APU SA BATANGAS MEDICAL CITY BINUKSAN

PINASINAYAAN ng Department of Health (DOH) – Calabarzon ang Acute Psychiatric Unit o APU sa Batangas Medical City sa Lipa nitong nakaraang Linggo.

Kasabay sa pagdiriwang ng National Mental Health week sa bansa, binuksan ang pagamutan.

Ang issue sa mental health ay isang normal na sakit at dumami ang nakararanas nito nang dumating ang pandemyang corona virus.

Ayon sa ulat, dumami ang dumaranas ng depresyon na minsan ay nauuwi sa sakit sa isip dulot ng matinding epekto ng COVID-19 sa buhay at kabuhayan ng mga tao.

Ang sobrang pagkapagod o walang enerhiya araw-araw, pakiramdam na walang halaga ang sarili, hindi makapag-concentrate o hindi makapagdesisyon, hindi pagkakatulog, walang interes sa mga aktibidad, pagbaba ng timbang at pag-iisip na tapusin ang buhay ang karaniwang sintomas na dumaranas ng mental health issue ang isang tao.

Ayon kay DOH 4-A Regional Director, Dr. Eduardo Janairo, “Most persons with mental disorders don’t seek medical help. Kaya napakaimportante na malaman ang mga palatandaan upang mabigyan agad sila ng pangunahing lunas. Kadalasan sa ating pamilya o kamag-anak ay nagkakaroon tayo ng pakiramdam na “parang may hindi tama” sa kanilang pag-uugali at pag-iisip, we must be able to recognize these signs before it comes full blown.”

Sa pamayanan naman ng Calamba City, naglunsad din ng programa si Mayor Justin Chipeco na makatutulong para sa mga may Mental Health issues sa pamamagitan ng libreng konsultasyon.

Sinabi ng alkalde na “hindi dapat ikahiya” kung nakararanas ng ganitong sintomas.

Hinihikayat niya na kumonsulta at makipag-ugnayan sa City Health Office ng naturang lungsod upang mabigyan ng kaukulang lunas ng mga health worker ang mga pasyenteng nangangailangan nito. (CYRILL QUILO)

71

Related posts

Leave a Comment