alegasyon ng katiwalian.

Ngunit sinabi ni Marcos na naniniwala pa rin siya sa sistema dahil nagsisilbi itong daan para marinig ang boses ng lahat ng sektor sa lipunan, lalo na ng mga mahihirap.

Kabilang sa mga nagsilbing resource persons sa pagdinig ay si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na naging kontrobersyal dahil sa kanyang mga posisyon ukol kay Ronald Cardema ng Duterte Youth at sa pagkakatalaga kay Mocha Uson bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Sa pananaw ni Guanzon, dapat isama sa one year ban sa pagtatalaga ang mga nominado ng partylist groups sa eleksyon.

Sinabi ni Marcos, isa sa maaring unang gawin ay tiyakin na lehitimo ang grupo at mga miyembro.

“Eh hindi ba galit na galit mismo si President Duterte, tigilan daw ang pag-aabuso sa partylist system na halos ibinebenta na lamang ang organisasyon at puro bilyonaryo ang nakaupo mga kamag-anak din ng pulitiko, big business interest, lahat galit yata pati security forces natin sabi naging front organization ng mga rebelde so ito ang ating problema kung paano isaayos,” saad ni Marcos.

“Ito nga marami silang suggestion, sabi nila i-require ang SALN, sabi nila in existence for three years, member ng three years, active member, nag-aattend ng general assembly tapos maliwanag yung nga programa at plan at marami nang nagawa ang partylist na yun kumbaga ang advocacy nila hindi lang satsat, ginagampanan nila tapos. May draft bill na sila halimbawa,” diin pa ng senador.

 

Please follow and like us:
Read More

ANGKAS APP MAY LIBRENG SAKAY

angkas99

(NI DAHLIA S. ANIN)

NAG-ALOK ng libreng sakay ang motorcycle ride application na Angkas para sa mga pasaherong apektado ng limitadong operasyo ng LRT 2.

Ang libreng sakay ay tuwing Martes hanggang Huwebes mula Recto-Santolan at vice versa, mula alas 8:00 hanngang 10:00 ng umaga at alas 5:00-7:00 ng gabi

Matatandaang limang araw na walang biyahe ang LRT 2 matapos masunog ang power rectifier sa riles sa pagitang ng Katipunan at Anonas Station.

Nagbalik na ang partial na operasyon nito ngayong araw mula Recto hanggang Cubao lamang at sinasabing aabutin pa umano ng siyam na buwan bago matapos ang pagkumpuni sa nasirang bahagi nito.

 

Please follow and like us:
Read More

PNP BUKAS SA LIFESTYLE CHECK

pnp120

(NI AMIHAN SABILLO)

BUKAS ang Philippine National Police (PNP)  na muling isailalim sa  lifestyle check ang mga pulis na pinaghihinalaan na may mga itinatagong yaman.

Ayon kay PNP Spokesperson PBgen Bernard Banac,  bahagi umano ito ng internal cleansing campaign ng PNP, para matukoy kung sino sa kanilang hanay ang posibleng sangkot sa illegal na gawain.

Sinabi pa ni Banac, mayroon ding taunang lifestyle check na ginagawa ang PNP-Internal Affairs Service(IAS). Basehan ng imbestigasyon ng IAS ang Statement of Assets and Liabilities na ipina-file ng mga pulis sa pagtuklas kung mayroon silang tagong-yaman.

Kung mapatutunayan aniya na may hindi idineklarang assets sa kanilang SALN ang mga pulis, ay mahaharap din sa karagdagang kaso ng  perjury ang mga ito dahil sa pagsisinungaling sa kanilang SALN.

Magugunitang nabunyag  sa Senate hearings na ang 13 pulis Pampanga na isinasangkot sa pagre-recycle ng droga ay sabay-sabay umanong nagsibilihan ng mga SUV pagkatapos ng isang drug raid noong 2013 kung saan sinasabing mahigit 200 kilo ng shabu ang nakuha pero mahigit 30 kilo lamang ang inireport ng ggrupo ng ninja cops.

Please follow and like us:
Read More

DOLE PINAKIKILOS SA WORK FROM HOME JOBS

(NI NOEL ABUEL)

PINAKIKILOS ni Senado Joel Villanueva ang Department of Labor and Employment (DOLE) para kumbinsehin ang mga employers na ikonsidera ang telecommunicating arrangements sa mga manggagawa nito dahil na rin sa nararanasang krisis sa transportasyon.

“Hindi po tama na kalbaryo araw-araw ang turing ng mga manggagawang bumibyahe para magtrabaho at buhayin ang kanilang mga mahal sa buhay,” sabi ni Villanueva.

Paliwanag nito na kasalukuyan nang ipinapatupad ang Telecommuting Law at kasalukuyan nang nagsasagawa ng pag-aaral ang DOLE sa mga trabahong maaaring ilagay sa isang telecommuting arrangement.

