IMPEACHMENT TRIAL ‘DI PAG-AAKSAYA NG PONDO- PROSEC

PINABULAANAN ng House prosecution panel ang akusasyong nag-aksaya ito ng pondo ng bayan sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, sa kabila ng desisyong bawiin ang tatlo sa apat na artikulo ng impeachment laban sa Bise Presidente.

Ito ang tugon ni House Prosecutor Terry Ridon ng Bicol Saro Party-list kay Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, na nagsabing nasayang ang 38 araw ng paglilitis matapos ibasura ng prosekusyon ang tatlong artikulo ng impeachment. “Pero alam po ninyo, walang presyo ‘yung hustisya, walang presyo ‘yung pananagutan, walang presyo ‘yung katotohanan,” pahayag ni Ridon.

Ayon kay Ridon, nabunyag sa paglilitis ang malalaking halaga ng umano’y unexplained wealth ni Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio, kaya sulit umano ang oras at gastos sa pagdinig.Binanggit niya ang kalkulasyon ni forensic accounting expert Alexander Cabrera, na nagtataya ng ₱817.87 milyon na unexplained wealth mula 2022 hanggang 2025, na posibleng umabot sa ₱1.5 bilyon batay sa mas malawak na kalkulasyon.

“Kung hindi natin nasaksihan ‘yung pag-calculate ng more than 800 million to 1.5 billion in unexplained wealth, tingin ko hindi tayo nag-uusap ngayon ng withdrawal ng tatlong articles,” ani Ridon.

Dahil sa mga natuklasan sa paglilitis, nagpasya ang prosekusyon na ituon ang kaso sa Article II sa halip na ipagpatuloy ang pagtalakay sa tatlong iba pang artikulo ng impeachment.Giit naman ni House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua, makatitipid pa ang pamahalaan dahil paiikliin ng hakbang na ito ang paglilitis, na nakatuon na lamang sa isang artikulo.Kinuwestiyon din ni Chua ang pag-aalala ni Paolo Duterte sa paggasta ng pamahalaan, gayong nanatili umano itong tahimik sa ₱612.5 milyong confidential funds na kinuwestiyon noong pinamunuan ng kanyang kapatid ang Office of the Vice President at Department of Education.

“Ngayon biglang konsensya sa bayan, sa pera ng bayan. Pero nung nawawala ‘yung 612 million pesos na confidential fund, tahimik naman siya,” ani Chua.Binigyang-diin ni Chua na matibay umano ang ebidensya sa lahat ng apat na artikulo ng impeachment, ngunit ang alegasyon ng unexplained wealth ang pinakamalinaw na kasong maipapakita sa publiko at sa mga senator-judge.

(TINA MENDOZA)

132

Related posts

Leave a Comment