(NI JERRY OLEA) KASALI sana siya sa isang TV series. Kaso, may kondisyon siya — kailangang meron siyang sariling glam team. Eh, wala iyon sa production budget. Kaya ang sabi ng executive producer kay young starlet, “Kung gusto mo ng glam team, ikaw ang magbayad. Pwedeng kaltasin sa TF mo!” Nagmatigas ang young starlet, “No way! Kung wala kayong maibibigay na glam team for me, ayoko na! I quit!” Sa tingin ninyo, magkakaroon pa ba ng regular TV show ang hitad? ### Natanso ang isang kilalang aktres. Umibig…
Read MoreMonth: May 2019
RAPIST NA ADIK GUMAGALA SA TOWER VILLE; COLOR GAME SA WEST POINT
MISYON Aksyon, pakikalampag naman po ang kapulisan ng San Jose Del Monte, Bulacan sa Tower Ville 6-B ng Brgy. Gaya-gaya dahil sa gumagalang adik na rapist na muntik nang mabiktima ang walong taong gulang na batang babae na bumili lamang ng kendi sa kapitbahay. Hinawakan niya ang bata, sinakal at tinakpan ang bibig bago dinala sa isang bakanteng lote. Nangyari ang insidente noong May 15, 2019, nang makita ng isa nilang kapitbahay na nagkataong bumili rin sa tindahan kung kaya’t naalarma ang naturang rapist. Mantakin mo nadala na sa bakanteng lote ang bata…
Read MoreNADINE BIG WINNER SA MYX MUSIC AWARDS
(NI JONATHAN ANG) BIG winners sina Nadine Lustre, Moira Dela Torre, Darren Espanto, and I Belong to the Zoo sa MYX Music Awards 2019 na ginanap sa Vertis North Tent Quezon City nitong Miyerkoles, Mayo 15. Apat ang naiuwing award ng Kapamilya actress at singer na si Nadine Lustre: Female Artist of the Year, Artist of the Year, Music Video of the Year (para sa “St4y Up” music video, na idinirek ni Petersen Vargas), at Media Soundtrack of the Year (para sa kantang “Prom” sa soundtrack ng pelikulang Never Not…
Read MoreMALING AKALA NI ERAP
NAKAKATAWA ang reaksyon nitong si dating convicted President at ex-Manila Mayor Erap Estrada noong malaman niyang inilampaso siya ni Mayor-elect Isko Moreno. Hindi raw kapani-paniwala na matatalo siya dahil lagi naman daw siyang lamang sa mga survey. Ang hindi alam ni Erap ay nai-scam siya ng kanyang mga bataan. Palibhasa ay matanda at halatang hindi na ito nakakapaglibot sa kanyang nasasakupan ay umaasa na lang siya sa mga sinasabi ng kanyang mga tauhan. Pati nga survey na pinapakita sa kanya ay puro gawa-gawa kaya hindi na napupulsuhan ni Erap ang kanyang mga…
Read MorePUBLIKO HINIMOK SA PROTESTA VS COMELEC
(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY LUCAS LUKE) HINIKAYAT ni Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao ang publiko na makiisa sa kilos-protesta laban sa iregularidad sa 2019 midterm elections na hindi inaksyunan ng Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Casilao, naging tahimik ang poll body sa mga reklamo ng pandaraya at vote-buying gayundin ang discrepancies sa halalan gaya ng nangyari sa Bayabas, Surigao Del Sur kung saan sinasabing isang boto lang ang nakuha ng Anakpawis sa kabila ng marami silang volunteers. Aniya, nadungisan ang integridad at kredibilidad ng resulta ng eleksyon dahil sa…
Read MorePOLITICAL DYNASTIES MASAMA SA KABUHAYAN
TUWANG-TUWA ang marami sa naging resulta ng nakaraang eleksyon ay ang pagkatalo ng mga kandidato na galing sa mga pamilya na matagal nang nagpapasahan ng mga pwesto tuwing matatapos na ang term limits ng isa sa mga bago at may modernong kaisipan na mga kandidato. Pero ang hindi alam ng marami ay kahit na nakita natin na may mga ganitong kaso sa iilang lugar sa Pilipinas, karamihan pa rin ng mga probinsya at iba pang lokal na pamahalaan sa bansa at maging mga pwesto sa Kamara ay napanalunan ng mga kandidato…
Read MoreGRADO NI SOTTO SA COMELEC: PASADO!
(NI NOEL ABUEL) KUNG si Senate President Vicente Sotto III ang tatanungin ay pasadong grado ang ibibigay nito sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng katatapos lamang na 2019 midterm elections at sa kasalukuyang pagbibilang ng mga boto. Ito ang sinabi ng lider ng Senado kung saan ang pagiging proactive ng mga opisyales ng Comelec ay isang magandang pangyayari ngayong katatapos ng eleksyon. “I am satisfied with the performance of the Comelec. They have been very proactive contrary to what others are saying. Nakikita ko, very forceful pa nga. The…
Read MoreDAGDAG KOMPENSASYON HIRIT NG MGA GURO SA COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) NANAWAGAN sa Commission on Elections (Comelec), ang grupo ng mga titser na bigyan sila ng dagdag na kompensasyon at overtime rates para sa karagdagang oras na iniukol nila sa pagseserbisyo sa May 13 midterm elections. Ito ay base sa liham na ipinadala nitong Biyernes ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) na naka-address kay Comelec chair Sheriff Abas at pirmado ng Secretary General nito na si Raymond Basilio. Iginiit ng grupo na dapat lamang na mabigyan ng karagdagang kompensasyon ang libu-libong guro, na gumanap bilang board of election…
Read MoreBASURA NG MAYNILA BALAK BILHIN NI ISKO
(NI HARVEY PEREZ) BALAK ni Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na bilhin sa mga household ang kanilang mga basura . Ito ay bilang patunay na may mga nakahanda na siyang pamamaraan kung papaano iaahon sa pagiging dugyot ang Lungsod ng Maynila . Matatandaan na sinabi ni Domagoso matapos na maiproklama bilang bagong halal na alkalde ng lungsod, na ‘paliliguan’ niya ang lungsod, upang maalis ang pagiging ‘dugyot’ nito. Ipinaliwanag ni Domagoso na dating basurero bago naging artista, sa halip na pera ay coupon na maaaring ipampalit sa bigas at de…
Read More