MONOPOLYO NA NI VILLAR

Leody de Guzman-2

BMP: Kapag nakuha ng Prime Water ang NCR water distribution

NAPAKALAKAS ng paniniwala ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na posibleng makuha ng Prime Water Infrastructure Corporation na pag-aari ng pamilya nina dating Senate President Manny Villar at Senadora Cynthia Villar ang negosyong distribyusyon ng tubig sa National Capital Region (NCR) kapag tuluyang pinutol ng administrasyong Duterte ang kontrata ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. sa pamahalaan.

Sa eksklusibong panayam kay Leody de Guzman, tagapangulo ng BMP, kumbinsido ang kanyang organisasyon na posibleng mapunta sa mga Villar ang distribyusyon ng tubig maging sa NCR, sapagkat “agresibo“ang Prime Water sa negosyong nabanggit.

Ani De Guzman, sa kasalukuyan ay pasok na ang Prime Water sa maraming lalawigan.

Iniulat ng Saksi Ngayon kamakailan na nakuha ng Prime Water ang 63 water distribution districts mula sa 76 distribution water districts na nasa listahan ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Naganap ito sa pamamagitan ng tinatawag ni LWUA administrator Jeci Aquino na “public-private partnership.”

Idiniin ni De Guzman na ang mag-asawang Manny at Cynthia Villar ay mga negosyanteng “best friend” o “cronies” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kumalat sa publiko na malaki umano ang ibinigay ng mga Villar sa campaign funds ni Duterte noong tumakbo ito sa pagkapangulo ng bansa noong 2016.

Nang manalong pangulo, agad itinalaga ni Duterte si Las Piñas Rep. Mark Villar bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hindi nagtagal, naging Department of Justice (DOJ) undersecretary ang asawa ni Sec. Villar na si Emmeline Aglipay – Villar.

Bukod sa kanila, ang isa pang anak nina Manny at Cynthia na si Camille ay kinatawan ng distrito ng Las Piñas  sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Kumbinsidung-kumbinsido si De Guzman na kapag nakuha ng Prime Water ang distribyusyon ng tubig sa NCR ay “bampirang monopolyo” ng pamilya Villar ang negosyong distribyusyon ng tubig sa Pilipinas.

Nang hinging liwanagin ang kahulugan ng kanyang pahayag, sinabi ni De Guzman na ito ay mistulang bambira sa tubo ang Prime Water.

Ang posibilidad na mapunta sa Prime Water ang negosyo ng distribyusyon ng tubig sa NCR ay sakaling hindi tanggapin at pirmahan ng pamunuan ng Wanila Water at Maynilad ang “bagong kontrata” ng tubig na ipinagawa ni Duterte sa DOJ at Office of Solicitor General (OSG). (NELSON S. BADILLA)

Please follow and like us:
Read More

SOLON KINA AYALA AT PANGILINAN: MAY KONSENSYA PA BA KAYO?

Rep Eric Yap-3

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI mawari ng isang mambabatas kung mayroon pa bang konsensya ang mga Ayala at si Manny V. Pangilinan dahil sa panlalamang umano ng mga ito, hindi sa gobyerno kundi sa taumbayan.

Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang nasabing pahayag kasunod ng natuklasang paghahakot ng pera ng mga Ayala at Pangilinan sa kontratang pinasok ng mga ito sa Light Rail Transit (LRT).

“Mr. Ayala at Mr. Pangilinan, hindi ko alam kung anong puso at konsensya ang meron kayo para lamangan nang husto ang gobyerno dito,” ani Yap, kaugnay ng kontratang pinasok ng LRMC Consortium na pag-aari ng Ayala at Pangilinan sa gobyerno para patakbuhin ang LRT.

Ayon sa mambabatas, tulad ng water concession agreement na pinasok nina Pangilinan at Ayala, “onerous” umano ang kontrata sa pagitan ng gobyerno at LRMC Consortium dahil pinagkakitaan lamang ito ng dalawang nabanggit na negosyante.

Ito ay dahil kumita na ang mga ito sa loob lamang ng apat na taon o mas malaki na ang naipon ng mga nito kumpara sa binayaran nilang concession fee sa gobyerno base sa idineklara umano nilang gross revenue.

