(NI AMIHAN SABILLO) PASOK sa listahan ng intelligence watchlist ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga guro na nagre-recruit ng mga estudyante para maging miyembro ng komunistang grupo. Ito ang inihayag ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, at nasa radar na umano ng intelligence group ng PNP at AFP ang mga nasabing guro na miyembro ng Legal Front Organizations ng CPP-NPA na recruiters ng mga kabataan. Kaugnay sa pag-amin ng kalihim na may mga guro na nang re-recuit “Yes, oo,…
Read MoreMonth: August 2019
POGO NAKAPALIGID SA MILITARY FACILITIES PINAGDUDAHAN
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI maiwasan ng isang mambabatas sa Kamara na pagdudahan ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) dahil ang pinipiling hubs o lugar ng operation ng mga ito ay malapit sa mga military facilities sa bansa. Nangangamba si PBA party-list Rep. Jericho Nograles sa seguridad ng mga military facilities dahil kung susuriin aniya ang mga lugar na pinagtayuan ng mga POGO hubs ay pawang malapit sa mga military areas. “Primarily, we (POGOs) should stay away from sensitive areas like AFP and our security-risk areas. We must be more sensitive…
Read MoreMURANG KURYENTE MARARAMDAMAN NA
(NI NOEL ABUEL) IKINAGALAK ng ilang senador ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang Murang Kuryente Act na inaasahang magbibigay ginhawa sa taumbayan. Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, malaking tulong sa taumbayan ang paglagda sa nasabing batas ng Pangulo lalo at mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin. “Magiging abot-kamay na ng bawat Pilipino ang mas mababang kuryente na kay tagal nang pinapangarap ng bawat isa sa atin ngayong nilagdaan na ang Murang Kuryente Act,” aniya. “Nagpapasalamat ako kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa wakas ay matutuldukan na rin…
Read MoreALESSANDRA DE ROSSI NA-SATISFY ANG GIGIL KAY PIOLO
(NI REY PUMALOY) NATUPAD ang pangarap ni Alessandra de Rossi na makatambal si Piolo Pascual, sa tagal na rin nitong panggigigil sa hunk actor. Magkasama sa isang romantic-comedy film na Fuffy And Fream, na prinodyus mismo ni Piolo sa ilalim ng kanyang film outfit, ang “Spring Films”. Naka-poste sa Instagram wall nina Piolo at Alessandra ang mga larawan nila na kuha sa shooting ng nasabing movie. Base sa pinosteng larawan ni Alex (palayaw ni Alessandra), nakakaapat na araw na ang shoot nila ni Piolo sa nabanggit na project. Umaapaw sa…
Read MoreSENADO KIKILOS SA POGOs VS TAMANG TAX
(NI NOEL ABUEL) PINAIIMBESTIGAHAN na ng ilang senador ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) kung nakasusunod ang mga Chinese nationals sa itinatakda ng batas at tama ang binabayaran ng mga itong buwis na dapat makolekta ng bansa. Sa inihaing Senate Resolution no. 85 ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto hiniling nito sa Senado na magsagawa ng imbestigasyon kung nakakasunod sa rules and regulations ng bansa sa security, immigration, labor and gaming operations at tax collections. “As of June 2019, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) reported a total…
Read MoreALCOHOL TAX BILL APRUB NA
(NI BERNARD TAGUINOD) INAPRUBAHAN sa isang upuan lang ng House committee on ways and means ang panukalang batas na magtataas ng buwis ng alak at lahat ng mga inuming nakalalasing. Sa botong 43 pabor at walang tumutol, inaprubahan ng komite na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda ang panukalang batas ng lahat ng uri ng alak kung saan balak itong ipatupad sa 2020. Gamit ang Rule X, Section 48 ng House Rules, hindi na pinatagal ng komite ang pagdinig dahil ang nasabing panukala ay una nang pinagtibay noong 17th Congress subalit hindi…
Read MoreREPORMA SA PARTY-LIST SYSTEM SUPORTADO SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) SUPORTADO ng ilang senador ang isinusulong ng Makabayan bloc sa Kamara na pagbabago o reporma sa party-list system sa bansa bunsod ng hindi na ito nagagamit sa tama. Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na panahon nang baguhin ang itinatakda ng party-list system dahil nasasalaula na umano ito ng mayayaman at maimpluwensya. “I am all for genuine reform of the party list system and our political party system in general. It is about time that we debate on this and come up with a meaningful and…
Read MorePHILHEALTH ANOMALY ‘DI PALULUSUTIN SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na palagpasin ang umano’y katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) dahil kung hindi ay madidiskaril umano ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) law. Sa House Resolution (HR) 126 na iniakda ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr., kailangang mag-imbestiga ang Kongreso sa mga nabunyag na anomalya sa Philhealth dahil walang ibang nabibiktima dito kundi ang mga mahihirap na may sakit. Muling uminit ang isyu ng anomalya Philhealth matapos mabunyag na nagbabayad umano ang mga…
Read MoreTRAPIK SA EDSA LULUTASIN SA LOOB NG 1 TAON – SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) NAIS ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maresolba ang tumitinding problema ng trapiko sa Edsa kaya gagawa ang mga ito ng batas para pag-isahin na lamang ang 200 prangkisa ng mga pampasaherong bus na namamasada sa nasabing highway. Ito nabatid kay House transportation committee chairman Edgar Sarmiento ng Samar, matapos aniyang atasan ni House Speaker Allan Peter Cayetano ang komite na gumawa ng batas na reresolba sa nasabing problema sa loob ng isang taon. “Speaker Cayetano wants our traffic problem in EDSA to be solved…
Read More