19 PAGYANIG NAITALA SA BULKANG MAYON

UMABOT sa 19 volcanic earthquakes ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes, Setyembre 18.

Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon dahil sa patuloy na aktibidad nito.

Ayon sa Phivolcs, namataan din ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan na umabot sa taas na 700 metro.

Iniulat din ng ahensya ang pamamaga ng bulkan na sinundan ng panandaliang pag-impis sa hilagang-silangang bahagi nito.

Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Mayon.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa panganib na dulot ng patuloy nitong aktibidad.

Samantala, pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na maaaring magkaroon ng biglaang pagputok ng bulkan, pagguho ng mga bato mula sa tuktok nito, at pag-agos ng lahar sakaling magkaroon ng matinding pag-ulan sa paligid ng Bulkang Mayon.

(PAOLO SANTOS)

94

Related posts

Leave a Comment