Hindi binanggit ni Yap kung magkano ang idineklarang gross revenue ng LRMC subalit lalong kikita ang mga ito sa nasabing kontrata dahil 32 taon ang ibinigay ng gobyerno sa kanila at maaari pa nilang palawigin ng 50 taon.

“Apat na taon pa lang yan and this agreement will cover a 32-year period. They have exclusive rights for 32 years and it can extend to 50 years. Imagine that. Nakakagalit at paulit-ulit kong iniisip kung bakit tayo pumasok sa ganitong kontrata,” ani Yap.

Isa ito sa ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Ayala at Pangilinan na siyang nagpapatakbo naman sa water distribution service ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ang nasabing kontrata ay pinirmahan noong administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaya maghahain umano ng resolusyon si Yap upang imbestigahan ito at mapanagot ang mga dapat managot.

“Dapat ay mapanagot din ang mga government official na gumawa, nag-review at nag-approve nito dahil hinayaan ninyo na ang mga kababayan natin ang dehado sa agreement na ito,” ani Yap.

Please follow and like us:
Read More

TAMA LANG ANG GINAGAWA NI DIGONG SA OLIGARCH

DPA

HINDI ko masisisi si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit  galit ito sa mga Oligarch na kumopo ng mga malalaking kontrata sa gobyerno sa la­rangan ng public service tulad ng transportasyon, tubig at kuryente.

Patuloy kasi ang pag­yaman ng mga ito habang ang mamamayan ay patuloy naman sa pagkayod para mabayaran ang kanilang mga bills na pataas nang pataas habang tumatagal.

Halos lahat ng mga kontratang pinasok ng mga maya­yamang negosyante sa ating ­gobyerno ay pawang pabor sa kanila at ngayong lang nagkaroon ng pangulo na kaya silang galawin.

Mangungutang sila sa ibang financial institution na ginarantiyahan ng ating bansa.

Ibig sabihin kapag hindi sila makabayad sa kanilang inutang ay tayong mga Filipino tax pa­yers ang magbabayad sa kanilang inutang.

Minsanan lang kung kumita ang gobyerno dahil sa concession fees na binabayaran ng mga Oligarch kapag naikasa na ang malaking kontrata habang sila naman ay patuloy ang paghahakot ng pera sa mga ordinaryong mamamayan.

Sa industriya ng tubig, maging ang future projects ng mga water concessionaires ay advance na sinisingil sa mga consumers pero walang proyektong itinatayo. Naniniwala ako na ginagamit nila ang pera natin sa iba pa nila negosyo.

Kaya pala kapag eleksyon lalo na sa presidential election ay malalakas magbigay ng campaign funds ang mga negosyanteng ito sa isang presidential candidate na alam nilang mananalo.

Nagkamali lang siguro sila nang tinayaan noong 2016 presidential election at hindi nila inakala na mananalo si Duterte at kung nagtangka man silang tumulong sa kampaya ni Digong baka tinabla sila kaya walang nililingong utang na loob ang dating Davao City mayor sa kanila at ngayon ay kinakalkal ang kanilang hindi makatarungan at makataong kontrata.

Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit hindi pabor ang mga militanteng grupo sa pagsasapribado sa mga public service dahil ginagawang gatasan lang ito ng mga malalaking negosyante.

Eto marahil ang dahilan kung bakit malalaki kung magpasuwedo ang mga private companies na ito sa kanilang mga top officials na malayong-malayo sa mga sinusuweldo sa gobyerno.

Pero tanging ang mga top officials lang naman ang kanilang sinusuwelduhan nang malalaki habang ang kanilang mga ordinaryong manggagawa ay mga minimum wage earner lang.

Hindi rin dapat tantanan ang mga dating opisyales ng gobyerno na pumayag na pagkakitaan ng mga Oligarch ang mga mamamayan dahil kung hindi sa kanila, wala naman ang mga sakim na mga negosyanteng ito. (DPA / Bernard Taguinod)

Please follow and like us:
Read More

3RD TELCO KINALAMPAG NG EX-SOLON

NERI COLMENARES

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

HINILING ng isang dating kongresista na silipin ng Kamara ang progreso ng operasyon ng third telco na Dito Telecom kasunod na rin ng report na nahuhuli ito sa kanilang ipinangakong target na pagsisimula ng operasyon.

Ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, ikalawang quarter ng 2020 ang nakatakdang pilot testing ng Dito Telecom subalit lumilitaw na kulang-kulang pa rin ang pasilidad nito gaya ng mga communications tower at mga cell site.

Ani Colmenares, isang human rights lawyer, June 2019 pa nang mabigyan ng legislative franchise ang Dito Telecom, at July 2019 ay nakakuha na rin ng permit to operate sa Malacañang at Certificate of Public Convenience and Necessity mula sa National Telecommunications Comission (NTC) ngunit makalipas ng mga ito ay ang publiko naman ang binibitin dahil sa pagkakaantala ng kanilang operasyon.

Ang Dito Telecom na dating Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (Mislatel) ay isang consortium company na kinabibilangan ng Udenna Corporation (35% shares) Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp. (25%) na kapwa pagmamay-ari ng Davao-based businessman na si Dennis Uy at China Telecommunications Corporation (40%).

Bagama’t  nabigyan na ng permit to operate ang Dito Telecom na kasama sa consortium ang China Telecom ay muling iginiit ni Colmeranes na dapat pigilan ng Kongreso ang pagpasok ng China sa Philippine Telecommunications sector.

“China poses a threat to the Philippines not only through its control of the energy grid but even in the telecommunications sector. Considering that we have a dispute with China because of its rapacious expansionism in the West Philippine Sea (WPS) and its trampling of our  sovereign rights, it is absurd for the Philippines to give it control of our telecommunications system. Besides it is already the middle of January whatever happened to its operations which was approved last year,” ani  Colmenares.

Marami na aniyang pagkakataon na inirereklamo ng ibang bansa ng kasong expionage ang China kung saan ginagamit ang kanilang mga telecom sa pag-eespiya, patunay umano rito ang report ng FireEye Mendiant, isang telecommunication watchdog na nagsabing ang China ay nag-develop ng isang “MessageTap” malware na may kakayahan na mag-hack ng SMS data sa mga texter.

“China can compromise cellular networks by monitoring and saving SMS and extract messages.  This is not only a violation of our right to privacy but even national security,” dagdag pa ni Colmenares.

Nais ni Colmenares na magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara at i-withdraw ang pagpasok nito sa bansa.

“Congress should not only focus on its investigation into China’s hold of our energy grid but also its threat of holding one of the most vital and sensitive sector in the country, our telecommunications system. Congress has the power to grant franchises and also the power to withdraw these especially if it poses a threat to the country and the Filipino people.”

Please follow and like us:
Read More

REGISTERED USERS NG GLOBE AT HOME APP PUMALO NA SA 1M

GLOBE-1

NAITALA ng Globe At Home app,  ang best partner para sa home internet connection, ang record number ng registered users nang pumalo ito sa 1,000,000 mark.

Hanggang December 2019, may 1,000,620 ang kumpirmadong total registered customers na nabenepisyuhan ng features nito na nag-aalok ng labis na kaginhawahan sa pagma-manage ng kanilang Globe At Home plans. Ang nasabing bilang ay inaasahang lolobo pa sa mga susunod na quarters dahil mas marami pang kapaki-pakinabang na features ang ipapasok buwan-buwan.

“The Globe At Home app is one of our most recent efforts to offer enhanced home internet experience for our customers,” wika ni Martha Sazon, SVP and Head of Broadband Business at Globe. “This is why we are thrilled to know that more homes are maximizing the benefits of the app to fully enjoy quality connectivity with their families.”

May features na dinisenyo upang maging hassle-free ang pagma-manage sa isang account, ang app ay nag-aalok ng kumbinyenteng digital alternative sa traditional methods. Sa paggamit ng isang kumbinyenteng app, madaling masusubaybayan ng mga customer ang kanilang data usage, makabibili ng promos at add-ons, makikita at mababayaran ang kanilang bills, makatatanggap ng freebies, makagagawa ng self-troubleshooting para sa basic connectivity issues at mata-track ang kanilang repairman o kahilingan para sa paglilipat ng lokasyon.

