HABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN SA LUZON AT VISAYAS

PATULOY na magpapaulan sa Luzon at Visayas ang umiiral na Southwest Monsoon o Habagat ngayong buong linggo, ayon sa state weather bureau.

Dahil dito, inaasahan ang mga pag-ulan at isolated thunderstorms, partikular tuwing hapon at gabi.

Makararanas naman ng paminsan-minsang pag-ulan ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Batangas at Occidental Mindoro.

Samantala, magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Western Cordillera, ilang bahagi ng Central Luzon, MIMAROPA at Antique.

Mainit na panahon naman ang mararanasan sa ilang bahagi ng Mindanao, bagama’t posible pa rin ang isolated thunderstorms.

Para sa Martes, Setyembre 8, inaasahan ang moderate to heavy rains sa Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro.

Heavy to intense rains naman ang posibleng maranasan sa Occidental Mindoro, habang moderate to heavy rains naman sa Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Palawan at Antique.

Binalaan ng weather bureau ang publiko laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng patuloy na pag-ulan.

Ang Habagat ay pinalalakas ng Tropical Storm Krovanh, na may local name na “Pilandok.”

Huli itong namataan sa layong 1,155 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon, sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Dahil dito, pinangangambahang madaragdagan pa ang naitalang ₱11.92 bilyong pinsala sa imprastraktura at agrikultura dulot ng Habagat at mga nagdaang bagyong Luis, Maymay, Neneng at Pilandok, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Ayon kay OCD Disaster Preparedness Service Director Gregorio B. Tomas, nasa ₱7.79 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, habang ₱4.13 bilyon naman ang naitalang pagkalugi sa agrikultura batay sa datos hanggang alas-6 ng umaga.

Apektado ng mga sama ng panahon ang 10.2 milyong katao o 2.9 milyong pamilya sa 6,900 barangay sa Regions I, III, V at VI, CALABARZON, Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR) at MIMAROPA.

May 552 lugar na ang binaha, habang 807 evacuation center naman ang kumukupkop sa tinatayang 18,100 pamilya o 62,300 katao.

Umakyat na sa 43 ang bilang ng mga namatay, habang 20 ang nasugatan at lima ang nawawala.

Umabot naman sa 180 lugar ang isinailalim sa state of calamity, kabilang ang mga lugar sa Pangasinan, Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales, Tarlac, Olongapo, Angeles, Rizal, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro at Dagupan.

May kabuuang 4,500 bahay ang napinsala, kung saan 3,900 ang bahagyang nasira at 585 ang tuluyang nawasak.

Samantala, naglaan na ang pamahalaan ng ₱2.59 bilyong halaga ng tulong para sa mga komunidad na naapektuhan ng mga sama ng panahon.

(JESSE RUIZ)

111

Related posts

Leave a Comment