(NI BETH JULIAN) BUKOD sa patung-patong na reklamo na may kaugnayan sa korapsyon, iniimbestigan din ng Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) ang ilang reklamo na may kaugnayan sa excessive foreign travel. Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, kabilang sa sentro ng kanilang imbestigasyon ang tungkol sa sobra sobrang pagbiyahe sa labas ng bansa ng mga nasa Secretary level, Undersecretary at Assistant Secretary. Gayunman, sa pagbubunyag ng PACC, hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye tungkol sa kung ilang miyembro ng Gabinete ang under investigation dahil sa excessive foreign trip na…
Read MoreMonth: August 2019
SLOT SA KONGRESO NI CARDEMA PWEDENG MASAYANG — COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) MALAKI umano ang posibilidad na masayang ang isang puwesto na nakuha sa Kongreso ng Duterte Youth party-list group. Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na sa kanyang sariling opinyon ay walang kuwalipikadong nominado ang Duterte Youth upang makapuwesto sa Kamara matapos na diskuwalipikahin ng Comelec First Division si dating Youth commissioner Ronald Cardema dahil sa pagiging overaged nito. Sa kabila na naghain si Cardema ng apela sa desisyon ng poll body, mistula naman aniyang ‘isinuko’ na rin niya ito dahil sa ginawang paghahain ng grupo ng…
Read MoreCHOCO MUCHO, WAGI SA DEBUT
(PHOTO BY MJ ROMERO) PINANGUNAHAN ni Ateneo standout Kat Tolentino ang debut game ng koponang Choco Mucho kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference, sa pamamagitan ng straight sets win laban sa BaliPure, 25-12, 25-18, 25-18, sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Si Tolentino ay nagsumite ng 14 points mula sa 10 kills, two blocks at two aces, para itala ng Flying Titans ang magaang na panalo laban sa Water Defenders. Ito ang ika-11 sunod na talo ng Balipure, matapos ang 10-0 sa Reinforced Conference. Nag-ambag naman…
Read MoreSEGURIDAD NI SEN. DE LIMA TINIYAK NG PNP
(NI AMIHAN SABILLO) TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na pulido ang magiging takbo ng seguridad ni Senadora Leila De Lima sa mula pag-alis hanggang pagbalik nito sa custodial center sa Camp Crame. Ayon kay PBGen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, masusing pinaghandaan ang security plan sa pagbisita ng senador sa inang may sakit sa Iriga City, Camarines Sur. Nagbigay katiyakan ang PNP sa seguridad ni Senador Leila De Lima sa kanyang pagbisita sa maysakit niyang ina sa Iriga City, Camarines Sur. Hindi naman na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon…
Read MoreSTEEL FENCES, BOLLARDS VS TRAFFIC ILALAGAY SA EDSA
(NI LYSSA VILLAROMAN) PLANONG maglagay ng steel fences at rubber bollards ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA para maibsan ang mabigat na trapiko sa EDSA alinsunod na rin sa ipinatutupad nilang yellow lane policy. Ayon kay MMDA General Manager, Jojo Garcia, ang paglalagay ng steel fences at mga rubber bollards ay layunin din nitong gabayan ang mga commuter sa pagbaba at pagsakay sa tamang bus stop. Giit din ni Garcia na ang naturang layon ay upang isaayos ang trapiko sa EDSA at hindi ito parusa para sa mga…
Read MoreBALASAHAN SA PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) IPINATUPAD na ng Philippine National Police (PNP) ang panibagong balasahan sa kanilang hanay base sa rekomendasyon ng Senior Officers Placement and Promotion Board (SOPPB) epektibo nitong Huwebes. Sa inaprubahang mga bagong designations ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde, kabilang sa mga naapektuhan sina P/BGen. Reynaldo Biay ng Civil Security Group (CSG) na inilipat bilang bagong director ng Directorate for Research and Development, habang si Highway Patrol Group (HPG) director PBGen. Roberto Fajardo ang ipinalit bilang bagong director ng CSG. Si PGen. Eliseo Cruz mula sa Southern Police…
Read MoreBAKIT LAPITIN NG ISKANDALO ANG BARRETTO LADIES?
(NI RK VILLACORTA) SABI ng marami, dysfunctional daw ang pamilya Barretto. Saliwa raw sa kinalakihang tama at naaayon sa pamantayan ng lipunan ang mga nangyayari sa kanila. Si Gretchen, nakipagrelasyon sa kinakasamang mayaman na negosyante na si Tonyboy Cojuangco kahit hindi pa ito hiwalay sa legal wife. Pero all out and proud si Greta na ipinagsisigawan na siya ay “the other woman”. While ang nakababatang kapatid na si Marjorie, ka-live in ng isang local politician from Caloocan City (sila pa rin ba?) na kung tama ang balitang kumakalat ay nagbunga ang…
Read MoreRESTROOM SA LGBT IMINUNGKAHI SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magtayo sa mga gusali lalo na sa mga malls, ng restroom para sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisecual, Transgender (LGBT) Community. Ginawa ni House committee on labor chairman Eric Pineda ang nasabing pahayag kasunod ng naging karanasan ng transgernder na si Gretchen Custodio Diez sa Farmers Plaza sa Quezon City nang arestuhin, posasan dahil sa tangkang paggamit nito sa restroom ng mga babae. Naging malaking kontrobersya ang nasabing insidente dahil hindi pinalagpas ng mga mambabatas at LGBT…
Read MoreANOMALYA SA PHILHEALTH LALALA SA UHC
(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG wasakin ang sindikato sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay mas lalala pa ang katiwalian dito dahil sa Universal Health Care (UHC) law. Ito ang iginiit ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor kasunod sa tinatayang P153.7 billlion na overpayment ng Philhealth sa mga nakaraang taon kung saan ay pangunahing biktima aniya ay ang mga mahihirap na pasyente. Ayon kay Defensor mahigit P250 billion ang pondo ng UHC na iimplementa ng Philhealth at mahigit doble umano ito sa hawak na pondo…
Read More