ILIGAL NA CAMPAIGN MATERIALS, BINAKLAS SA BATANGAS

COMELEC BATANGAS

(Ni NILOU DEL CARMEN) KASABAY nang pag-arangkada ng kampanyahan para sa mga lokal na posisyon, kumilos din agad ang mga tauhan ng Comelec sa mga bayan sa Batangas, kasama ang DPWH at PNP at pinagbabaklas ang mga illegal campaign materials na ikinabit ng mga kandidato. Alas 6:00 pa lamang ng umaga ay pinagtatanggal na ng mga tauhan ng PNP at DPWH ang mga sobra sa sukat na mga tarpaulin, poster, mga billboards at maging ang mga campaign materials na inilagay sa mga hindi awtorisadong lugar at hindi mga common poster…

Read More

DALIAN TRAIN BIBIYAHE NA SA UNANG LINGGO NG ABRIL

DALIAN TRAIN

(Ni KEVIN COLLANTES) TARGET ng Department of Transportation (DOTr) na maisama na sa regular na biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang unang Dalian train set, na natapos na nilang isailalim sa pagsusuri, ngayong unang linggo ng Abril. Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Communications Goddess Hope Oliveros Libiran, dahil tapos na ang commissioning at validation tests sa naturang train set, ay kinakailangan na lamang nilang tapusin ang ilang documentation requirements nito, bago ito tuluyang maisabak sa biyahe. Siniguro naman ng opisyal na sa oras na matapos na ito ay…

Read More

PRESYO NG SIBUYAS SUMADSAD

SIBUYAS

(Ni FRANCIS SORIANO) SUMADSAD sa pinakamababang presyo ang sibuyas na ibinibenta mula P12 hanggang P16 kada kilo kaya umaaray na ang mga local producer. Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, minamanipula di umano ng ilang traders ang presyo ng sibuyas upang mapilitan ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang ani sa mas murang presyo mabawi lang ang kanilang puhunan. Batay sa datos ng mga provincial agriculturist, 1,055 ektarya sa 11 lungsod at munisipalidad sa Nueva Ecija ay tinataniman ng sibuyas. Matatandang na kamakailan lang ay naglabas din ang DA ng…

Read More

CATRIONA-CLINT SEX VIDEO, PEKE

catriona12

MAY umiikot na bulung-bulungan na meron daw ‘video scandal’ ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray at ang ex-boyfriend nitong si Clint Bondad. Sabi ng mga nakapanood, kamukhang-kamukha raw ng dalawa ang nasa naturang video. Last year pa nagsimulang kumalat ang video, pero muling naungkat ito nang umamin ang dalawa na wala na sila. Kahapon, March 29, may lumabas na online article na nagpapatunay na hindi ito totoo. Base ito sa isang “comparative video” na nauna nang lumabas. Ang ilan sa pinunto ng naturang video: Ang mga nunal ng…

Read More

PRESYO NG PANGUNAHING BILIHIN TATAAS

produkto12

(NI MAC CABREROS) INAASAHAN ang patuloy na bahagyang pagbagal ng inflation rate o pagtaas sa presyo ng mga produkto sa bansa nitong Marso, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Sa taya ng mga economic analyst ng BSP, nakitang maglalaro  sa 3.1 hanggang 3.9 porsyento ang March inflation na kapag nagpatuloy ang down trend ay maililista na ika-limang sunod na pagtumal ng mga produkto. Naitala sa 3.8 porsyento ang inflation noong Pebrero na mababa kumpara 4.3 porsyento noong Marso 2018. Ayon BSP, bumagsak ang presyo bunsod nang pagtambak ng malaking supply…

Read More

DU30: WALANG MAIIWAN NA SEKTOR, KOMUNIDAD SA BARMM

duterte100

(NI BONG PAULO) HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong hirang na opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na isulong ang political empowerment sa lahat ng mga sektor sa rehiyon. Sa kanyang pagdalo sa symbolic inauguration ng BARMM nitong Biyernes sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato City, sinabi ng Pangulo na umaasa siya na ang bagong tatag na Bangsamoro entity ang magiging daan para tuluyang mabigyan ng katarungan ang historical injustices sa mga mamamayang Bangsamoro. Samantala, inihayag naman ni Duterte ang lubos na kasiyahan sa tagumpay…

Read More

SA MGA NAG-‘OBER D BAKOD,’ SI ARCI ANG WAGI!

arci munoz12

(NI KC GUERRERO) SA paglipat-bakuran ng mga artista, itong si Arci Muñoz ang angat sa lahat. Bida na siya sa pelikulang Last Fool Show ng Star Cinema, si JM de Guzman pa ang leading man! April 10 ang playdate. Maliban sa suwerte sa career, ubod ding lucky siya sa lovelife. Business mentor/adviser lang naman ni Arci ang apo ni Henry Sy Sr.,  the richest Filipino na nilisan na ang mundo kamakailan. Five  years at going strong ang relasyon nina Arci Muñoz  at Anthony Ng na apo ng pinakamayamang Filipino. Kuwento pa ni…

Read More

MALAKAS NA EKONOMIYA PERO MAHINA ANG BULSA

USAPANG KABUHAYAN

Bumabagal daw ang paglaki ng ekonomiya ng buong mundo dahil sa epekto ng mas mabagal na ekonomiya ng malalaking bansa at ang trade war ng Amerika at Tsina. Pero kahit na bumagal man ang akyat ng ekonomiya ng buong mundo ay matibay naman daw ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa nakatayo ito sa matibay na pundasyon ng malinaw na patakaran tungkol sa kalakalan, supply ng pera at katatagan laban sa anumang problema ng mga ekonomiya ng ibang bansa. Ito ang naging resulta ng pag-aaral ng think tank na Oxford Economics…

Read More

UTANG NG PINAS SA CHINA ‘DI TULAD SA IBANG BANSA

dof101

(NI BETH JULIAN) NANINIWALA ang Department of Finance (DoF) na hindi dapat i-ugnay ang utang Pilipinas sa China sa utang ng ibang bansa sa kanila tulad ng Sri Lanka. Ito ang reaksyon ng DoF matapos magbabala ang mga kritiko ng administrasyon na dapat mag ingat ang gobyerno sa pag utang sa China dahil sa posibilidad na debt trap ito tulad ng nangyari sa iba pang bansa na nakuha na ngayon ng China ang kontrol sa ilan nilang infrastructure na hindi na kayang magbayad ng utang. Sinabi ni Finance Usec. Mark Dennis…

Read More