ANG award-winning aktres na si Alessandra de Rossi ay isang direktor na rin. Gumiling na ang kamera para sa kanyang directorial debut, ang pelikulang Fuffy and Fream starring Piolo Pascual. Ibinalita rin ito ng aktres-direktor sa kanyang Instagram account. Sa isang larawan ni Piolo na natutulog sa set, ito ang caption niya: “Ano toooh! 1st take, tulog ka?” Sa isa pa, “Oh, here we go! Day 1!” Sa mga larawang ipinoste ni Alessandra, mukhang kasali rin siya rito bilang artista. Wala nang ibang detalye ang ibinahagi ng production tungkol sa naturang…
Read MoreMonth: August 2019
HUWAG MAGPADALA SA MATATAMIS ANG DILA
Napakarami nang naglalabasang balita tungkol sa pyramiding scam pero marami pa ring kababayan natin ang nabibilog ang ulo ng mga mapagsamantalang tao sa ating paligid. Hindi naman kaila sa atin na isa lang sa mga dahilan kung bakit ang ilan nating mga kababayan ay nabibiktima ng scam ay dahil sa kahirapan. Nais ng marami na kumita ng pera sa mabilis na paraan. Ang ganitong pag-iisip ang kadalasang sinasamantala ng mga dorobo upang makapanggantso sa kanilang kapwa. Isa-isa po nating hihimayin kung paano ba maiiwasan ang mabiktima ng mga estapador at…
Read MorePANGULONG DUTERTE TIYAK ANG TAGUMPAY LABAN SA KORAPSYON
Ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte kung gaano siya kadesidido sa pagpuksa ng korapsyon at ng burukrasya sa bansa. Pinatunayan niya ito nang tanggalin niya sa panunungkulan at sa posisyon ang mga matataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang ilang empleyado rito nang masangkot sila sa isyu ng korapsyon sa ahensya. Umaasa si Pangulong Duterte na maiibsan kahit paano ang korapsyon sa nasabing ahensya bilang resulta ng kanyang ginawa. Marahil ay maraming hawak na impormasyon ang pangulo mula sa mga asset nito na maraming nalalaman ukol sa mga…
Read MoreOFW GUTOM AT WALANG SAHOD, NANAWAGAN SA AHENSYA
Isang kabayani mula sa Dammam, Saudi Arabia ang dumulog sa AKO OFW. Siya si Noraida Usman Kam. Sa kanyang liham na may petsang Hulyo 20, 2019 nakasaad na Marso 2, 1018 nang dumating siya sa banyagang bansa upang magtrabaho na domestic helper sa pamamagitan ng ahensya sa Manila na Athenna Manpower. Subalit ang kanyang buhay bilang domestic helper ay hindi naging madali dahil ibinenta siya ng kanyang amo sa iba. Bukod sa parang laruan na pinagpapasa-pasahan ang ating kabayaning si Noraida ay minalas din itong gutumin ng kanyang naging amo.…
Read MorePH WRESTLERS DETERMINADO SA GINTO
(NI JEAN MALANUM) DETERMINADO ang national wrestlers na magpakitang gilas lalo na at dito gagawin ang 30th SEA Games. Matapos ma-scrap sa SEAG calendar sa 2015 (Singapore) at 2017 (Malaysia), magbabalik ang wrestling sa torneo na lalaruin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Ayon kay Wrestling Association of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar, 20 events sa Freestyle, Greco-Roman at Grappling categories ang paglalabanan. “Only 14 events were approved but we requested for additional events. We now have 20 events and if the extra events are finally confirmed, our athletes…
Read MoreKOREAN, CHINESE FUGITIVE SA PYRAMID SCAM IPADEDEPORT
(NI FRANCIS SORIANO) ANUMANG araw ay nakatakda nang ipadeport ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang foreigners na kinabibilangan ng Chinese at Korean matapos itong maaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Fugitive Search Unit (FSU) dahil sa pagkakasangkot sa krimen sa kanilang bansa. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na si Huang Kun, 36, Chinese national fugitive, at Lee Byungchul, 53, Korean national. “BI will be deporting the two foreigners for undesirability and for being undocumented aliens as their passports were already cancelled by their respective governments. They can no…
Read MorePAGPAPAKABIT NG CCTV SA LAHAT NG GOV’T OFFICES IGINIIT
(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Pia Cayetano na panahon nang obligahin ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa na maglagay ng sarili nitong closed circuit television (CCTV). “Public office is a public trust, and therefore should be transparent and accountable to the people at all times’” aniya. Sa inihain nitong Senate Bill no. 503 o ‘Surveillance Camera for Government Establishments Act’, layon nito na mabantayan ang lahat ng kilos at galaw ng mga tauhan ng pamahalaan sa bawat transaksyon nito. Idinagdag pa ng senador na malaki rin umano…
Read MoreMILITANTE PINADADALO SA SENADO VS NAWAWALANG AKTIBISTA
(NI NOEL ABUEL) UMAPELA ang ilang senador sa mga militanteng grupo na dumalo sa pagdinig ng Senado upang sagutin ang dahilan ng paglaho ng mga estudyanteng aktibista. Ayon kay Senador Ronald Dela Rosa, umaasa itong dadalo sa ikalawang pagdinig ng Senate committe on dangerous drugs ang nasabing grupo. Nais ng senador na magpaliwanag ang naturang mga makakaliwang grupo kaugnay ng pagkawala ng ilang mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), Far Eastern University (FEU), University of the Philippines (UE) na sinasabing umakyat ng bundok at sumailalim sa immersion. Magugunitang…
Read MoreANTI-CORRUPTION ITUTURO SA MGA SCHOOL
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL wala pa ring nangyayari sa kampanya laban sa katiwalian kahit ilang dekada na itong nilalabanan, iminungkahi ng dalawang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ituro na sa mga bata ang anti-corruption. Ito ang nakasaad sa House Bill 581 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Information and Education Act,” na iniakda nina House deputy speaker Bro. Eddie Villanueva at Rep. Domingo Rivera ng CIBAC party-list. “While many have tried to eradicate corruption by furthering the stringency of laws on governance and intensifying punishment, no significant improvement has been…
Read More