GABINETE NI DU30 MAAGANG NAGSIPAGBOTO

duterte32

(NI BETH JULIAN) PARA sa kinabukasan ng bansa, pagkakataong bumoto ‘wag sayangin. Ito ang panawagan nitong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino, kasabay ng apela rin sa mga government personnel, pulis, at sundalo na manatiling neutral ngayong halalan. Paalala ng Pangulo sa publiko, gamitin ang oportunidad at karapatang bumoto para matiyak ang tamang landas na tatahakin ng bansa para sa kinabukasan. Umaga pa lamang, nang isa-isa nang bumoto ang ilang Gabinete ng Pangulo, kung saan bandang alas-6:30 ng umaga pa lamang ay bumoto na si Presidential Communications Operations Office Secretary…

Read More

BOTOHAN NG MAMBABATAS MAAAYOS; ILAN BINULAGA NG ABERYA

bong12

(NI ABBY MENDOZA)   KUNG si dating vice president Jejomar Binay ay inabot ng mahigit dalawang oras bago naging successful ang pagboto, wala namang naging aberya sa naging pagboto ng ilang mambabatas sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Si Ginang Arroyo –nagdesisyon na magretiro na sa pulitika at pagkaabalahan na lang ang paggawa ng libro ay papalitan ng kanyang anak na si Mikey Arroyo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng  Pampanga,  — ay bumoto sa Lubao Central Elementary School alas-10:30 ng umaga. Alas 8:00 ng umaga naman ng…

Read More

HINDI PA GUILTY ANG MGA NAHULI SA VOTE BUYING – COMELEC

votebuying12

(NI NELSON S. BADILLA) TINIYAK ng tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) na hindi awtomatikong lumabag ang mga nahuling indibidwal dahil sa pamimili at pagbebenta ng mga boto, krimeng paglabag ng Omnibus Election Code. Ani James Jimenez, iimbestigahan pa ang mga kasong inihain laban sa mga taong nahuli upang malaman kung totoong lumabag sila sa Artikulo 22 ng Omnibus Election Code o hindi. Sa piskalya pa lang ay tutukuyin na kung matibay, malakas at sapat o hindi ang mga ebidensya hinggil sa kasong inihain laban sa kanila, patuloy ni Jimenez.…

Read More

34 CONGRESSIONAL CANDIDATES ‘SURE BET’ SA POSISYON

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) TATLUMPU’T APAT na congressional candidate ang nakasiguro agad ng upuan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil walang lumaban sa mga ito sa kani-kanilang distrito. Isang boto lang ang kinailangan nina Mandaluyong City Lone District candidate Neptali Gonzales II, Henry Villarica ng Bulacan, Junie Cua, ng Quirino, Ma. Lourdes Arroyo, ng Negros Occidental, Jose Benitez, ng Negros Occidental at Cristina Garcia, ng Bataan. Sigurado rin sina Dan Fernandez sa Laguna, Timmy Chipeco, ng Calamba City, Vincent Garcia, ng Davao City, Resureccion Acop, ng Antipolo City, Elian Bulut, ng…

Read More

PUMALYANG VCM PROBLEMA RIN SA LAGUNA

comelec122

(NI NICK ECHEVARRIA) PARE-PAREHONG problema ng pag shutdown ng mga vote counting machines (VCM) sa mga presinto sa iba’t ibang mga bayan at lungsod sa Laguna ang mga naitalang problema sa pagbubukas ng eleksiyon sa lalawigan, ayon sa mga Board Election Inspectors. Problema din umano ang sobrang init ng panahon lalo na sa mga polling precincts kung saan dagsa ang mga botante. Sa mga pumapalyang makina, matiyagang naghihintay ang botante habang pansamantalang inilalagay ang hindi pa nabibilang na balota sa isang sealed na lalagyan. Ang mga BEI ang naglalagay sa VCM…

Read More

LIBRENG TOLL FEE TUWING HOLIDAYS IGINIIT NI SOTTO

tollfee12

(NI NOEL ABUEL) IPINADEDEKLARA ni Senate President Vicente C. Sotto III na gawing libre ang pagbabayad ng toll fee  sa panahon ng holidays o walang pasok. Paliwanag ng senador malaking ginhawa sa mga commuters kung walang babayarang toll sa North Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) tuwing holidays. “This will ensure smooth travel through the North Expressway (NLEX) and South Luzon Expressway (SLEX) and other connecting toll highways,” sabi ni Sotto sa inihain nitong Senate Bill No. 2220. Sa ilalim ng nasabing panukala aamyendahan nito ang ilang probisyon ng…

Read More

VOTE BUYING MALAKING HAMON SA PNP

comelec pnp12

(NI JG TUMBADO) ANG malawakang vote buying sa bansa ang siyang pinakamatinding hamon na tinutugunan ng pambansang pulisya ngayong 2019 midterm elections. Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde sa kanyang press briefing sa Camp Crame, Lunes ng umaga sa unang oras ng pag-uumpisa ng botohan. Sinabi ni Albayalde, na nakapagtala na sila ng 79 na insidente ng vote buying kung saan 213 ang nadakip, at 10 pa ang pinaghahanap. Inilarawan ni Albayalde na “massive” o “kaliwa’t-kanan’ ang nagaganap na vote buying sa bansa.…

Read More

PROKLAMASYON SA LOKAL NA ANTAS: 24 ORAS – COMELEC

james comelec12

UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na maipoproklama ang mga nanalo sa eleksiyon sa loob ng 24-oras. Sa mga lalawigan, tinatayang tatagal ng 72 oras at sa national level – ang mga nanalong senatorial candidate – ay inaasahang maipoproklama sa loob ng isang linggo. Nasa plano ng Comelec na iproklama nang sabay-sabay ang 12 mananalong kandidato tulad nang ginawa noong 2016. Uupo bilang national board of canvassers ang Comelec mula alas-3 ng hapon ng Lunes, sa PICC Forum sa Pasay City. Masusubukan din ang voter registration verification system (VRVS) na…

Read More

LUMABAS, BUMOTO; 61-M PINOY INAASAHAN SA HALALAN

comelec123

NAGSIMULA na ang botohan kung saan higit sa 61 milyong botante ang inaasahang lalabas para bumoto sa kabila ng inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) sa 78% turnout ng mga botante. Umaabot sa 43,554 national at local candidate ang tumatakbo sa 18,071 posisyon – mula senador pababa sa municiap councilor, ayon pa sa datos na inilabas ng Comelec. Nasa 62 kandidato ang maglalaban-laban sa 12 posisyon sa Senado dahil ang 12 posisyon ay napunan na noong May 2016 elections. Sa party-list group, nasa 134 ang tumatakbo habang 61 naman ang…

Read More