KUNG si Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ang tatanungin, nais nitong buksan na nang 100% ang mga business establishment kahit sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) upang makapaghanda ang mga Filipino sa Christmas season.
Sinabi ni Lopez na nakikipag-ugnayan na siya sa Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa kanilang pagnanasa na maibalik na ang consumer confidence sa bansa.
Sa budget hearing sa Senado, ipinaliwanag ng kalihim na sa ngayon ay nananatiling mahina ang mga negosyo at kung magpapatuloy ang limitadong operasyon ay mas marami pang indibidwal ang mawawalan ng trabaho.
“What we will try to do is reopen more. Maybe allow them to open 100 percent even if still under GCQ,” saad ni Lopez kasabay ng pagsasabing maraming paraan upang buksan ang mga negosyo nang hindi inilalagay sa modified GCQ ang mga lugar.
“That’s my appeal that is not popular especially to the health workers but really I guarantee this, if we keep the enforcement still strict and the minimum health standards of the citizenry, I believe we can reopen. It’s been 6 months and I believe the virus will not go away. The real solution is to reopen more, allow more workers to come in so that we can bring back jobs and the income that will keep consumer confidence,” pahayag pa ni Lopez.
Sa ilalim ng GCQ level, ang mga establishment sa ilalim ng Category 3 tulad ng restaurants at salons ay papayagan lamang ng hanggang 50 percent capacity subalit iginiit ni Lopez na mas magandang gawin na itong 100 percent capacity.
Ganitong polisiya rin ang dapat pairalin sa legal, accounting, wholesales at retail, travel agencies, at administrative services. (DANG SAMSON-GARCIA)
67