2020 – DOJ CASES REPORT!

PRO HAC VICE

Dahil po siguro sa pangu­ngulit ng inyong kabalat mga ka-Saksi, mahigit sa apat na libong mga kaso po mula sa mahigit labing apat na libong mga kaso na naka-apila sa Department of Justice ang naresolba na ng ahensiyang ito ng pamahalaan. Ito po ang nakuhang impormasyon ng inyong kabalat mula kay DOJ Assistant ­Secretary Neal Vincent M. Bainto na nagsabi na ang mga naturang kaso ay ang ­pinagsamang petition for review at motion for ­reconsideration na inihain sa Kagawaran ng Katarungan mula Luzon, Visayas at ­Mindanao. Bagaman mayroong nagawa o…

Read More

4 DURUGISTA NALAMBAT

ARRESTED-18

KALABOSO ang apat na drug personalities na nabulagang nakikipagtransaksyon at bumabatak ng ilegal na droga makaraang inguso sila sa Caloocan City. Kinilala ang mga dinakip na sina Khay Taule, 31; Arnold Nuevo, 36; Jomel Bawag, 32, at Carlito Ocampo, 40, pawang ng Libis Baesa, Brgy. 160. Ayon sa ulat ng pulisya, alas-4:30 ng hapon nang may magnguso sa mga parak hinggil sa nagaganap na transaksyon ng ilegal na droga sa 700 Libis Baesa, Brgy. 160. Pagpunta ng mga parak sa naturang lugar, nakita ang dalawa sa mga suspek sa harap…

Read More

HOLDAPER NG BANK TELLER BUMULAGTA SA PARAK

DEAD MAN

BUMULAGTANG walang buhay ang isang hinihinalang holdaper habang nakatakas naman ang kasamahan nito matapos na manlaban sa mga awtoridad kaninang madaling araw sa lungsod ng Quezon. Inilarawan ni Quezon City Police District (QCPD) director, P/Brig. Gen. Ronnie Montejo, ang napatay na holdaper na may taas na 5’1″, slim built, fair complexioned, may tattoo na “RAD somo”, “VICTOR, Ely Roy”, at “Sputnik” sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nakasuot ng itim na t-shirt, grey pants, red slippers, itim na mask at arm sleeves. Base sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw…

Read More

4 PRESO NAKAPUGA, 2 PULIS ISINELDA

PRESO-2

BACOLOD – Swak sa selda ang dalawang kawani ng Philippine National Police (PNP) matapos matakasan ang mga ito ng apat na preso sa kanilang binabantayang police station, habang pinagpapaliwanag naman ang kanilang hepe, iniulat kahapon ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mga pulis na sina Police Corporal Orweyn Jade Nadado, desk officer, at Police Staff Sergeant Eric Olverio, mga tauhan ni Police Major Ruel Culanag, hepe ng Bacolod City Police Station 3. Batay sa report, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang makapuga ang mga inmate na kinilalang sina Sunny…

Read More

1 PATAY, 4 SUGATAN SA AWAY SA TIANGGE 

KUTSILYO

PATAY ang isang lalaki habang apat na iba pang vendors ang sugatan matapos mauwi sa pananaksak ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa sa limang sangkot na tindero sa gulo kaugnay sa renta sa kanilang pwesto sa isang tiangge sa Barangay Sto. Niño sa Marikina City, noong Lunes ng madaling araw. Sa paunang ulat ng Marikina City Police Station, kinilala ang namatay na si Kiram Olama Jabbar, 28, ng Mindanao Street, Maharlika Village, Taguig City, habang sugatan naman ang mga kasamahang vendor na sina Mohammad Yassin Arimao, 22, ng San Roque, Quezon…

Read More

ALL-OUT SUNDAY MATAAS ANG RATING

ALL OUT SUNDAYS

SWAK: Tuwang-tuwa ang mga taga-GMA 7 sa mataas na rating ng All-Out Sundays na nagsimula noong nakaraang Linggo. Ayon sa AGB-NUTAM naka-6.1 percent ito at 5.7 percent ang katapat na ASAP Natin ‘To. Pero ang claim naman ng ABS-CBN 2, ang ASAP naman daw ang nag-rate nang mataas. Ayon sa kanilang survey group na Kantar Media, nakapagtala ng 11.7 percent ang ASAP at 9.7 daw ang AOS. Nasa mga tao na ‘yan kung alin ang gusto nilang panoorin. Ang mahalaga, nag-enjoy ang mga televiewers sa mga magagandang panoorin sa TV…

Read More

FAN PINATULAN NI MAINE

Maine Mendoza-10

Grabe na talaga ang epekto ng social media ngayon ano? Sa Instagram, sa Twitter o Facebook na sila nag-aaway, at nagpapalitan ng opinyon. Eto na nga. Pinatulan na ni Maine Mendoza ang ipina-trending ng ibang fans na hashtag na #NoToArjoTheUser. Ewan ko naman kasi, bakit ayaw pa nilang mag-move on at tanggapin na karapatan naman ni Maine mahalin ang taong gusto niyang mahalin di ba? Kaya bilib din naman ako sa Eat Bulaga Dabarkad dahil sinagot niya talaga ito sa Twitter. Sino ba naman ang dapat na magtanggol sa taong…

Read More

MAS MARAMING AYAW KAY JULIE ANNE; GUSTO NILA SI CATRIONA KAY ALDEN

Main hosts sina Alden Richards at Julie Anne San Jose ng All-Out Stars, (AOS), ang bagong Sunday musikomedya ng GMA Network. Sa Twitter, merong pa-hashtag ang fans na #YesToJulie sa tambalan nila ni Alden, pero meron ding ayaw at nagpakulo ng #NoToJulie. Sa ratings game, wagi ang AOS sa NUTAM/AGB Nielsen, pero sa Kantar Media ay ASAP Natin ‘To (na nag-umpisa ng month-long celebration of its 25th celebration) ang panalo. Kapagkuwan ay merong #NoToArjoTheUser na tweets, pero mas trending ang pasiklab ni Maine Mendoza na #YesToArjo Naku, Tito KC! Ano…

Read More

3 MOUNTAINEERS MISSING SA MT. BALATUKAN

MT BALATUKAN

BUTUAN CITY – Nagkasa ng search and rescue operation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine Army kaugnay sa tatlong nawalang mountaineers na taga Nasipit, Agusan del Norte. Sa imbestigasyon ng Gingoog PNP, noong Enero 3 nang umakyat sa Mount Balatukan ang 13 mountaineers ngunit sampu na lamang ang nakababa sa Gingoog City noong Lunes. Naniniwala ang mga kasama nila na naligaw ang tatlo nang makaranas ng masamang panahon sa nasabing bundok. Dagdag ng PNP, walang koordinasyon sa pulisya at sa LGU ang grupo nang sila’y umakyat…

Read More