CAMSUR VICE MAYOR KINASUHAN SA RENTA NG HEAVY EQUIPMENT

ombudsman1

(NI JEDI PIA REYES) IDINIDIIN ngayon ng Office of the Ombudsman ang bise alkalde sa Camarines Sur makaraang pumasok umano sa kasunduan sa pagpapa-renta ng heavy equipment nuong siya pa ang nakaupong mayor. Sa charge sheet na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires at inihain sa Sandiganbayan, natukoy na lumabag si Pamplona Vice Mayor Gemino Imperial sa paglabag sa Section 3(e) at 3(g) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Inaakusahan si Imperial ng paglagda sa maanomalyang kontrata ng pagpapa-upa ng heavy equipment na back hoe at grader kay Rodolfo Pua nuong…

Read More

SINGIL SA TUBIG BABABA NGAYONG ABRIL

tubig1

(NI JEDI PIA REYES/PHOTO BY RAFAEL TABOY) KINUMPIRMA ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pagtapyas sa singil ng mga water concessionaire na Manila Water at Maynilad sa darating na Abril. Kasunod umano ito ng paglakas ng piso kontra US dollar at Japanese Yen. Mangangahulugan ito na ang mga konsyumer ng Manila Water na kumukonsumo ng tubig na 10 cubic meters o pababa kada buwan ay makakatipid ng P1.21; sa mga may average consumption na 20 cubic meters ay makakatipid ng P2.69 at ang may konsumong 30 cubic meters…

Read More

ANG LALONG PAGTAAS NG PRESYO NG LUPA DAHIL SA MEGA-MANILA SUBWAY

USAPANG KABUHAYAN

LALONG tataas daw ang presyo ng lupa sa mga lugar sa Metro Manila na dadaanan ng unang Mega-Manila subway na nag-groundbreaking ka-makailan lamang. Sabi ng Colliers International, isang real estate consultancy company, sa Quezon City mas mararamdaman ang pagtaas ng presyo ng lupa at iba pang mga pribadong pag-aari dahil inaasahang magiging bagong sentro ng komersyo ang paligid ng mga bagong subway stations. Mag-uumpisa sa Min­danao Avenue sa Quezon City ang 30-kilometrong haba na subway, at magtatapos sa NAIA Terminal 3. Inaasahan na babawasan nito ang trapik sa Metro Manila lalo na sa EDSA dahil mayroon itong 15 istas­yon na bibiyahe lang ng 30 minuto…

Read More

PAGIGING MAGKASANGGA NG PINAS-US MANANATILI 

duterte us

(NI CHRISTIAN DALE) MAGIGING  kasangga at kakampi  ng Pilipinas ang Estados Unidos sakaling may military aggression o giyera sa South China Sea.Ayon kay US Secretary of State Michael Pompeo, kung ang military activity ng China sa South China Sea ay magiging banta sa seguridad, soberenya at ekonomiya ng Pilipinas, magiging banta rin daw ito sa Estados Unidos. Aniya, kanilang tinitiyak ang commitment ng Estados Unidos sa Mutual Defense Treaty (MDT) sa Pilipinas. Para naman kay  Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin, inihayag nitong produktibo ang kanilang pag-uusap ni Pompeo kung saan nagkasundo silang…

Read More

SINO ANG BEAUTY QUEEN NA DINI-DATE NI DERRICK?

derkath200

(NI JONATHAN ANG) MUKHANG  jackpot si Derrick Monasterio sa ‘bagong babae’ (or vice versa?) sa kanyang buhay. Kasi naman, bagets at beauty and brains ang… oo, isa siyang beauty queen! Sa pocket presscon ng upcoming Kapuso afternoon teleserye na “Dragon Lady” nitong Martes, inamin ni Derrick na isang beauty pageant titlist ang idini-date niya ngayon. Nagngangalan itong Kathleen Joy Paton, isang Filipino-Australian. (The next Catriona Gray?) Kinoronahang Miss Teen International 2017 at Miss Manila 2018 ang 20-year-old na si Kathleen. Ipinanganak siya sa Aklan pero nanirahan sa Australia mula 9…

Read More

MILITANTE NAGPASALAMAT KAY DUTERTE, KONGRESO        

militants

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lahat ng pagkakataon dismayado ang mga militanteng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte. Natuwa ang mga ito nang lagdaan ang ipinasang resolusyon ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na magpapalawig sa pagbabayad sa mga biktima ng human rights violation noong panahon ng martial law. “It is good that Pres. Duterte signed this resolution which is in fact another evidence of the massive human rights violations during Ferdinand Marcos’regime,” ayon kay Bayan Muna chair at senatorial candidate Neri Javier Colmenares. Nitong Biyernes ay pinirmahan ni Duterte ang joint resolution…

Read More

POLITIKONG ‘EPAL’ BINALAAN NI DUTERTE

duterte123

(NI CHRISTIAN DALE) BINALAAN ni Pangulong Rodrigo  Roa Duterte ang mga ‘credit grabber’ na politiko sa bawat proyektong ginawaga ng gobyerno. Sinabi ng Chief Executive hindi dapat  i-claim ng kahit sinong kandidato na sila ang dahilan ng pagkakatayo ng mga proyekto ng pamahalaan kung saan pondo naman ng taumbayan ang ginagamit dito. Ang dapat aniyang  pasalamatan ay ang mga taong nasa likod ng pag-gawa ng proyekto, tulad ng mga builders, contractors, at mga government partners na tumulong para maisakatupan ang isang proyekto. Walang sinuman ang dapat umangkin sa mga government…

Read More

PINOY SA INDIA, PAKISTAN PINAG-IINGAT

kashmir22

(NI DAVE MEDINA) BINALAAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa India at Pakistan na manatiling maingat at alerto kaugnay ng  tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. Pinayuhan din ng Kagawaran ang mga Filipino na iwasang pumunta sa Himalayan region ng Kashmir dahil sa pagsiklab ng engkwentro Huwebes ng umaga.. Umaasa ang DFA na mapipigilan ang paglala ng sitwasyon sa pagitan ng India at Pakistan sa lalong madaling panahon. Nilinaw pa ng DFA na walang nakatirang Pinoy sa mismong Kashmir region, subalit mayroong pitong Filipino military…

Read More

PIRMA NI DIGONG SA ANTI-PALO BILL HINIHINTAY PA RIN  

palo1

(NI BERNARD TAGUINOD) NAPATUNAYAN na walang pakialam at pagpapahalaga si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kabataan matapos nitong i-veto ang anti-palo bill 0 “Non-Violent Discipline of Children Act”. Ito ang opinyon ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin matapos ibasura ng Pangulo ang magbibigay sana ng proteksyon sa mga kabataan laban a verbal at physical abuse. “It is unfortunate because children nowadays are subjected to all forms of physical and mental violence,” dagdag pa ng mambabatas kaya laglag ang balikat ng mga kongresistang nagsusulong sa nasabing kanukala. Sakaling naging batas ito,…

Read More