2 EX-POGO WORKERS KALABOSO SA ONLINE SELLING NG PEKENG PERA

KALABOSO ang dalawang lalaki na sangkot umano sa online selling ng mga pekeng pera sa Las Piñas City.

Hindi nakapalag ang dalawang suspek nang damputim ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Unit.

Kinilala ni PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Bernard Yang, ang mga suspek na sina alyas “Agila”, 30, at “Usa”, 18-anyos, mga dating empleyado ng POGO.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng Bangko Sentral ng Pilipinas hinggil sa talamak na pagbebenta ng counterfeit currency sa social media.

Sa isinagawang cyber patrolling ng ACG, nakumpirma na ibinibenta sa halagang P150.00 lang ang bawat pekeng P1,000.00 bill.

Sa isinagawang entrapment operation, nasabat sa mga suspek ang 150 piraso ng mga pekeng perang papel.

Sinabi ni Yang, meron na silang lead sa grupong posibleng nasa likod ng operasyon at tiniyak nito na sa susunod na mga araw ay mahuhuli nila ang mga suspek.

Samantala, inihayag naman ni BSP payment investigation officer Atty. Mark Fajardo na mapanganib ang pekeng pera para sa maliliit na mga negosyante, gayundin sa inflation ng bansa.

(TOTO NABAJA)

62

Related posts

Leave a Comment