“Para po sa kapakanan ng ating mga manggagawa, hinihikayat natin ang DOLE na itaas pa ang kaalaman tungkol sa batas na ito,” aniya pa.

“We want to create more options for our employees to fulfill their duties while minimizing the need to go out of their homes and travel to their places of work,” dagdag ni Villanueva, may akda ng

Republic Act No. 11165 o ang Telecommuting Law.

Sa ilalim ng nasabing batas, pinoproteksyunan ang mga manggagawa na magdedesisyon na naayon sa kasunduan ng employers nito na magtrabaho sa tahanan nito at makatatanggap ng sahod at benepisyo tulad ng sa ordinaryong manggagawa na pumapasok sa opisina.

Please follow and like us:
Read More

MAGALONG BIBIGYAN NG SEGURIDAD NI ALBAYALDE

(NI AMIHAN SABILLO)

HANDANG pagkalooban ng seguridad ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen Oscar Albayalde si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung nag-aalala ito na may panganib sa kanyang buhay.

Ayon kay Albayalde, kontrolado ni Mayor Magalong ang buong Baguio City Police, pero kung gusto niya ng sariling security detail ay maari naman itong mag request sa Police Security Protection Group o sa kanya mismo.

Sinabi pa ni Albayalde, alang-alang sa pagmamahal sa bansa at bilang isang professional soldier, ay handa siyang pagbigyan si Magalong kung hihingi ito ng seguridad.

Matatandaan na ibinunyag ni Magalong sa Senate hearings na may nag-timbre sa kanya na pinagbabalakan na ng masama ang kanyang pamilya.

Sinabi pa ni Albayalde na maging ang 15 personal security ni PDEA Director Aaron Aquino ay ipinabalik niya na rin matapos ito unang i-pull out ng PRO-3 para magamit ang lahat ng pulis sa SEA games.

Ito aniya ay para lang mawala na ang haka-haka na ang PNP ang nasa likod ng mga banta laban sa mga tumetestigo sa mga tinaguriang ‘ninja cops’ sa Senado.

Ibinunyag ni Aquino na nakatanggap din siya ng mga death threats matapos siyang magbigay ng pahayag sa Senado ukol sa mga ‘ninja cops’.

Please follow and like us:
Read More

CHARACTER-BASED VIDEO GAMES IPAGBABAWAL

(NI BERNARD TAGUINOD)

ISINISISI ng isang mambabatas sa video games kung bakit nagiging agresibo ang mga kabataan ngayon lalo na sa sex kaya nais nitong ipagbawal ang ganitong laro sa mga ito.

Sa House Resolution (HR) 342 na inakda ni 1Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, inatasan nito ang House committee on welfare of Children na magsagawa ng imbestigasyon upang makagawa ng batas na magbabawal sa mga kabataan na maglaro ng Character-based video games.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos lumabas sa isang pag-aaral na masama umano ang epekto sa mga kabataan na naglalaro ng character-based video games.

“Whereas, na new study suggest that teenagers who play risk-glorifying, chartecter-vase video games rate for mature audience are more likely to act aggressively, drink alcohol, smoke cigarettes and have unprotected sex,” ayon sa panukala ni Marcoleta.

Lumalabas aniya sa pag-aaral na ito na mga game players ay ginagaya ang mga character na kanilang nilalaro na masyado umanong mapanganib kaya dapat aniyang gumawa na ng batas para dito upang mailigtas at hindi mapariwara ang mga kabataang Filipino na naglalaro sa ganitong video games.

“Whereas, lead author Jay Hull tol Rueters Health that “Your moral compass is warped as a consequence of practicing being a deviant character in these games, adding that “If your kids are playing these games, it’s not a good sign of things to come”,” dagdag pa ng mambabatas.

Nais ni Marcoleta na hindi dapat payagan ang mga kabataan na hindi pa tumutuntong a edad 18 anyos na maglaro ng ganitong video games subalit kailangan aniya dito ang batas.

 

Please follow and like us:
Read More

‘DI MAGBIBITIW; TERMINO TATAPUSIN NI ALBAYALDE

albayalde12

(NI AMIHAN SABILLO)

“WHETHER you like it or not, I will retire ”

Paninindigan ito ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa gitna ng mga panawagan na magbitiw siya sa pwesto dahil sa isyu ng ninja cops noong panahon na nakatalaga ito sa lalawigan ng Pampanga.

Anya, tatapusin niya ang kanyang termino hanggang Nobyembre dahil nananatili umano ang tiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit nito na hanggang sa mga oras na ito, ay wala pang napipiling susunod na Chief PNP ang Pangulo kaya itutuloy nya lang ang kanyang pagseserbisyo.