Sa Help and Support feature ng app, ang lahat ng kailangang malaman hinggil sa Globe At Home service— mula sa impormasyon ukol sa pinakabagong promos at mga bagong plans hanggang sa trouble-shooting tips— ay makukuha sa isang click lamang. Maaari ring i-activate at kanselahin ang content services na nakakonekta sa  Globe At Home Postpaid subscription sa dashboard ng app.

Para sa Prepaid customers, sa Globe At Home App ay maaaring i-activate ang home internet service sa tatlong hakbang,  i-track ang data usage, mag-load ng promos sa loob ng ilang segundo, at i-enjoy ang iba’t ibang rewards.

“We are continuously updating the app with more features such as real-time service ability check and the auto-debit option for payment. With these in the pipeline, customers can be assured that we will be working on further improving their home internet experience in the near future,” dagdag ni Sazon.

Bukod sa app, ang Globe At Home ay nag-aalok din ng mabilis at madaling applications via Facebook Messenger.

Ang Globe At Home app ay libre na i-download sa Google Playstore at sa App Store. Para sa karagdagang impormasyon, i- follow ang official Globe At Home Facebook page.

Please follow and like us:
Read More

NAWA’Y MAGING NORMAL NA ANG BULKANG TAAL

PUNA

IISA ang dalangin ng mga mamamayan ng Batangas at Cavite, lalo na yung matinding naapektuhan nang pag-alburuto ng Bulkang Taal – bumalik na ito sa normal.

Sa ginawang pag-iikot ng Peryodiko Filipino Inc. team sa iba’t ibang mga bayan sa nasabing mga lalawigan, dinig na dinig ng inyong lingkod ang mga kahilingan at dalangin ng mga tao roon lalo na yung mga nasa evacuation centers na sana’y muling manahimik na ang bulkan upang sila’y makabalik na sa dati nilang tahanan nang sa gayon ay makapagsimula nang muli at makabangon.

Hindi na nga halos ma­tingnang mabuti ng PUNA ang kaawa-awang kalagayan ng ating mga kababayan na nasa pansamantala nilang tinitigilan habang patuloy ang mga pagyanig at pagbuga ng abo ng bulkan sa lawa ng Taal.

Maaaring hindi nga sila nagugutom dahil walang patid ang pagdating ng mga tulong tulad ng relief goods mula sa mga mapagmahal nating mga kababayan subalit hindi naman maiaalis sa kanila na mag-alala pa rin sa posibleng kahinatnan ng kanilang kinabukasan at hanggang kailan sila mananatili sa ganoong kalagayan.

Bagaman walong (8) araw pa lang simula nang mag-aburuto ang Bulkang Taal ay ramdam na ramdan na nila ang hirap hindi lang ng kanilang mga katawan subalit maging ang isipan dahil walang tigil ang daloy ng mga katanungan kung saan sila kukuha ng pera na gagamiting pang-araw-araw.

Nawala ang kanilang mga kabuhayan, pananim at higit sa lahat hindi sila makapagtrabaho dahil natabunan na ng abo mula sa bulkan ang kanilang mga bukirin o lupain.

Isa sa napuntahan ng inyong lingkod ay ang Barangay Malabanan, Balete sa Batangas na ang karaniwang pinagkakakitaan ay pagtatanim ng mga gulay at paggawa ng honeybee or pulot-pukyutan.

Nakausap ko si Armando Valencia, isang magsasaka ng Sitio Saisim, na inirereklamo ang biglang pagbaba ng presyo ng kanyang mga inaning gulay tulad ng sigarilyas na dating P35 bawat kilo pero ngayon ay binibili na lang sa kanya ng P10.

Isa pa sa reklamo niya ay wala na siyang makuhang pulot mula sa mga bahay-pukyutan dahil ang mga alaga nilang putakte o bubuyog ay wala nang masipsip na katas sa mga bulaklak dahil puno na ang mga ito ng abo.

Maging ang mga driver ng tricycle at jeepney ay ramdam ang hirap ng kita sa pamamasada dahil wala na umanong tao sa kanilang lugar.

Wala na ring makapunta sa mga bayan ng Balete, Talisay, Laurel, Agoncillo at San Nicolas matapos isailalim sa lockdown ng mga awtoridad ang mga lugar na ito.

