(NI NOEL ABUEL) TINANGGAP na ni Senador Bam Aquino ang pagkatalo nito sa senatorial race sa katatapos lamang na 2019 midterm elections. Ayon sa senador, kahit umano hindi ito pinalad na makakuha ng pangalawang termino ay hindi umano nauubos ang pagmamahal nito sa bayan at kagustuhang manilbihan sa taumbayan. “Napakalaking karangalan ang manilbihan sa taumbayan kaya’t lubus-lubos ang pasasalamat ko sa mga nakatrabaho at sumuporta sa akin sa loob ng anim na taon at sa mga walang pagod na nangampanya nitong nakaraang mga buwan,” sabi nito. Magtatapos ang termino ni…
Read MoreMonth: May 2019
PINAS PINAGPOPROTESTA NG MGA SOLONS VS CHINA
(NI NOEL ABUEL) DAPAT na magprotesta ang Pilipinas laban sa Chinese government kaugnay ng masamang sinapit ni dating Supreme Court Justice at ombudsman Conchita Carpio-Morales sa paliparan ng Hong Kong noong Martes. Ito ang hamon ng ilang senador kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi umano katanggap-tanggap ang nangyari sa pamilya ni Morales at sa lahat ng Filipino sa buong mundo. Ayon kay Senador Risa Hontiveros malinaw na isang uri ng ganti kay Morales ang ginawa nitong pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyales ng Chinese government sa International Criminal…
Read MorePANINIKTIK NG CHINA GAMIT ANG HUAWEI, WALANG EBIDENSYA – PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) PINAG-AARALAN na ng PNP Anti-Cyber Crime Group ang babala ng Estados Unidos kaugnay sa pagiging banta sa national security ng Huawei. Ginawa ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac ang pahayag bilang reaksyon sa kautusan ni US President Donald Trump na ipagbawal nang tuluyan sa kanilang bansa ang nasabing kompanya dahil ginagamit na pang-espiya umano ng China. Sa ngayon, ayon kay Banac, wala pa silang nakikitang mga balidong dahilan para sabihing nag-eespiya ang China sa Pilipinas gamit ang mga produkto ng telecom company na Huawei. Ayaw namang magkomento…
Read MoreBOXING SA ‘20 OLYMPICS: MERON O WALA?
LAUSANNE – Kumpiyansa ang pamunuan ng International Boxing Association o AIBA na matutuloy ang boxing event para sa 2020 Tokyo Olympics. Ipinatigil ng International Olympic Committee (IOC) ang preparasyon ng AIBA para sa susunod na taong Olympic Games, dahil nais muna nitong makatiyak na nilinis na ng amateur boxing body ang liderato nito, lalo na ang finances ng samahan. Sinabi ni AIBA interim president Mohamed Moustahsane na naging maayos ang miting niya sa IOC officials. “We had a very productive meeting with the IOC inquiry committee today,” lahad ni Moustahsane.…
Read MoreMAYOR SARA AYAW MAKIALAM SA SPEAKERSHIP SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T mayroong napupusuan na maging Speaker ng Kamara sa 18th Congress, wala umanong plano si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na impluwensyahan ang Kongreso kung sino ang mamumuno sa Kapulungan. Gayunpaman, sa statement ng panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, tila nagpahiwatig ito kung sino ang kanyang “manok’ sa mga tatlong nangungunang kandidato s aSpeakership na sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez. “I am only the Mayor of Davao City. I am not…
Read MorePAGGAMIT NG SOLAR POWER IPINASUSULONG SA KONGRESO
(NI MAC CABREROS) HINILING ng isang partylist na hindi pinalad nitong nakaraang May 13 election, kay Pasig City Rep. Roman Romulo, na isulong sa Kongreso ang panukalang paggamit ng solar power para makalibre sa kuryente ang mamayan. Ayon Engr. William J. Juan, nominee ng Marvelous Tayo Partylist at residente ng Brgy. Dela Paz, Pasig City, dapat pagtuunan ng Kongreso sa pamamagitan ni Rep. Romulo ang magandang dulot ng solar power na “libreng kaloob ng Inang Kalikasan na dapat mapakinabangan ng sambayanan.” Binanggit ni Juan sakaling maikabit ang kahit tig-isang 300W…
Read MoreP45-K LIQUID MARIJUANA NASABAT NG BOC-PDEA; FILIPINO-AMERICAN ARESTADO
(Ni JOEL AMONGO) Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 30 vape cartridges mula sa isang Filipino-American na pinaniniwalaang naglalaman ng liquid marijuana na nagkakahalaga ng P45,000 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City nitong Lunes ng hapon. Kinilala ni NAIA-Customs District Collector Carmelita Talusan ang naares¬tong dayuhan na si Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng Winconsin, United States, at residente ng Merville Subdivision, Parañaque City. Idineklara umano ang mga cartridges bilang tsokolate na pinadala umano ng isang…
Read MorePROKLAMASYON NG MGA SENADOR BITIN NA NAMAN
(NI HARVEY PEREZ) MULING ipinagpaliban nitong Martes ng Commission on Elections (Comelec),ang proklamasyon para sa mga nanalong senators at party-list groups dahil sa hindi pa naka-canvass na Certificate of Canvass (COC) mula sa Washington DC ,United States. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, sa ginanap na pulong balitaan na ginanap sa canvassing center sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, muli nilang iaanunsiyo kung kailan idaraos ang proklamasyon. Malaki ang posibilidad na maisagawa ito ngayong araw ng Miyerkoles o bukas ng Huwebes. “We will announce when, but not today,”…
Read MoreSAMU’T SARING SMUGGLED ITEMS NASAMSAM
Kabilang ang porno paraphernalia, undeclared meds at imported meat Sa pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs (BOC) kontra smuggling, iba’t ibang mga puslit o smuggling na kargamento ang nasabat ng ahensya mula sa iba’t ibang puwerto ng bansa. Sa Port of Cebu, nasabat ang kontrabandong naglalaman ng mga pornographic paraphernalia na nagmula sa bansang China kamakailan. Ang nasabing shipment ay dumating umano sa Sub-Port of Mactan, Cebu mula sa China noong nakaraang Marso 16, 2019 na dala ng isang pasahero na nagngangalang Coleman Timothy Philip. Ayon kay Customs Examiner…
Read More