(NI KEVIN COLLANTES) MAHIGIT sa 27 milyong estudyante mula sa elementarya at high school ang inaasahang magbabalik-paaralan na sa Hunyo 3, na unang araw ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Inaasahan naman ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Tonisito Umali, na madaragdagan pa ang naturang bilang dahil karaniwan na aniyang nadaragdagan pa ito sa mismong araw ng pasukan. “If we base the number of students we had in the school year 2018-2019, there will be around 27 million students this school year in public elementary and high schools.…
Read MoreMonth: May 2019
MANUAL AUDIT SA PARTY-LIST VOTES INIHIRIT
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY KIER CRUZ) NAGKAISA ang iba’t ibang party-list organization na hindi nakakuha ng sapat na boto noong nakaraang eleksyon na isama ang boto ng party-list sa random manual audit (RMA) ng Commission on Elections (Comelec). Sa pangunguna ni Akbayan chairperson emeritus at dating Rep. Etta Rosales, nangalap ang mga ito ng petition signature sa iba’t ibang grupo sa Comelec para isama ang party-list votes sa RMA. Kabilang sa mga grupong ito ang Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka, Nuwhrain, Alyansa, Student Council Alliance of the Philippines, Sentro ng…
Read MoreTWINKILL TARGET NG PINAY RIDER
(NI JOSEPH BONIFACIO) TWINKILL ang hangarin ng bike sensation na si Ariana Dormitorio ngayong taon. Una, ang makasiguro ng ouright berth sa 2020 Tokyo Olympics sa pamamagitan ng Asian Bike Continental Championships sa Lebanon at pangalawa, manalo ng gintong medalya sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa sa Nobyembre. “This will be a very crucial year because all of the things that we’ve really worked hard for, eto na yun,” ani Dormitorio sa ginanap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kamakalawa sa Amelie Hotel sa Maynila. Unang…
Read More4 SOKOR FUGITIVES TIMBOG NG BI
(NI FROILAN MORELLOS) NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) agents ang apat na South Korean fugitives na wanted sa kanilang lugar dahil sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan. Ayon sa pahayag ni Immigration spokesperson Dana Krizia Sandoval, ang apat na suspek ay nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Fugitive Search Unit (FSU) sa magkakasunod na araw ng Martes at Miyerkoles, sa isinagawang operasyon ng mga ito sa mga lugar ng Pampanga, Makati at Cavite. Sinabi ni BI intelligence officer Bobby Raquepo, ang mga naaresto ay sina Eum Ki Tae, 43 ,…
Read MorePROBLEMA SA BASURA NG CANADA ‘DI KAILANGAN SA UN
(NI BETH JULIAN) NANINIWALA ang Malacanang na hindi na kailangan pa magpasaklolo ang Pilipinas sa United Nations hinggil sa isyu ng basura ng Canada. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi na kailangan ang UN para maging negosyador para apurahin ang Canada sa paghahakot ng kanilang basura na itinambak sa Pilipinas mula sa taong 2013. Ayon kay Panelo, simple lang naman ang dapat gawin ng Canada, dapat ay ipag-utos na lamang agad ni Canadian President Justin Tradeau na hakutin na ang tone toneladang basura mula sa kanilang bansa na…
Read MoreDATING SEPULTURERO, NO.1 KONSEHAL SA TAAL
(NI NILOU DEL CARMEN) KAHIT tumakbong independyente, wagi bilang number 1 municipal councilor ng Taal, Batangas ang sepulturero sa naturang bayan na si Arnel Garces. Nagtala ang 61-anyos na si Garces ng pinakamataas na boto na 17,787 para manguna sa 20 tumakbo sa pagkakonsehal ng Taal. Lumamang ito ng 4,565 na boto sa sumusunod na nanalong konsehal at tinalo rin nito ang mga mapepera at mga prominenteng pangalan sa larangan ng pulitika sa nasabing bayan. Dahil sa marubdob na hangarin na makapaglingkod sa bayan, napilitang tumakbo bilang independent candidate dahil walang partidong…
Read MoreDOTr-MRT3 NAG-SORRY SA PALPAK NA SERBISYO
(NI KEVIN COLLANTES) NAGPALIWANAG at humingi ng paumanhin sa publiko ang pamunuan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) kasunod na rin nang pagtitigil ng biyahe ng kanilang mga tren nitong Huwebes ng gabi, na nagresulta upang mapilitan silang pababain sa tren at palakarin sa riles ang kanilang mga pasahero. Ayon kay MRT-3 director for operations Michael Capati, ‘low power supply’ sa kanilang Overhead Catenary System (OCS) ang dahilan nang pagtitigil ng biyahe, at hindi aniya nila ito kontrolado. “We were very sorry for that. Hindi namin hawak ‘yun dahil…
Read MoreKUWAIT NAIS PANAGUTIN SA NAMATAY NA PINAY
(NI MINA DIAZ) HUSTISYA ang hinihingi ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa bansang Kuwait hinggil sa overseas Filipino worker (OFW) na napatay ng kanyang amo. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III kailangang managot ang gobyerno ng Kuwait sa pagkamatay ng 47-anyos na si Constancia Lago Dayag ng Agadanan, Isabela, isang Pinay domestic worker. Sinabi ng kalihim na ang insidente ay isang paglabag sa kasunduan sa pagbibigay proteksyon sa mga OFW sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait. Kasabay nito, inatasan na rin ni Bello ang Philippine Overseas Employment…
Read MoreCEBUPAC GIGISAHIN SA KAMARA SA CANCELED FLIGHTS
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ang eleksyon, kokomprontahin na ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Cebu Pacific dahil sa aberyang idinulot ng mga ito sa kanilang mga pasahero dahil sa pagkansela ng kanilang mga flights. Nabatid na aabot sa 22,0000 pasahero ng nasabing airline company na ang naapektuhan sa kanilang mga kinanselang flights kaya maghahain umano si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate sa Lunes para atasan ang House committee on transportation na magsagawa ng imbestigasyon. Ayon kay Zarate, muli nitong isusulong ang Magna Carta for Air Passengers…
Read More