RECRUITMENT NG NPA KINUMPIRMA NG MILITAR

cpp npa12

(NI BONG PAULO) KINUMPIRMA ng militar na may mga ginagawang recruitment activity pa rin ang rebeldeng grupo sa ilang mga lugar sa North Cotabato. Ito ang ipinahayag ni 72nd Infantry Battalion commander Lt. Col Rey Alvarado ng Philippine army na nakabase sa Magpet, North Cotabato. Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng Community Support Program na direktiba ng higher headquarters target ang mga kabataan upang hindi umanib sa kaliwang grupo. Dagdag pa ng opisyal, may mga namonitor pa rin ngayon sa ilang lugar sa lalawigan na mga kabataan na sumasali sa…

Read More

MUSLIM DUMAGSA SA LUNETA SA EID’L ADHA

eid55

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ) LIBU-LIBONG  Muslim ang dumagsa  sa Quirino Grandstand sa Ermita, Maynila, Linggo ng umaga para ipagdiwang  ang  Eid’l Adha o Festival of the Sacrifice. Alas 4:00 ng umaga ay dagsa na ang mga Muslim  para sama-sama na manalangin sa Quirino Grandstand bilang paggunita  ang kahandaan ni Propeta Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na si Ishmael. Sa ulat ng Manila Police District (MPD), kasunod nito ay  sama-sama silang nauupo at naghintay para sa muling pagdarasal ganap na alas  7 ng umaga, na sinundan ng sermon ng…

Read More

SHOEMAKING BAGONG COURSE SA TESDA

tesda44

(NI KEVIN COLLANTES) ISASAMA na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa kanilang mga programa ang kursong shoemaking o paggawa ng sapatos at pagkakalooban pa ng National Certification. Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, nakausap na niya si TESDA Chief Isidro Lapeña at pumayag ito sa kanyang panukalang isama ang shoemaking sa kanilang mga iniaalok na programa. “I recently talked to TESDA Chief Lapeña and asked him to give shoemaking a national certification or NC. Happy to announce that TESDA will have a shoemaking accreditation in the…

Read More

NCC AQUATICS CENTER BIBINYAGAN

clark66

(NI JEAN MALANUM) MABIBINYAGAN ang papatapos nang Aquatics Center sa loob ng New Clark City Sports Complex sa pagdaraos ng National Open sa Agosto 31 hanggang Setyembre 2. Ito ang magsisilbing final qualifying event ng mga Pinoy swimmer na sasabak sa 30th SEA Games, kung saan umaasa ang Pilipinas hahakot ng medalya ang mga pambato rito. Ayon kay Philippine Swimming, Inc. (PSI) president Lailani Velasco, kasalukuyang abala ang mga atleta sa training para masiguro na maganda ang magiging performance nila sa harap ng mga kababayan. “Malaki ang expectation sa mga…

Read More

ANTI-BALIMBING LAW BINUHAY SA KAMARA

barbers55

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS mabigong maipasa noong nakaraang Kongreso, muling nagbabaka-sakali ang isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maging batas ang kanyang panukala laban sa mga “balimbing” na politiko. Bago pa man naglipatan ang ibang partido ang ilang mambabatas, nakahain na sa Kamara ang House Bill (HB) 70 na iniakda ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. Sa ilalim ng nasabing panukala, sinabi ni  Barbers na sa ilalim ng Section 10, Article II © ng 1973 Constitution ay hindi maaring lumipat ang mga politiko sa ibang partido, anim…

Read More

AYUDA SA BIKTIMA NG KAGULUHAN, TINIYAK

(NI MAC CABREROS) TINIYAK ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na matatanggap ng mga biktima ng kaguluhan ang ayuda ng gobyerno. Ito’y matapos pumasok sa kasunduan ang OPAPP at Development Bank of the Philippines (DBP) para sa maayos na management sa perang nakalaan sa socio-economic interventions sa mga mahihirap na lugar at minsan nang nilumpo ng karahasan at kaguluhan gaya ng digmaan. “OPAPP tapped the expertise of DBP after we witnessed how they walked the extra mile to visit far-flung, conflict-ridden areas to assess the…

Read More

‘DEPED ‘DI BANAL SA KATIWALIAN’

deped

(NI MAC CABREROS) HINDI exempted sa katiwalian ang Department of Education (DepEd). Inamin ito mismo ng isang opisyal nito sa panayam ng Saksi Ngayon. “We cannot say it is corruption free. Kaya nga tutok ang ating kalihim para maiwasan ito,” pahayag opisyal na tumangging magpatukoy. Naunang nasilip ng Commission on Audit na abot sa P13 bilyon ang hindi maipaliwanag na magarbong paggastos gaya ng pagsasagawa ng seminar at training sa mamahaling resort at hotel. Pinagsisikapan naman ngayon ng DepEd na kalkalin ang mga dokumento bilang patunay na walang katiwalian sa…

Read More

NADINE MOVIE FLOP DAHIL SA LAKAS NG KATHDEN

nadine55

AGOSTO  7, Miyerkoles, nag-open ang pelikulang Indak na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion. Ayon sa reports, nakakapanlumo ang sinapit ng pelikula, dahil sa second day nito, bumaba pa ng 35% ang kinita nito kumpara sa first day. Isang linggo bago mag-open ang Indak, nag-open naman ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Naging big hit ito at hanggang ngayon ay palabas pa rin nationwide. Hindi man binanggit kung magkano ang kinita ng Indak, sinasabing mukhang mahihirapan itong maka-P10 million sa buong run nito. 654

Read More

KASO NG DENGUE SA SOCCSKSARGEN UMABOT NA SA 13,000

(NI DONDON DINOY) DIGOS CITY- Nanguna na ngayon ang lalawigan ng South Cotabato sa may pinamaraming nagkasakit ng dengue sa Soccsksargen Region. Ayon sa huling datos ng Department of Health (DOH)-Soccsksargen mula Enero 1 hanggang Agosto 3, 2019, nasa 13,128 katao na ang nagkasakit ng dengue o nasa 179 porsiyento kung ikumpara sa parehas na panahon noong 2018. Sa naturang bilang, nasa 34 porsiyento o 4,452 ang naitala sa South Cotabato na mayroong 182 porsiyento ang pagtaas. Nakapagtala rin ang lalawigan ng pinakamaraming namatay na aabot sa 22 katao. Sinabi…

Read More