1 PATAY SA SAKSAKAN SA PIYESTA

QUEZON – Patay ang isang magsasaka matapos na mauwi sa saksakan ang masayang inuman sa selebrasyon ng kapistahan ng isang barangay sa bayan ng Burdeos sa lalawigang ito.

Nasa state of decomposition na nang matuklasan sa isang palayan ang bangkay ng biktimang si Arcadio Velasco Delgra, 33, ng mga naghahanap na kaanak noong Biyernes ng hapon.

Ayon sa report ng Burdeos Police, gabi pa ng Miyerkoles nang maginuman ang biktima at ang suspek na si Freddie Morilla Corpin, 44, at ilang pang kaibigan sa pagdiriwang ng kapistahan ng Barangay Anibawan.

Ngunit nagkainitan umano ang dalawa at bigla na lamang sinaksak ng suspek ang biktima ng dalawang beses sa dibdib.

Bagama’t sugatan, tumakbo ang biktima sa palayan kaya roon na umano ito binawian ng buhay.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong homicide. (NILOU DEL CARMEN)

156

Related posts

Leave a Comment