PNPA ISINAILALIM NA SA PNP

pnpa12

(NI BETH JULIAN) GANAP  nang batas ang itinutulak na ilagay sa ilalim ng pamamahala ng PNP ang PNPA. Ito ay matapos nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11279 na nag-uutos na ilipat na sa PNP ang PNPA mula sa dating pamamalakad ng Philippine Public Safety College. Kasama rin sa inilipat sa pangangalaga ng PNP ang National Police Training Institute. Layon ng batas na makamit ang mas mataas na batas ng pagiging epektibo na police force. Ang PNPA ay direktang mapasasailalim ng administrative at operational supervision at control…

Read More

LP UMALMA SA BIKOY VIDEO: WALA KAMING ALAM DYAN! 

kikopangilinan21

(NI NOEL ABUEL) NANINDIGAN ang Liberal Party (LP) na walang kinalaman ang mga ito sa lumabas na Bikoy video kasabay ng pagsabing gawa-gawa lamang ito ng ilang tao. Giit ni Senador Francis Pangilinan, presidente ng LP, gawa-gawa ng administrasyon ang mga paratang sa LP tulad ng pagdamay ng kasalukuyang pamahalaan sa usapin ng ouster plot para mapagtakpan ang mga kapalpakan at pangungurakot ng ilang opisyales ng pamahalaan. “Gawa-gawa lang ng administrasyon. Laging dinadamay ang LP sa mga ouster plot na gawa-gawa lang para pagtakpan ang mga palpak at kurakot sa…

Read More

BAGONG PARTY-LIST REPS GINAGAPANG SA SPEAKERSHIP 

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) SINIMULAN nang ‘gapangin” ng tatlong nangungunang kandidato sa pagka-Speaker sa 18th Congress ang party-list congressmen na itinuturing na may pinakamalaking puwersa ngayon sa Kongreso. Nitong Huwebes ay nagkaroon ng pagtitipon ang mga kinatawan ng mga nanalong party-list organizations noong nakaraang eleksyon sa isang hotel sa Pasig City na dinaluhan ng mga kandidato sa speakership. Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina Marindue Rep. Lord Alan Velasco ng PDP-Laban, Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez. Hindi pinalagpas ng mga nabanggit ang pagkakataon dahil bukod sa…

Read More

BASURA MULA AUSTRALIA IKINAPIKON NA NG PALASYO

mindanao12

(NI BETH JULIAN) HINDI pa man nareresolba ang problema sa basura na itinambak ng Canada sa bansa, isa na namang insidente ng pagharang sa shipment ng basura mula sa Australia sa Tagoloan, Misamis Oriental. Bunsod nito, tahasang inihayag ng Malacanang na hindi  papayagan ng Pilipinas na manatili sa bansa ang naharang na shipment ng basura. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na hindi tambakan ng basura ang Pilipinas at gaya ng Canada ay hindi hahayaan ng pamahalaan na may panibagong bansa na magtangkang magtapon ng basura. Sa ulat, sinabi ni…

Read More

‘BIKOY’ SUMAILALIM NA SA BOOKING PROCESS

bikoy500

(NI JG TUMBADO) ISINAILALIM sa booking procedure si Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy” matapos itong sumuko sa PNP kasabay ng kanyang pagharap sa press conference kaugnay ng pagsisiwalat nito sa ilang liderato ng Liberal Party na nasa likod umano ng pagpapakalat ng “Ang totoong Narcolist” video. Kinuhanan ng fingerprint at mugshot si Advincula sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame. Si Advincula ay nahaharap sa kasong estafa at illegal recruitment. Bago ito sinabi ni PNP chief Police Gen. Oscar Albayalde na sumuko nang kusa sa mga pulis…

Read More

‘BIKOY’ KAILANGANG IMBESTIGAHAN – REP. DUTERTE

dutert12

(NI BETH JULIAN) NANINIWALA  si Congressman-elect Paolo Duterte na kailangan nang magkaroon ng proper investigation kaugnay sa panibagong rebelasyon ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy. Ito, ayon kay Paolo, ay bunsod na rin ng mas maraming pangalan na lumalabas ngayon kung saan isinasangkot na rin si Senator Risa Hontiveros at ilan pang mga abogado. Sa isang statement, sinabi ni Duterte na sa simula pa lamang ay wala siyang pag aalinlangan sa paniniwala na si Senator Antonio Trillanes IV ang may gawa ng lahat ng ito. Sinabi ng kongresista na lahat…

Read More

SA P10-B PONDO PALPAK; REPORMA SA ELEKSIYON INIHIRIT

comelec123

(NI ABBY MENDOZA) SA rami ng aberya sa nagdaang 2019 midterm elections, hiniling ni Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza sa Commission on Election na magsagawa ng reporma sa sistema ng halalan sa bansa. Ayon kay Atienza, hindi maitatanggi ang mga problemang kinaharap ng bansa nitong nagdaang eleksyon mula sa pagpalya ng transparency server, palpak na vote counting machines, sd cards, hanggang sa pagboto ng mga botante. Inirerekomenda ni Atienza na kung ganito lamang din ang automation ay mainam na ibalik na lamang ang manual na botohan kung saan may…

Read More

IMPEACHMENT SA COMELEC OFFICIALS NAKAAMBA

comelec

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isinaisantabi ng oposisyon sa Kamara ang posibilidad na mahaharap sa impeachment case ang mga opisyales ng Commission on Elections (Comelec) kapag napatunayan sa imbestigasyon ng Kongreso na nabahiran ng katiwalian ang resulta ng katatapos na halalan. “I won’t be surprise,” pahayag ni House minority leader Danilo Suarez nang tanungin kung may posibilidad na masampahan ng impeachment complaint ang mga opisyales ng Comelec kapag napatunayan sa imbestigasyon na hindi naging malinis ang katatapos na halalan. Bukod sa mga militanteng grupo, nakiisa na rin ang minority bloc ni…

Read More

POSISYON NI GORDON, TARGET NI POE

gordon poe12

(NI NOEL ABUEL) TARGET ni reelected Senator Grace Poe na pamunuan ang makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee sa pagbubukas ng 18th Congress. Ayon kay Poe, bagama’t may kasalukuyang namumuno sa nasabing komite ay maaari namang ibigay ito sa iba pang senador na uupo sa susunod na Kongreso at kung papayag si Senador Richard Gordon na siyang namumuno sa Komite. “Alam mo, mayroong equity of the incumbent.  So ‘yan ay mangyayari lamang kung papayag si Senador Gordon,” ani Poe sa isang ambush interview bago ang proklamasyon nito bilang ikalawang winning senatorial candidates…

Read More