BATANGAS-Isinailalim sa swab testing ang mga empleyado ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan matapos kumalat ang mga balita na ilan sa mga ito ang positibo sa COVID-19 na labis ikinatakot ng mamamayan ng lungsod. Base sa resultang inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at ipinarating sa City Health Office, negatibo sa nasabing virus ang mga empleyado. Nauna na ring nagpalabas ng pahayag ang tanggapan ni Tanauan City Vice Mayor Jun-Jun Trinidad na pinabubulaanan ang ulat at tinawag itong ‘fake news’. Nakaranas umano ng diskriminasyon ang mga empleyado ng tanggapan…
Read MoreMonth: May 2020
BINATANG NAGTAMPO SA INA, NAGBIGTI
CAGAYAN – Nagbigti ang isang 21-anyos na binata makaraang hindi payagan ng kanyang inang OFW na puntahan ang kanyang ama, noong Biyernes ng gabi sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Meljohn Gagala, residente Brgy. Cadcadir East, Claveria, Cagayan. Batay sa report ng Claveria Police Station, dakong alas-11:30 ng gabi nang matagpuang nakabigti ang biktima sa loob ng kanilang bahay. Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, nabasa sa cellphone ng biktima ang palitan nila ng mensahe ng ina habang nagpapaalam si Gagala na pupuntahan ang kanyang ama. Ngunit hindi umano pumayag…
Read MoreBULACAN NAGTALA NG 73 RECOVERIES SA COVID-19
BULACAN – Nakapagtala ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan, sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health, ng kabuuang bilang na 73 COVID-19 na mga pasyente na gumaling na mula sa nasabing virus. Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, isa umano itong mabuting balita na sa kabila nang paglobo ng kaso ay patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa lalawigan. Samantala, umabot na sa kabuuang 784,822 food packs ang naipamahagi ng pamahalaang panlalawigan sa mga Bulakenyo simula nang ipairal ang lockdown at patuloy ang isinasagawang relief operations. Ayon kay Dr.…
Read MoreSANGGOL SA DAVAO, NAMATAY SA COVID-19
DAVAO City – Nababahala ang Police Regional Office (PRO) sa Davao Region makaraang mapaulat na isang sanggol ang namatay sa loob ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP)-Haran dahil sa pneumonia, isang sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Kasalukuyang pinangangambahan ang posibleng kontaminasyon sa loob ng pasilidad kung saan pansamantalang naninirahan ang 700 mga Lumad. Ayon kay PRO-Davao Director Police Brigadier General Filmore Escobal, nakatanggap sila ng report na isang 8-buwan gulang na sanggol ang namatay sa loob ng haran. Inilibing umano sa Madapo Cemetery ang sanggol noong…
Read MoreTULAK ITINUMBA SA LOOB NG BAHAY
HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 43-anyos na tricycle driver na hinihinalang drug puhser makaraang barilin sa loob ng kanyang bahay sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Linggo. Kinilala ang biktimang si Ricardo Gapas Jr., binata ng #2069 Daang Bakal sakop ng Brgy.155 sa Tondo. Ayon sa ulat, kitang-kita sa CCTV ng Barangay ang gunman na nakasuot ng itim na jacket, facemask at bull cap. Batay sa ulat ni Det. Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 6:50 ng gabi noong Sabado nang mangyari ang insidente…
Read MoreSOCIAL DISTANCING PAIIGTINGIN SA NAVOTAS
NAGPASA ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng dalawang ordinansa para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng polisiya sa social distancing at para mapalawig ang liquor ban. Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-23, na nag-amyenda sa ordinansa tungkol sa pagsusuot ng face mask, lahat ng mga tao sa mga pampublikong lugar sa Navotas ay kailangan sumunod sa 1-2 metrong social distancing. Kasama ito sa polisiya na lahat ng mga residente na lalabas ng bahay ay dapat nakasuot ng face mask o kaparehong gamit pangproteksyon. Ang kumpulan ng mga tao na lagpas…
Read MoreCOVID-19 SA QC, NASA 2K NA
BAGAMA’T nasa dalawang libong kaso na ang COVID-19 sa Quezon City, wala namang naiulat na pinakabagong kaso sa loob ng 24-oras. Sa ulat ng Department of Health (DOH), hanggang Mayo 23, ang kabuung kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay nasa 2,000 katao na. Ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso na may kumpletong addresses sa Quezon City ay nasa 1,822. Nakapagtala naman ang QC Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Office ng kabuuang bilang ng validated cases sa 1,634. Nasa 841 naman ang active COVID-19 cases sa…
Read MoreHIGIT 14K NA TINAMAAN NG COVID-19 SA PINAS
SUMAMPA na sa 14,035 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakabagong data na inilabas ng Department of Health (DOH). Sa case bulletin ng ahensya, nakapagtala ng 258 na bagong kaso ng sakit sa buong bansa. Sa nasabing bilang, 195 ang nagmula sa National Capital Region; 51 sa iba’t ibang rehiyon; habang 12 ang galing sa Central Visayas. Mula sa nasabing kabuuang bilang ay mayroong 9,918 active cases. Patuloy naman ang paglobo ng bilang ng mga gumagaling na ngayon ay nasa 3,249 na. Samatala, ang mga namamatay ay…
Read MorePRESYO NG COVID-19 TEST, PINARE-REGULATE
HINILING sa gobyerno ng isang mambabatas sa Kamara na i-regulate o kontrolin ang presyo ng COVID-19 test dahil overpriced umano ang sinisingil ng mga ospital at laboratoryo. Ayon kay House deputy majority leader Bernadeth Herrera, hindi kakayanin ng mga ordinaryong mamamayan at maging ng mga employer ang P8,150 na sinisingil ng mga ospital at laboratoryo sa bawat Covid test. “Eight Thousand One Hundred Fifty pesos (P8,150) is way too expensive and overpriced,” ani Herrera dahil ang testing kits lang umano ay P1,320 ang isa habang P2,000 ang laboratory fees. Dahil…
Read More