NAGLIPANA ngayon ang mga Amerikano sa Subic Bay Freeport (maling sabi ng marami SBMA) dala ng Balikatan, ang magkasanib na military exercises ng Sandahang Lakas ng Pilipinas at Estados Unidos. Dito kasi sa Subic ang daungan ng mga barkong pandigma ng Amerika na may mga fighter jets at iba pang gamit militar para sa pagsasanay. Maraming implikasyon ang Balikatan, mula seguridad, kapwa local at international, pang-ekonomiya, hanggang moralidad. Tingnan natin: nahahasa ang kaalaman at kakayahan ng ating mga sundalo at nalalantad pa sa mga gamit ng mga Amerikano kahit na…
Read MoreMonth: April 2019
KAILAN PA KAYA MAAAPRUBAHAN ANG 2019 NATIONAL BUDGET?
Kalagitnaan na ng Abril subalit wala pa ring katiyakan ang sambayanang Filipino kung kailan mapagtitibay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.757 trilyon national budget bill para sa taong 2019 at kasabay nito’y apektado rin ang kabuuang operasyon ng gobyerno. Nitong Huwebes, nabuhayan na ng loob ang mga mamamayan partikular ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno nang inihayag ng Malacañang na inaasahang lalagdaan na ng Pangulo ang panukalang budget sa darating na April 15, araw ng Lunes. Subalit, nitong Biyernes, sinabi ni Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador…
Read MoreMAYOR BALDO NANAWAGAN KAY DIGONG
Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Daraga Albay Mayor Carlowyn Baldo ng tulong makaraang makatanggap ng mga seryosong banta sa kanyang buhay kaugnay ng diumano’y pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Ako-Bikol Congressman Rodel Batocabe. Nagpanukala ang alkalde ng Daraga Albay na rito na lamang sa Maynila isagawa ang paglilitis at hindi sa Legazpi bunga diumano ng mga seryosong bantang ito sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya. Mas malaki aniya ang tsansa na makamit ng mayor ang hustisya kung isasagawa sa Maynila ang paglilitis upang tuluyang mabatid ng taumbayan…
Read MoreSA ALINDOG NI ANDREA, BAKURAN KAYA SI DEREK NG GF N’YA?
(NI RONALD M. RAFER) NAG-UUMAPAW ang chemistry nina Derek Ramsay at Andrea Torres sa ipinakitang summer plug ng pagsasamahan nilang teleserye, ang “The Better Woman.” Ganoon din sa litrato ng dalawa na ipinost ng GMA-7. Dahil sa lumabas ng larawan, uminit ang request ng mga fans na madaliin na ang kanilang teleserye. Kahit ang direktor nila na si Mark dela Cruz ay excited na rin sa taping nila. Pinagsabihan ng mga fans si Derek na mag-ingat kay Andrea at baka ma-fall kahit may GF na ito. Hindi nga ba’t sumugod…
Read MoreMAGSASAKA UMAARAY NA SA P12 PER KILO NG PALAY
(NI BERNARD TAGUINOD) NASASAKTAN na nang husto ang mga magsasaka sa Rice Tariffication Law matapos mapako sa P12 ang bilihan ng bawat kilo ng palay kahit kakaunti ang supply dahil sa El Nino. Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, karaniwang tumataas ang farmgate price ng palay kapag kokonti ang supply subalit ngayon ay napapako na umano ito sa P12 dahil sa nasabing batas na nagbigay ng otoridad sa mga rice traders na mag-angkat ng bigas na walang limitasyon. Maliban dito, mayroon umano sa mga rice traders ang bumibili ng…
Read MorePASAKIT SA KWARESMA: OIL PRICE HIKE ULIT
(NI ROSE PULGAR) MAY nakaamba na namang taas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ito ang abiso Sabado ng hapon ng ilang kompanya ng langis sa bansa. Ayon sa kompanyang Jetti Petroleum, ang dagdag-presyo ay maglalaro sa P0.50 hanggang P0.55 sa kada litro ng diesel, samantalang nasa P0.90 hanggang P0.95 naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina. Ang nakaambang taas presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. Nabatid, na nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price hike ang mga…
Read MoreREMITTANCES NG OFWs SA CHINA BUMABAGSAK
(NI BERNARD TAGUINOD) PALIIT nang paliit ang mga ipinadadalang pera ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase sa mainland China sa nakaraang dalawang taon sa hindi malamang dahilan. Ito ang nabatid kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo base na rin umano sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas bagama’t pumalo sa $33.8 Billion ang kabuuang remittances ng mga OFWs noong 2018. “From a high of about $170 million in 2016, OFW money sent from the Chinese mainland to dependents here in the Philippines fell to $70 million in…
Read MorePNP AMINADO SA KIDNAPPING INCIDENTS SA BANSA
(NI NICK ECHEVARRIA) AMINADO ang Philippine National Police PNP) na may mga kidnapping incident sa bansa lalo na sa bahagi ng Mindanao kung saan nagkukubli ang mga teroristang grupo. Ito ang ipinahayag ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac kasabay ang pagdiddiin na walang dapat ipangamba ang publiko dahil hindi naman nagpapabaya ang mga kapulisan at militar. Sa katunayan umano ay kontrolado aniya ang peace and order sa bansa dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng mga awtoridad. Tinukoy pa ng tagapagsalita ng PNP ang patuloy na pagbaba ng mga…
Read MoreMAYORALTY CANDIDATE SA MARAWI INARESTO SA POLITICAL RALLY
(NI JESSE KABEL) INARESTO ng militar si dating Marawi City mayor Solitario Ali makaraang lumutang ito sa ginanap na PDP-Laban political rally sa nasabing lungsod na dadaluhan sana ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Biyernes sa Mindanao State University. Sa impormasyong ibinahagi ng AFP 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, si Ali na tumatakbo bilang mayor ulit ng Marawi sa ilalim ng local party na PCP-Ompia, ay inimbitahan ng military upang magbigay-linaw sa pagkakasangkot niya sa Marawi siege noong 2017. Sinabi ni Col. Romeo Brawner, commander ng 103rd Infantry Brigade, isinalang sa…
Read More