JAPAN KATUWANG NG PHL SA PAGLAGO NG EKONOMIYA

dutertejapan12

(NI BETH JULIAN) ITINUTURING ng Pilipinas ang Japan bilang isa sa pinakamalaking contributor sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, hindi maitatanggi na malaki ang naiambag ng bansang Japan sa pag-usad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon kay Laurel, malaki ang nagawa o magagawa pa rin hanggang ngayon ng Japan sa Build Build Build Program ng administrasyon. Pahayag ni Laurel, hindi biro ang ibinubuhos na resources ng Japan sa mga infrastructure project sa ilalim ng BBB program partikular na sa pagpopondo ngayon ng…

Read More

CUSTOMERS NG MANILA WATER,  ‘DI PA 100% ANG SUPPLY

water12

(NI BERNARD TAGUINOD) INAMIN ng Manila Water na hindi pa nareresolba ang problema ng kanilang mga customer sa supply ng tubig dahil hindi pa naibabalik ang 100% supply mula nang magkaproblema noong Marso. Humarap si Manila Water corporate communications head Jeric Sevilla sa Joint hearing ng House Committees on Government Enterprises and Privatization at  Public Works and Highways, kung saan inaprubahan ang mga resolusyon para bumuo ng Technical Working Group (TWG) na gagawa ng masterplan para hindi na maulit ang naranasang water shortage. Sinabi ni Sevilla na suportado nila ang bubuuing masterplan at inamin nito na…

Read More

TULFO MANANATILING SPECIAL ENVOY SA CHINA

mon tulfo21

(NI BETH JULIAN) PINALAWIG pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Ramon Tulfo bilang Special Envoy for Public Diplomacy to China. Ipinalabas ng Malacanang ang appointment paper na may petsang May 27. Si Tulfo ay una nang itinalaga ni Pangulong Duterte sa parehong posisyon sa loob ng anim na buwan simula noong Oktubre 2018 at pinalawig pa ito ng anim pang buwan. Kasama ring inilabas ng Palasyo ang appointment paper para sa bagong National Statistician ng Philippine Statistics Authority sa katauhan ni Undersecretary Claire Dennis Mapa para sa limang…

Read More

COMELEC MULING NAGPAALALA SA SOCE NG MGA KANDIDATO

COMELEC12

(NI HARVEY PEREZ) MULING pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng kumandidato sa natapos na mid-term election  na magsumite na ng kanilang statements of contributions and expenses (SOCE) hanggang sa Hunyo 13. Ayon sa Comelec, kahit na ang mga natalong kandidato ay dapat na magsumite ng kanilang SOCE. Gayundin, ang lahat ng mga nanalong kandidato, partido na mapatutunayang hindi magsusumite ng kanilang SOCE ay mahaharap sa kasong administratibo. Sa ilalim ng batas, lahat ng mga kandidato at electoral parties ay dapat magsumite ng SOCE sa loob ng 30…

Read More

PENSIYON TUWING 6-BUWAN SA SENIOR CITIZEN PINALAGAN

senior16

(NI BERNARD TAGUINOD) PINALAGAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuwing ika-6 na buwan ibibigay ang pensiyon ng mga senior citizen. Ayon kay Senior Citizen party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysasy, kailangan ng mga senior citizen ang pera para sa kanilang personal na pangangailangan kaya hindi dapat iniipon bago ibigay ng kada ika-6 buwan. “Malaking tulong po ang buwanang pensiyon na 500 pesos sa ating pinakamahihirap na nakatatanda na walang tinatamasang anumang ayuda mula sa kanilang mga pamilya,” ani Magsaysay. Ginawa ng…

Read More

32 POSISYON SA KAMARA TARGET NG PARTY-LIST GROUP

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) INIHIHIRIT ng party-list group sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na manatili sa kanila ang 32 posisyon na hawak nila ngayong 17th Congress sa sinumang uupong Speaker sa 18th Congress. Ito ang nabatid kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., matapos ang pulong ng  kanilang grupo nitong Martes, sa Kamara upang desisyunan kung sino ang kanilang susuportahang Speaker. “As of now (17th Congress) 32 positions sa House (ang hawak) ng Party-list members,” ani Garbin bagay na gusto nilang manatili sa kanila sa susunod na kongreso sinuman ang uupong Speaker. Kabilang sa…

Read More

JUSTICE SEC GUEVARRA CARETAKER HABANG NASA JAPAN SI DU30

guevarra12

(NI BETH JULIAN) MISTULANG buong gobyerno ng Pilipinas ang pupunta sa Japan dahil halos mayorya ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasama nito sa Tokyo. Sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, 16 na mga Gabinete ng Pangulo ang kasama at ang gastusin ay sagot ng Japanese firm na Nikkei. Ayon kay Laurel, aabot sa 200 ang mga opisyal at support staff ang kasama sa delegasyon ng Pangulo. Sinabi pa ni Laurel na sa tingin niya ay isa na rin itong pabuya ng Pangulo…

Read More

 P1-B YOUTH DETENTION FACILITY HANDA NA

CRIME22

(NI BERNARD TAGUINOD) NAKAHANDA na ang P1 bilyon pondo para sa pagpatayo ng mga pasilidad na paglalagakan sa mga batang nagkasala sa batas. Ganito kaseryoso umano , ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, si Pangulong Rodrigo Duterte, na ikulong ang mga bata na edad 12-anyos pataas na para panagutan sa krimeng nagawa. Ayon sa mambabatas, kung dati ay P90 million lamang ang pondo na inilalaan para sa mga Bahay Pag-asa para sa rehabilitasyon ng mga batang nagkakasala sa batas, ngayon ay P1 billion na ito. Kasama na ang pondong…

Read More

P300-B INVESTMENT DEALS INAASAHAN SA JAPAN VISIT NI DU30

DUTERTEJAPAN12

(NI CHRISTIAN  DALE) TINATAYANG nasa P300 bilyong halaga ng investment deals ang makukuha ng Pilipinas sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan. Nakataldang dumalo ang Pangulo sa Nikkei 25th International Conference on The Future of Asia sa May 30 hanggang 31 sa gitna ng patuloy na lumalakas na ugnayan sa ekonomiya ng Pilipinas at Japan. Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na ang kasunduang makukuha sa biyahe ng Punong Ehekutibo ay magreresulta sa 80,000 na trabaho para sa mga Pilipino. Sinasabing nasa 20 business agreements sa larangan ng imprastraktura, manufacturing, electronics,…

Read More