PASAKIT SA KWARESMA: OIL PRICE HIKE ULIT

oil

(NI ROSE PULGAR)

MAY nakaamba na namang taas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ang abiso Sabado ng hapon ng ilang kompanya ng langis sa bansa.

Ayon sa kompanyang Jetti Petroleum, ang dagdag-presyo ay maglalaro sa P0.50 hanggang P0.55 sa kada litro ng diesel, samantalang nasa P0.90 hanggang P0.95 naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina.

Ang nakaambang taas presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Nabatid, na nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis.

206

Related posts

Leave a Comment