NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 16 volcanic earthquakes sa muling pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa pinakahuling monitoring nito nitong Martes, October 6, 2026.
Patuloy namang nakataas ang Alert Level 2 sa paligid ng Bulkang Mayon.
Ayon sa Phivolcs, namataan din ang pagbuga ng puting usok mula sa bunganga ng bulkan na umabot sa tinatayang 500 metro ang taas, habang naobserbahan ang pamamaga ng bulkan na sinundan ng panandaliang pag-impis.
Patuloy na ipinagbabawal ng ahensya ang pagpasok sa 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan.
Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng Bulkang Mayon.
Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na maaaring magkaroon ng biglaang pagputok ng bulkan, pagguho ng bato mula sa tuktok nito at pag-agos ng lahar sakaling magkaroon ng matinding pag-ulan.
(PAOLO SANTOS)
92 