3 NALUNOD SA CALAMBA

LAGUNA – Tatlo katao ang nalunod sa dalawang magkahiwalay na insidente sa lalawigang ito. Sa Calamba City, dalawang dalaga ang nalunod makaraang magkayayaang maligo sa ilog San Juan sa Brgy. Kay Anlog noong Mayo 19. Pagkaraan ay nataguan sa karatig barangay ang bangkay ng biktimang si Nikka Ella Quemada, 18, residente ng Southville, Brgy. Kay Anlog Calamba City, dakong gabi. Sa pangunguna ni LDRRMO Chief Jeffrey Rodriguez, katuwang ang Brgy. Quick Response Team (BQRT), Bureau of Fire (BFP), Red Cross, Coast Guard, nagsagawa ng search and retrieval operation para hanapin…

Read More

TRIKE DRIVER NA NAKIALAM SA AWAY, NAPATAY

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang 29-anyos na tricycle driver nang hatawin ng baseball bat ng kapitbahay makaraang sumawsaw sa away ng pamangkin ng biktima at kapatid ng suspek sa Cavite City sa lalawigang ito. Idineklarang dead on arrival sa Cavite Lying-in clinic ang biktimang si Lorence Angeles, binata, ng Brgy. 42 M, San Antonio, Cavite City habang arestado naman ang suspek na si Juan Libria, 45, isang construction worker at kapitbahay ng biktima. Sa ulat ni P/SSgt. Armangel Genuino ng Cavite City Police Station, dakong alas-6:45 noong Miyerkoles…

Read More

P1.56-B AGRIKULTURA SINIRA NG BAGYONG ‘AMBO’

UMABOT na sa P1.56 bilyong mula sa dating naiulat na P1.14 bilyon ang nasira mga panananim na dulot  ng bagyong Ambo na tumama sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture (DA), ang nasabing halaga ay katumbas ng 69,935 MT na nasira sa agrikultura. Tinatayang aabot ng 28, 476 ektaryang sakahan ang naapektuhan ng bagyo, na may 45,430 magsasaka at mangingisda. Ang pagtaas umano ng halaga ng kabuuang nasira at nawala dulot ng bagyong Ambo, ay dahil sa mga bagong ulat mula sa Central Luzon,…

Read More

MGA PEDICAB SA PASAY, HINDI PAPASADA HANGGANG KATAPUSAN

HINDI na muna bibiyahe ang mga miyembro ng Pedicab Operators and Drivers Association ng Pasay City hanggang Mayo 31, 2020. Una rito ay nagpatawag si Tricycle and Pedicab Franchising and Regulatory Office (TPFRO) Chief Ace Sevilla ng pulong sa naturang mga opisyal sa pangunguna ni Pasay Alliance of PODA Inc. President Eliazar Dayrit hinggil sa mga panuntunan o guidelines na dapat sundin ng mga tsuper ng pedicab gayundin ng mga tricycle na mamamasada sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ). Ang naturang guidelines ay alinsunod sa health protocols na…

Read More

ONLINE PAYMENT FEE, IRE-REFUND NG MERALCO

MAGRE-REFUND ang power utility firm na Manila Electric Company (Meralco) sa ibinayad na online payment fee ng customers nito. Nag-sorry rin ang Meralco dahil dapat ay sila ang sumalo ng nasabing fee dahil na rin sa COVID-19 lockdown. Ang Meralco ang pinakamalaking power distributor sa Pilipinas. Ang “convenience fee,” ang binabayaran sa online payment platform PayMaya. Ang Meralco at PayMaya parent PLDT Inc. ay kapwa pag-aari ng Metro Pacific Investments Corp. “I sincerely apologize for this lapse. Meralco will shoulder the convenience fee charged during the aforesaid ECQ (enhanced community…

Read More

AYUDA NG DA SA MAGSASAKA, KUWESTIYONABLE

KINUWESTYON ng isang mambabatas ang report ng Department of Agriculture (DA) na gumastos na umano ang mga ito ng P432 Million sa 4,751 magsasaka at mangingisda na binigyan ng ayuda sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat, hindi tugma ang dami ng nabigyan ng tulong sa ilalim ng Expanded SURE Aid and Recovery Project sa pondong ginastos ng ahensya. Sinabi ng Katutubong mambabatas na base sa nasabing programa, P25,000 lang ang ibibigay na ayuda sa mga magsasaka subalit gumastos na umano ang ahensya ng…

Read More

WRESTLER NALUNOD

NATAGPUAN na ang katawan ng nawawalang wrestler mula sa World Wrestling Entertainment (WWE) na naunang ini-report na nawawala dahil sa malakas na alon. Huling nakita si Shad Gaspard, na kilala sa WWE na bahagi ng tag-team na Cryme Time kasama si JTG, na lumalangoy sa Venice Beach sa Los Angeles. Natagpuan ang labi niya sa dalampasigan. Sinabi ng mga lifeguard na si Gaspard, 39, ay tinangay ng malalakas na alon. Sinagip niya ang 10-taong gulang na anak noon at sinabihan ang rescuers na unahin ang kanyang anak. Nang balikan siya…

Read More

DOMINGUEZ KINASTIGO NI MARCOS

BINATIKOS ni Senador Imee Marcos si Department of Finance (DOF) Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III kaugnay ng alegasyon nito na hindi kailanman nakapag-export o nakapag-supply ng bigas ang Pilipinas noong panahon ng 70s sa mga karatig bansa nito sa Asya. Ayon kay Marcos, naging self-sufficient ang Pilipinas sa rice production at patunay ang pag-e-export na umaabot sa 89,000 metriko toneladang bigas noong 1977 hanggang 1978 sa ilalim ng programang Masagana 99. “Wawa naman si Lolo Sonny, nag-uulyanin na yata?  Ang linaw ng data, kaya nga nagtataka ako bakit ayaw tanggapin…

Read More

Cayetano nagmaldita, isip nagbago ‘BALLS’ ISINUKO SA ABS-CBN

cayetano22

MAIHAHAMBING sa halamang Makahiya ang bilis na ipinamukha ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagtiklop sa 301 kapwa niya kongresista nang ‘supalpalin’ ng ilang mambabatas ang panukalang “pansamantalang prangkisa” na ibibigay sa ABS-CBN Broadcasting Corporation. Mistulang maldita, matinik at matikas ang itsura ng Makahiya habang nakatanim sa damuhan, ngunit kapag ginalaw, lalo na kung supalpalin ng kamay, ay napakabilis titiklop ang mga dahon nito. Kung sisipating mabuti, si Cayetano ay mistulang nagmaldita at napakabilis ding nagbago ang isip at desisyon tungkol sa pansamantalang prangkisa (provisional franchise). (‘Maldita look’ inilantad,…

Read More