LARO NGAYON: (SMART ARANETA COLISEUM) 7:00 P.M. — MAGNOLIA VS SAN MIGUEL (NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO) KAPWA nangako ang San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots Pambansang Manok na ibubuhos ang lahat ng kanilang kakayahan at lakas para makamit ang championship ng PBA Philippine Cup ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum. Isang exciting ending ang posibleng maganap sa Game 7 na nakatakda sa alas-7:00 ng gabi, matapos ang anim na laro kung saan nagpamalas ng lakas ang Beermen sa opensa at depensa naman para sa Hotshots. Ang tanong lamang…
Read MoreMonth: May 2019
JOHN LLOYD, ELLEN PUWEDE NANG MAGHAYAHAY SA BUHAY
(NI RONNIE CARRASCO III) INCOGNITO. Ito ang paglalarawan ng aming source when he chanced upon John Lloyd Cruz at the wake of veteran production designer Cesar Hernando sa Paz Funeraria (on Araneta Ave.) sa huling gabi nito noong Biyernes (May 10). Ayon sa aming source, tila sinadya ni JLC na hindi siya mamukhaan ng mga nakiramay most of whom were Cesar’s students at UP. “Sa dami ng tao, hindi mo rin talaga mapapansin si John Lloyd,” dagdag nito, “he looked like a recluse (mala-ermitanyo) that one wouldn’t notice even if…
Read MoreHIGIT 1,000 PULIS SA PARTISAN POLITICS SISIBAKIN
(NI JG TUMBADO) TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na tutuluyang alisin sa serbisyo ang mga pulis na direktang sangkot sa pagkiling sa ilang mga politika noong panahon ng eleksyon. Kasunod ito ng isinasagawang imbestigasyon nila hinggil sa natanggap na report na may isang 1,000 pulis na sangkot sa partisan politics. Sa press briefing, sinabi ni Albayalde na ilan sa mga pulis ay nagsilbi umano bilang security aide ng mga kandidato. Ilan aniya ang mga ito ay ni-relieve at isinasailalm sa imbestigasyon. Pinaalalahanan naman ng…
Read MoreMGA BAGONG HALAL SA SOUTHERN MANILA , IPRINOKLAMA NA
(NI ROSE PULGAR) SUNUD-SUNOD na iprinoklama ng City Board of Canvassers ng Commission on Election (Comelec) ang mga nanalong kandidato sa Southern Metro Manila, Martes ng hapon. Sa Makati City, dakong alas-4:32 ng madaling araw nang iproklama ng Comelec si dating Makati City Mayor Romulo “Kid” Pena, na nanalong congressman sa unang distrito ng lungsod. Kung saan nagtamo si Pena ng botong 71,035 at tinalo nito si dating Vice President Jejomar Binay Sr., na nagtamo ng botong 65,229. Dakong alas-9:00 ng umaga nang iproklama din si Abegail “Abby” bilang re-electionist…
Read MoreMANUAL ENCODING NG PPCRV UMPISA NA
(NI DAHLIA S. ANIN) INIANUNSIYO na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsisimula ng manual encoding para sa nga printed election return, nitong Martes. Ayon kay Agnes Gervacio, media director ng PPCRV, ang mga volunteers nilang estudyante na galing sa Asia Pacific College ay nagsasagawa ng validation process kung saan maikukumpara at maichi-check nila kung nagkakatugma ba ang mga electronically transmitted results na ipinakikita sa kanilang mga screens sa loob ng kanilang command center sa Maynila. Sinabi rin ni Gervacio na ang actual election returns ay pinipick-up…
Read MoreISKO, LACUNA IPRINOKLAMA
(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ) IPRINOKLAMA na ng Manila Board of Canvassers si Francisco “Isko” Domagoso Moreno bilang bagong halal na Mayor ng Maynila at Honey Lacuna bilang Bise alkalde ng Lungsod ng Maynila sa San Andres Sports Complex Sa gitna ng mga hiyawan at pagbubunyi ng mga supporters, itinaas ang mga kamay ng mga bagong halal na opisyal ng lungsod kung saan tinalo ang ilang taong pamamayag ni dating alkalde at presidente Joseph ‘Erap’ Estrada. Nauna rito ay tumanggi pa munang maiproklama ang dating Vice Mayor dahil gusto…
Read MorePALPAK NA VCM MAS MATAAS KUMPARA NOONG 2016
(NI HARVEY PEREZ) LUMOBO pa ang bilang ng mga pumalpak na vote counting machines (VCMs) at security digital (SD) cards ngayon midterm polls. Sinabi ni Commission on Election (Comelec) chair Sheriff Abas, sa isang press briefing isinagawa sa command center sa Philippine International Convention Center (PICC), nakapagtala sila ng 961 VCMs na nagkaaberya at kinailangang palitan upang matuloy ang halalan. Ito ay mas mataas kumpara sa 400 hanggang 600 VCMs na pagtaya ng poll body na sumablay nitong Lunes. Sa kabila nito,nilinaw ng Comelec na maliit na porsiyento lamang naman ito…
Read MoreMINORITY LEADER POST KAY BINAY SA KAMARA NAPURNADA
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI pa man nagsisimula ang 18th Congress, nawalan agad ng lider ang oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos malasin sa katatapos na halalan si dating vice president Jejomar Binay. Bago nagsimula ang kampanya sa katatapos ng midterm election, kabilang si Binay sa matunog at inaasahang tatakbo sa speakership sa Kamara subalit hindi para maging top-leader ng Kapulungan kundi para maging House Minority Leader. Gayunpaman, malabo na itong mangyari matapos masilat ni dating Makati City Vice Mayor Romulo “Kid” Pena Jr., ang dating pangalawang pangulo sa unang distrito ng…
Read MoreOTSO DERECHO, ILANG SENADOR NAG-CONCEDE
(NI FRANCIS SORIANO) HINDI pa man natatapos ang bilangan ng 2019 midterm election ay tinangap na ng oposisyon party na 8 Diretso at ilang mga kandidato sa pagkasenador ang kanilang pagkatalo. Na kinabibilangan na ilang miyembro ng 8 Diretso na sina Atty. Romulo Macalintal nasa ika-26 na puwesto na may 3,862,155 votes, Samira Gutoc na nasa ika-25 na puwesto na may 4,096,597 votes, habang si Jiggy Manicad ay nasa ika- 20 pwesto na miyembro ng Hugpong ng Pagbabago, na concede sa kanilang senatorial race. Ayon kay Macalintal, lubos siyang nagpapasalamat…
Read More