(ikalawang labas) AYON sa alituntuning 65, maaaring ibasura ang protesta ng kandidato kapag lumitaw na natalo sa tatlong lalawigang ginamit bilang pilot areas ng protesta. Bilang ponente ng desisyon ng PET, ito ang pangunahing ginamit ni Associate Justice Alfredo Caguioa bilang batayang legal upang ibasura ang protesta ni Marcos. Natalo si Caguioa, sapagkat hindi niya nakumbinsi ang kanyang mga kapwa mahistrado, kabilang na ang tinaguriang “independent minded” na si Associate Justice Marvic Leonen, sa kanyang sala-salabat na mga argumento. Idiniin ni Leonen at iba pang mahistrado na hindi wastong balewalain…
Read MoreMonth: January 2020
PACQUIAO, PINAKAMATANDANG FIGHTER OF THE YEAR AWARDEE
TINANGHAL si eight-division world champion Manny Pacquiao bilang pinakamatandang boksingerong tatanggap ng Fighter of the Year award mula sa World Boxing News (WBN). Mabunga ang taong 2019 ng 41-anyos at current WBA welterweight super champion na si Pacquiao matapos nitong manalo laban kina Adrien Broner noong Enero at Kieth Thurman noong Hulyo ng nakaraang taon. Tumanggap si Pacquiao ng mas maraming boto na 86.14% mula sa 19620, kumpara sa 29-anyos na si Canelo Alvarez na mayroon lamang 6% (1222). Habang nasa pangatlong puwesto si 26 years old Naoya Inoue, 3.5%…
Read MorePANGONTRA SA PAG-ABROAD NG PINOY: P650 MINIMUM WAGE IKASA
MATITIGIL ang pag-alis ng mga Filipino para magtrabaho sa ibang bansa kung itataas sa P650 ang daily minimum wage sa bansa. Ito ang paniniwala ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo kaya muli nitong inihain ang kanyang panukalang batas na gawing P650 ang arawang sahod hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. “More job opportunities must be created in the country so Pinoys don’t have to work abroad. The Filipino would naturally prefer to be close to family and remain in the Philippines. Higher minimum wage would make more…
Read MoreFOI EO NO. 2 PAHIRAP SA MEDIA
HINDI maikakaila na pabor sa taumbayan ang Freedom of Information Executive Order (FOI – EO No. 2) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Hulyo 23, 2016, ito ay kung susundin ng mga tauhan ng tanggapan ng pamahalaan ang kautusan. Hanggang ngayon, maraming mga opisyal at tauhan ng gobyerno ang hindi umaayon sa ipinalabas na kautusan ng pangulo at marami sa kanila ang hindi batid ang kautusang ito. Ipinalabas ni Duterte ang kautusan upang magkaroon ng transparency ang mga tanggapan bukod pa sa malaking tulong kung may alam ang…
Read MoreMAAYOS NA TRASLACION 2020
SA kabuuan, maganda ang kinalabasan ng Traslasyon 2020 kung saan naging mabilis ang usad ng Andas ng Poong Itim na Nazareno. Naging maayos at mapayapa ito. Naging maluwag ang daanan dahil halos walang mga nagtitinda at mga sasakyan na tumatayong sagabal sa daraanan. Maganda ang naging preparasyon ng lokal na pamahalaan sa ilalim ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ng National Capital Regional Police Office sa ilalim ni Police/Brigadier General Debold Sinas, Manila Police District sa pangunguna ni Police Brigadier General Bernabe Balba at pamunuan ng Traslacion ng Quiapo.…
Read MorePANATA ‘SINIRA’ NG PULIS
*Balyahan sa Traslacion, libo nasugatan, nasaktan (SAKSI NGAYON Reportorial Team) UMAKYAT sa libong bilang ng mga deboto ang nasugatan at nasaktan sa taunang Traslacion ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila kahapon. Dahil mga pulis ang nanguna sa paghila ng andas ay nauwi ito sa balyahan nang magpumilit makihila o umakyat ang mga deboto. Inireklamo naman ng maraming deboto ang anila’y pagiging OA (over acting) at KJ (killjoy) ng mga pulis na nagsilbing bantay sa andas dahil sa paghihigpit sa kanila. Nasira umano ang taunang panata ng mga deboto dahil…
Read MorePASAOL, MONSON KASALI SA 3×3 OQT
SASANDIGAN ng bansa sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol sa darating na 2020 Fiba 3×3 Olympic Qualifying Tournament. Ang dalawa ang nangungunang 3×3 Filipino players, na inaasahang magbibitbit sa national team patungo sa pinaparangap ng lahat na Olympic gold. Kabilang din sa national pool sina Dylan Ababou, Karl Dehesa, Leonard Santillan, Chris De Chavez, Gab Banal, Jaypee Belencion, Leo De Vera, at Ryan Monteclaro. Base sa Fiba 3×3 rules, apat lamang sa anim na players ang magiging parte ng koponan na dapat nakatipon ng sapat na puntos mula sa mga…
Read MorePALASYO SA MGA KAWANI NG GOBYERNO: DAGDAG-SAHOD TUMBASAN NG SIPAG
POSITIBO ang Malakanyang na magsisilbing panghikayat ang panibagong adjustment sa suweldo ng mga kawani ng pamahalaan para doblehin pa nila ang kanilang sipag at mas maging dedikado sa kanilang pagtatrabaho sa ngalan ng serbisyo publiko. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Salary Standardization Law of 2019 na una nang sinertipikahan ng Presidente na urgent. Kung tutuusin aniya ay hindi na rin nagpapahuli ang tinatanggap na kompensasyon ng mga taga-gobyerno sa sinusuweldo ng mga nasa pribadong sektor. Aniya, ito ang…
Read MoreGINEBRA, DOUBLE-EFFORT SA GAME 2
KAHIT pa may bentahe bilang crowd-favorite, tanggap ni Barangay Ginebra coach Time Cone na kailangang kumayod ng husto ang kanyang players upang makuha ang pangalawang sunod na panalo sa kanilang PBA Governor’s Cup Finals best-of-seven series ng Meralco Bolts. Tatangkain ng Gin Kings na makaungos ng dalawang laro laban sa Bolts sa Game 2 na gaganapin alas-7 ng gabi sa Quezon Convention Center sa Lucena, Quezon. Aminado si Cone na parang ping-pong ang magiging takbo ng laro ng dalawang koponan at tanging sa huling tagpo na lang magkakaaalaman ng magiging…
Read More