(NI BETH JULIAN) SA ikatlong pagkakataon, magtutungo sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo 30-31 para sa International Conference on the Future of Asia. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang okasyon ay pagtitipon ng mga lider ng Asia-Pacific Region kung saan nakatakdang magtalumpati ang Pangulo. Pagkatapos ng talumpati, haharap si Pangulong Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe para sa idaraos na bilateral meeting. Bagama’t wala pang detalye, inaasahan ni Panelo na ang pagtungo ng Pangulo sa Japan ay mas lalong magpapatatag sa relasyon ng Pilipinas at Japan…
Read MoreMonth: May 2019
BOSSING VIC, CONEY PROUD PARENTS NI MAYOR VICO
(NI RONALD M. RAFER) TINAPOS ni Vico Sotto ang 27 years na pamumuno ng mga Eusebio sa Pasig City. Kasama ni Vico ang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes nang pumunta sa Kapitolyo ng Pasig para sa proclamation bilang bagong mayor ng Pasig. Pabahay, edukasyon, at pagsugpo sa korapsyon ang mga tututukan ni Vico. Very proud parents sina Bossing Vic at Coney. “His heart is set to help people. Bata pa siya, ganun na ang gusto niyang gawin, ang tumulong. He commits his plans to the Lord.…
Read MoreBOC MAY 3 BAGONG ABOGADO
(Ni JOMAR OPERARIO) May bagong abogado ang Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM). Ito’y sa katauhan nina Eleazar B. Rabanes, Angelic A. Diaz, at Mohammad M. Ben-Usman na pawang empleyado ng ahensya. Bagama’t sila’y mga empleyado na ng ahensya, nagawa pa rin nilang maging mga abogado matapos sila’y suwertehing makapasa sa 1,800 examinees sa katatapos na 2018 Bar Examination. “Hindi pa masyadong nagsi-sink in,” ganitong inilarawan ni Rabanes matapos niyang makita ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nakapasa sa nasabing pagsusulit. Pangarap ni Rabanes na maging abogado kaya’t laking…
Read MoreWINNERS AND LOSERS SA MUNDO NG POLITIKA SA SHOWBIZ
SA mga showbiz folks na pumalaot sa mundo ng politika at tumakbo nitong nakaraang 2019 midterm elections, sinu-sino ang mga pinalad at sinu-sino ang umuwing luhaan? Ang mga inaakala nating “indestructible” sa kanilang mga lugar tulad ng mga Estrada/Ejercito sa San Juan at Maynila, ay nagiba ng mga baguhan at di-gaanong-baguhan. Sa Senado, mukhang sigurado nang makakaupong muli sina Lito Lapid at Ramon “Bong” Revilla, Jr. Mukhang hindi naman makakapasok sa “Magic 12” ang magkapatid sa ama na sina Jinggoy at JV Ejercito. Sa Maynila, dinaig ng higit na mas…
Read MoreGUIDELINES SA ‘DUTY AND TAX-FREE PRIVILEGE’ SA MGA BALIKBAYAN BOXES, PINALALAKAS NG BOC
Pinalalakas pa ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpapatupad ng inilabas nitong mga alituntunin kaugnay sa ‘duty and tax-free privilege’ sa mga balikbayan boxes. Ito’y matapos na muling bigyan din ng ahensya ang kahalagahan ng ipinalabas nitong Memorandum Order (CMO) No. 18-2018 na may kinalaman sa mga alituntunin ukol sa pagbibigay ng prebilehiyo sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kani-kanilang pagpapadala ng mga balikbayan boxes. Matatandaang ipinalabas ng ahensya ang CMO No. 18-2018, na layong gawing mas mabilis na ang pagpapadala sa Pilipinas ng balikbayan boxes. Kung dati, ay…
Read MoreITINAPONG BASURA SA PINAS, BALIK-CANADA NA
(Ni JOEL O. AMONGO) Ibabalik na ngayong araw sa Canada ang 69 containers na naglalaman ng basura matapos magkasundo ang Canadian government at ang Pilipinas. Sa report ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero kay Finance Secretary Carlos Dominguez, sinabi nito na inayos nila ang mga kinakailangan sa parte ng Philippine government para sa reexport ng mga basura na pagbabalik sa Canada. Ayon kay Guerrero, ang pagbabalik ng containers ng basura ay bunga na rin ng sunud-sunod na pag-uusap mula Abril 30 hanggang Mayo 6 sa pagitan ng…
Read MoreANGKAN NI ERAP NADAMAY SA PAGLAHO NG KANYANG KINANG SA MASA
Marahil maituturing nang tapos na ang bango ng mga Estrada sa masa at gayundin sa larangan ng politika. Patunay dito ang pagkakalaglag ng mga angkan ni Mayor Erap Estrada sa kanilang tinakbuhang posisyon dahil ni isa man lang sa kanila ay hindi pinalad sa kanilang tinakbuhang larangan. Ang magkapatid na JV at Jinggoy Estrada ay sawi sa kanilang kandidatura sa pagkasenador at maging ang anak ni Jinggoy na si Janella Estrada ay tinalo ng katunggali nitong si Francis Zamora sa pagkamayor ng San Juan at ang pinakamasakit ay ang tinaguriang hari…
Read MoreMALAS PA RIN ANG NUMERO 13 KAY ERAP
Ika-13 na pangulo ng Republika si President Joseph Ejercito “Erap” Estrada at sinasabing malas ang numero 13 sa kanya kung kaya siya ang kauna-unahang pangulo na na-impeach ng Mababang Kapulungan noong taong 2000. Hindi natapos ang kanyang impeachment trial dahil sa gitna ng napipintong acquittal ni Pangulong Erap ay naganap ang EDSA 2 na siyang nagpabagsak sa kanyang administrasyon at pinalitan ng gobyerno ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Nitong nakaraang Mayo 13 ay muling minalas si President-Mayor Erap dahil base sa resulta ng bilangan ng boto sa Maynila ay malaki ang…
Read MoreWALA NANG SIKRETO SA PAGBOTO
ANG alam natin, secret o nakatago kung sino ang ibinoto ng botante liban na lang kung siya na mismo ang maghahayag nito. Tingnan Natin: sa katatapos na halalan, o kahit noong mga nakaraan, wala namang naitatago. Nakikita ng mga guro na nagtatrabaho para sa eleksyon, nakikita rin ng mga “watchers,” at ng kung sino pa ang mabilis ang mata na nasa paligid kung sino ang ibinoto. Kapag isusubo sa makina ang balota na malaki pa sa “long bond paper,” tinatanggal sa “folder” na dapat sana ay pantakip. Tayo mismo ay…
Read More