(NI NOEL ABUEL) PINAGPAPALIWANAG ni Senador Francis Pangilinan ang Commission on ElectionS (Comelec) sa mabagal na pagpapalabas nito ng resulta sa nakalipas na eleksyon. “Comelec, limang oras na mula ng huling naglabas ng resulta sa halalan sa Senado at hanggang ngayon ni katititing na paliwanag wala kaming naririnig sa inyo. Nasaan ang COMELEC? Nasaan ang spokesperson? Nasaan ang paliwanag?” pag-uusisa ng senador. Giit pa ni Pangilinan na dapat na magpaliwanag sa publiko ang poll body hinggil sa kapalpakan ng voting counting machines (VCM) at ang ginamit na SD cards. “Lumabas…
Read MoreMonth: May 2019
19 BAGONG PARTY-LIST PASOK SA 18TH CONGRESS
(NI BERNARD TAGUINOD) LABING-SIYAM na baguhang party-list ogranizations ang pumasok sa top 50 partido sa pangunguna ng Ang Probinsyano. Bagama’t ang ACT-CIS ang nakakuha ng may pinakamalaking botong 2, 537, 334 ay nagbabalik Kongreso lamang ang mga ito dahil noong 16th Congress ay kinatawan ito ni dating Rep. Samuel Pagdilao at natalo noong 2016 election. Nasa ikalimang puwesto ang “Ang Probinsyano” na inendorso ng actor na si Coco Martin sa 738,885 na sinundan ng Marino, Probinsyano Ako, Magsasaka, Philreca, Ako Bisaya at Tingog. Pumasok sa top-50 ang baguhan din na Youth…
Read MorePPCRV KAILANGAN NG VOLUNTEERS
(NI MINA DIAZ) NANANAWAGAN ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa karagdagang volunteer upang makatulong sa pag-monitor ng resulta ng eleksyon. Sa isang Facebook post ng PPCRV, nakasaad na kailangan nito ng encoders mula May 20 hanggang 31. Ito ay para sa sumusunod na shifts: 8am to 12nn; 12nn to 5pm at 5pm to 10pm. Para sa mga interesadong maging volunteer maaring magtungo sa PPCRV National Office Room 301, Pius XII Catholic Center sa United Nations Avenue sa Maynila. Una nito, sinabi ng PPCRV na magpapakalat sila ng…
Read MoreNAVY: US AVENGER WAR SHIPS WALANG KONEKSYON SA ELEKSIYON
(NI JESSE KABEL) AGAD nilinaw ng pamunuan ng Philippine Navy na walang kinalaman sa idinaos na eleksyon ang pagdaong sa isang puerto sa Pilipinas ang dalawang U.S warship. Batay sa report, humimpil sa lalawigan ng Palawan ang dalawang U.S minesweepers tatlong araw bago idaos ang May 13 midterm election. Sa ulat na ibinahagi ng US Pacific fleet, dumaong sa Puerto Princesa ang kanilang Avenger-class mine countermeasures ships na USS Pioneer (MCM 9) at USS Patriot (MCM 7) para sa official port visit at resupply and routine maintenance purposes noong Mayo…
Read MoreTHAI KO ARTIST, TARGET PATULUGIN NI JARO
(NI ARIEL BORLONGAN) TATANGKAIN ni dating WBC at Ring Magazine flyweight champion Sonny Boy Jaro na mapatulog ang makakalaban niyang knockout artist na si WBC Asian Boxing Council bantamweight champion Nawaphon Kaikanha dahil alam niyang hindi siya magwawagi sa puntos sa kanilang sagupaan sa Sabado (Mayo 18) sa Bang Phun, Thailand. “Kailangang mapatulog, mahihirapan tayong manalo sa puntos sa Thailand,” sabi ni Jaro sa Balita.”At saka pagkakataon na ito para makabalik ako sa world rankngs.” Minsan nang lumaban si Jaro sa Thailand nang patululugin niya si 6th round noong Marso…
Read MoreBRGY. OFFICIALS NA NAGPAGAMIT SA POLITIKO PINAIIMBESTIGAHAN
(NI JOEL O. AMONGO) MARILAO, Bulacan — Pinaiimbestigahan ni Atty. Jem Sy, mayoralty candidate, sa katatapos na eleksiyon sa Commission on Elections (Comelec)at Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials na nangunguna sa dayaan ng eleksiyon sa nasabing bayan, nitong Lunes. Sa panayam ng Peryodiko Filipino Incorporated PFI/SAKSI kay Atty. Jem Sy, sinabi niyang mismong si Sta. Rosa-2 Brgy. Captain Melvin Guillermo umano ang nangunguna para takutin at i-harass ang kanyang mga tauhan. Bukod umano kay Kapitan Guillermo, kasama rin niya ang kanyang mga kagawad para…
Read MoreGENERALLY PEACEFUL
(NI NICK ECHEVARRIA) NAGING maayos at matiwasay sa pangkalahatan ang idinaos na 2019 midterm election sa Metro Manila, ayon sa assessment ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Maj. Gen. Guillermo Eleazar. Sinabi ni Eleazar na pinatunayan ng naganap na peaceful election ang mahaba at matiyaga nilang preparasyon at koordinasyon sa mga concerned agencies ng pamahalaan para lamang matiyak ang positibong resulta ng katatapos na eleksyon. “No untoward incident reporterd and it’s peaceful so far. I think it is because of our coordination with the Commission on Elections (Comelec) and…
Read MoreCOMELEC MALFUNCTION?
Nag-malfunction ang may 600 vote counting machine (VCM) na nangangahulugan na maaaring umabot sa 500,000 na mga botante ang naapektuhan. Kataka-taka ito samantalang dapat ay na-test na ang mga ito sa tagal ng panahong ibinigay sa poll body upang maihanda ang mga ito para sa May 13 election. Hanggang alas-6:00 lamang dapat ang botohan ngunit dahil sa mga nag-malfunction na mga VCM ay napilitan ang Comelec na i-extend ang botohan sa ilang mga presinto. Ang 600 na VCM ay hindi pa pinal na bilang, maaaring mas malaki pa rito ang…
Read MoreBAYAN MUNA, NUMBER 1 PA RIN SA MAMAMAYAN!
Sa kabila ng fake news at black propaganda, magkakaroon pa ng tatlong kinatawan sa Kongreso ang Bayan Muna Party-list, ayon sa survey ng Pulse Asia nitong Mayo. Nagpapakita lamang ito ng napakalaking suporta ng mamamayan na naniniwala sa adhikain at track record ng Bayan Muna. Nagpapasalamat ang Bayan Muna sa taumbayan sa kanilang suporta sa kabila ng sistematikong paninira, harassment, pagpatay, at pagdukot na ginagawa ng mga anti-demokratikong mga pwersa sa ating partido at sa mga kampanyador at tagasuporta. Nagtaasan sa ranking ng survey ang ibang party-list, dala na rin…
Read More