Totoong napakarami pa sa ngayon na relief goods na dumarating sa evacuation centers sa Batangas at Cavite subalit makikitang pamigay nang pamigay lang ang nagagawa ng pamahalaan ngunit hindi nila ito nilalagyan ng kaayusan sa madaling salita ay hindi organisado.

Ang isa pa sa lubhang kailangan ng mga bakwit ay medical team na titingin sa kalusugan ng kanilang pamilya dahil may mangilan-ngilan na ang nagkakasakit dahil sa nalalanghap na abo.

Lord, tulungan mo na maa­yos na ang lahat at tumigil na sana sa pag-aalburuto ang Bulkang Taal.

oOo

Para suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com. (PUNA / Joel Amongo)

Please follow and like us:
Read More

NATIONAL ATHLETES AND COACHES BENEFITS AND INCENTIVES ACT OF 2015

SIDEBAR

Nobyembre 2015 pa naging ganap na batas ang Republic Act 10699 na mas kilala sa tawag na National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act. Ang R.A. 10699 ang pinalawak na batas na mula sa naunang Sports Benefits and Incentives Act of 2001 (R.A. 9064).

Kinikilala ng R.A. 10699 ang lahat ng atleta at coaches na accredited ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission partikular ang mga nagwawagi ng medalya sa mga international tournament at ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay mga cash rewards.

Tinatadhana rin ng R.A. 10699 ang “grant of 20% discount from all establishments relative to the utilization of transportation services, hotels and other lodging establishments, restaurants and recreation cen­ters and purchase of medicine and sports equipment anywhere in the country for the actual and exclusive use or enjoyment of the national athlete and coach.”

Labas pa sa nabanggit na discount coverage ang “minimum of 20% discount on admission fees charged by theaters, cinema houses and concert halls, circuses, carnivals, and other similar places of culture, leisure and amusement for the actual and exclusive use and enjoyment of the national athlete and coach.”

Sa kasamaang palad, apat na taon ng batas ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act of 2015 pero hanggang ngayon ay hindi ito lubusang naipapatupad dahil na rin sa hindi pagsunod ng mara­ming business establishments.

Mas masaklap pa, mara­ming mga establisyimento ang ignorante sa R.A. 10699 kung kaya kahit magpakita ng mga valid IDs ang mga atleta at coaches ay hindi sila binibigyan ng 20 porsyentong discount, kabilang na ang mga gamot.

Batid ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na matagal na dapat tinatamasa ng mga Pilipinong atleta at coaches ang mga benepisyo sa ilalim ng R.A. 10699 at ngayon nga ay ginagawa na ng PSC ang lahat para sa kagyat na aksyon ng mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may kapangyarihang bigyan ng parusa ang mga establisyimentong lumalabag sa batas.

Umaasa si Ramirez na ngayong unang bahagi ng 2020 ay tuluyang maipatupad ang RA 10699 Sec. 4 and 5 nang  makakuha na ng karampatang benepisyo ang ating mga atleta at coaches.

Nakatakda ring itaas ng PSC ang sweldo ng mga natio­nal coaches bilang bahagi nang pagpapalakas sa performance ng mga atleta na humakot na 114 ginto at naglagay sa Pilipinas bilang over-all champion sa nakalipas na Southeast Asian Games na ginanap sa bansa.

Gayunman, nakadepende pa rin sa evaluatin ng PSC ang magiging sweldo ng mga national coaches. (SIDE BAR / Raymond Burgos)

Please follow and like us:
Read More

TEAM PH, 2019 AOY NG PSA

TEAM PH-4

TATANGGAPIN ng Team Philippines ang karangalan bilang 2019 Athlete of the Year mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA).

Sa kabila ng distraksyon at agam-agam na bumalot sa preparasyon at maging sa kampanya ng Team Philippines para sa 30th Southeast Asian Games, hindi ito inalintana ng mga atleta upang magtagumpay at muling gumuhit ng kasaysayan sa Philippine sports.

Sa paglikom ng 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals ng may 1,115 Philippine bets, inangkin ng Pilipinas ang overall championship ng regional biennial meet sa ikalwang pagkakataon.

Ang SMC-PSA awards rites ay gaganapin sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel at ipiprisinta ng Philippine Sports Commission (PSC), Cignal TV, at Philippine Basketball Association (PBA).

