ANIM na indibidwal ang nasawi makaraang magpaputok ng baril ang isang estudyante sa loob ng Banga National High School sa bayan ng Banga, South Cotabato.
Kabilang sa mga nasawi ang suspek na matapos ang pamamaril ay binaril ang sarili.
Nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawa pang estudyante na kasalukuyang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang baril na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.
Sa ulat, ang ama umano ng suspek ay empleyado ng DepEd Region 12 at siya ring nagmamay-ari ng ginamit na baril sa krimen.
(TOTO NABAJA)
102 