Samanatala, muli namang tiniyak ni Albayalde na mananatiling walang humpay  ang kanilang kampanya sa giyera kontra iligal na droga sa kanyang nalalabing 30 araw bilang hepe ng PNP.

NILALAMAN NG EXECUTIVE SESSION SA SENADO ISIWALAT-ALBAYALDE

“Madaling mag akusa pero mahirap magbigay ng ebidensya ” pagbibigay-diin ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa gitna pa rin ng isyu na kinakaharap nya tungkol sa pagre-recycle ng iligal na droga.

Ayon kay Albayalde, mula nang magkaroon ng Senate hearing tungkol sa ninja cops, walang kahit isang ebidensya na makapagdidiin sa kanya sa kontrobersya.

Kaya naman nanawagan ito ngayon na, isapubliko ang laman ng executive session.

Naniniwala si Albayalde na naendorso na ang susunod na hepe ng PNP sa session at isa ito sa pinag-ugatan kaya siya ang napag-iinitan ngayon.

Posibilidad din umano na may gustong humarang ng kanyang ieendorso na susunod na PNP.

Please follow and like us:
Read More

TEST EVENT, NAKALINYA

seagames6

(NI JEAN MALANUM)

MATAPOS ang matagumpay na staging ng Asean Grand Prix na nagsilbing test event ng volleyball sa Los Banos, Laguna ay nakatuon naman ang pansin ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) sa lima pang kompetisyon na gagawin bago magsimula ang 30th SEA Games sa Nobyembre 30.

Nakatakdang idaos sa Subic Bay Boardwalk (Zambales) ang modern pentathlon sa Oktubre 9-10, samantalang gagawin ang athletics at diving (Oktubre 26-27) at waterpolo (Oktubre 28) sa mga pasilidad na itinayo sa loob ng New Clark City (NCC) sa Capas, Tarlac.

Ang esports test event ay lalaruin sa Flying V FilOil Arena sa San Juan, Metro Manila.

Ang 22 events na lalaruin sa test event na naka-schedule mula Oktubre 26-27 sa 20,000-seater Athletics Stadium ay 100m, 200m, 400m, 800m, 1500m, 5000m, 10000m, 110m hurdles, 400m hurdles, 3000m steeple chase, 4x100m relay, 4x400m relay, high jump, long jump, triple jump, pole vault, shot put, discus throw, javelin throw at hammer throw sa men’s at women’s categories. Kasama rin ang 4x100m at 4x400m sa mixed categories.

Hindi pa masiguro ang bilang ng mga atleta na kalahok dahil sa ang deadline ng pagsusumite ng entry by number ay sa Oktubre 12 samantalang sa Oktubre 19 naman ang entry by name.

Nasubukan na ng mga Pinoy athletes ang competition venues sa loob ng NCC dahil dito rin ginawa ang PATAFA qualifiers gayundin ang Philippine Swimming, Inc. (PSI) National Open noong isang buwan.

Inaasahan naman na lalahok sa test event ang lahat ng PATAFA athletes na naka-lineup sa SEA Games.

Dalawa sa members ng national team na inaasahan na magmedalya ay sina Fil-Americans  Kristina Knott at Zion Corrales-Nelson na kapwa nagpakitang-gilas sa kani-kanilang pre-SEAG training.

Nakapagtala si Knott ng oras na 11.42 seconds sa 100-meter dash event ng Asian Grand Prix at nagsumite rin siya ng second-best time na 23.62 seconds sa Philippine National Open.

Ang parehong oras ay mas mahusay kumpara sa nagawa ni Vietnamese Le Thun Chinh sa 2017 Malaysia SEA Games kung saan nakapag-rehistro siya ng 11.56 seconds para talunin si Malaysian Zaidatul Husniah Zulkifli at makuha ang gold medal.

Ang 11.41 seconds naman na naitala ni Corrales-Nelson sa isang US NCAA tournament ngayong taon ay mababa sa 11.56 seconds at 23.32 seconds na nagawa ni Le nang magwagi ito sa 200-meters event.

Sa 2019 SEA Games trials na ginawa sa Vietnam noong isang linggo, nagsumite si Le ng oras na 11.67 seconds.

Hindi kasali sa SEA Games ngayon si Zaidatul na nagkaroon ng injury. Pumangalawa siya kay Le sa  100-meter (11.74 seconds) at 200-meter (23.63 seconds) event sa Malaysia.

Nakuha ni Zaidatul na ma-improve ang kanyang oras sa 11.65 seconds nang lumahok siya sa 100-meter event sa Ipoh, Malaysia.

Nakatakdang ipahayag ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang composition ng national team matapos ang final tryouts na ginawa noong isang linggo sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac.

 

Please follow and like us:
Read More