Ito rin ang ikalawang beses na ang oldest media organization ay magkakaloob ng pinakamataas na karangalan sa Team Philippines, na unang nangyari noong 2005 nang tanghalin ding overall champion ang Pilipinas sa SEA Games.

Sina Olympic silver medal winner Hidilyn Diaz at Asian Games golden girls Margielyn Didal, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go, 2018 PSA Athlete of the Year awardees, ang mga pangunahing atleta rin na kasama sa pararangalan sa Marso, kasama sina world champions Carlos Yulo at Nesthy Petecio, Tokyo Olympic-bound pole vaulter Ernest John Obienna, at iba pa.

“The choice of Team Philippines as 2019 PSA Athlete of the Year has never been as unanimous. And it was felt the least the PSA can do to honor the men and women who brought singular distinction to the country during the 30th SEA Games is to give them one resounding, united vote,” pahayag ni PSA president Eriberto ‘Tito’ Talao ng Manila Bulletin.

Bukod sa Athlete of the Year, ang PSA, itinatag noong 1949 at binubuo ng mga editor at sportswriters mula sa iba’t ibang broadsheets, tabloids at sports websites ay magkakaloob din ng plake at tropeo sa President’s Award, Executive of the Year, at National Sports Association (NSA) of the Year, Ms. Basketball, Mr. Volleyball, Ms. Golf, Mr. Football, at Coach of the Year.

Bukod sa Major Awards, mayroon ding Lifetime Achievement Award, Tony Siddayao Awards, MILO Junior Athletes Award, at citations sa mga SEA Games gold medal winners at posthumous award. (VT ROMANO)

 

Please follow and like us:
Read More

SYDRICK FRANCISCO BABELA: HIRAP AT LUNGKOT KAPALIT NG PANGARAP

SYDRICK FRANCISCO BABELA

(Ni Zia A. Jingco)

HINDI lang overseas Filipino workers (OFWs) ang naho-homesick sa kanilang mga mahal sa buhay. Maging mga “campus idol” na tulad ni Sydrick Francisco Babela ng Mapua Red Robins ay aminadong sobrang nami-miss ang kanyang pamilya na nasa Roxas, Capiz.

Ang 6 foot 3 na si Sydrick ay isa sa dalawang standout players ng Saint Mary’s Academy sa Roxas City na na-scout ng Red Robins sa isang 3×3 tournament sa Capiz noong nakaraang taon. Ang isa pa ay si  Ryan James Corpuz.

Ayon kay Sydrick,  mahirap ang mawalay sa pamilya. Matindi rin umanong kalaban ang homesickness.

“Mahirap, kasi ikaw ang mag-aalaga sa sarili mo. At maho-homesick ka dahil malayo sila,” pag-amin ng binata, na aminadong may girlfriend na.

Ngunit para sa kanyang pangarap, pinaglalabanan ng 18-anyos na wingman ng NCAA juniors basketball champion Mapua Red Robins ang hirap at lungkot para matupad ang kanyang pangarap.

“Pangarap ko po kasi na makapaglaro dito (Manila).”

Kaya’t malaki umano ang pasasalamat niya kina Saint Mary’s head coach Michael Abad at Capiz-based Kabataan Basketball Clinic head Tobee Diaz de Leon na nakadiskubre at naging daan para makapasok siya sa Mapua.

Para sa Grade 11 ngayon na si Sydrick, na nasa Grade 7 na nang makahiligan ang basketball, gusto niyang madebelop pa ang upper body niya para mas lumakas pa gaya ng kanyang idol na si NBA superstar Lebron James ng Los Angeles Lakers.

“Kasi lahat ng posisyon kaya niyang laruin,” aniya patungkol kay ‘King James’.

Pero batid din niya na hindi sa basketball nagsisimula at nagtatapos ang kanyang pangarap. Kaya nangako siyang tatapusin ang kanyang pag-aaral.

“Kailangan talagang balansehin ang pag-aaral at pagiging atleta,” ayon kay Sydrick.

Katunayan, plano niyang maging flight attendant sa malapit na hinaharap.

At payo niya sa mga kabataang gaya niya: “Huwag silang sumuko at magpadala sa mga problema. Lagi rin magdasal at ‘wag kalimutan kung saan sila nanggaling.”

Please follow and like us:
Read More