NANINIWALA ang isang mambabatas sa Kamara na kumikilos na naman ang sindikato sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) hindi upang makatulong sa mamamayan kundi para sa kanilang pansariling kapakanan. Kasabay nito, isiniwalat ni Iloilo Rep. Janette Garin na kung mayroong pinakamahal na coronavirus disease 2019 o COVID-19 test sa mundo ay wala na umanong tatalo sa Pilipinas. Binanggit ito ng mambabatas Sa kanyang privilege speech dahil sa mataas na package na itinakda ng PhilHealth na siyang pinagbatayan ng mga pribadong kompanya sa itatakda nitong presyo. “Ito po, makikita po natin…
Read MoreMonth: May 2020
VACCINATION PLAN, IPINOPORMA NA NG PAMAHALAAN
MAYROON nang nalikhang National Vaccination Plan laban sa COVID-19 ang pamahalaan sakaling magkaroon na ng gamot kontra virus. Ito ang tiniyak ni presidential spokesperson Harry roque sa ginanap na virtual press Briefing sa Malakanyang. Ani Sec. Roque, binuo ang planong ito hindi lamang para sa mga existing vaccines kundi para paghandaan din ang inaasahang pagkakatuklas ng vaccine laban sa COVID-19. Bunsod nito, handa umano si Sec. Roque na ipaabot sa DOH ang request ni Senior Citizen Party-list Representative Francisco Datol na unahin ang mga senior citizen sa gagawing vaccination kapag…
Read MoreMga tumugon sa Balik-Probinsya TAKOT NANG BUMALIK SA MAYNILA
TIWALA si Senador Christopher Lawrence Go na hindi na babalik sa Metro Manila ang mga pamilyang tumugon sa Balik-Probinsiya program ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic para ma-decongest ang Kamaynilaan. Ipinaliwanag ni Go na marami sa mga nag-avail ng programa ay nagsabing nadala na ang mga ito sa mga naranasan sa gitna ng lockdown dahil sa COVID-19. Binigyang-diin nito na kung sustainability ang pag-uusapan, tutulungan ng 17 government agencies ang mga pamilyang uuwi sa mga lalawigan para maging maayos ang pagsisimula ng kanilang buhay sa lalawigan. Bukod sa mga…
Read MoreOFW VISA VIOLATORS SA KUWAIT, UMAAPELA NG TULONG
UMAAPELA ng tulong mula kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang halos 100 Overseas Filipino Workers (OFW) na hindi nakalusot sa Amnesty Program ng Ministry of Interior ng bansang Kuwait. Magugunita na nagkaloob ng Amnesty ang Kuwait para sa lahat ng mga visa violator simula Abril 1 hanggang Abril 30 ngayong taon. Umaabot kasi sa halagang katumbas ng 33,000 piso hanggang 660,000 piso ang pagkakautang ng mga ito sa banko, telecommunication o indibidwal. Karamihan sa kanila ay umutang para makabili ng mobile phone habang ang ilan ay nadamay lamang dahil sa…
Read MorePAGSASAMANTALA SA PANAHON NG KALAMIDAD
SA panahon ng kalamidad, karaniwang nagtutulungan ang mga apektadong magkakapitbahay lalo na sa probinsya. Kapag may malakas na bagyong parating, ang mga kapitbahay mo na hindi matatag ang bahay ay awtomatikong kinukupkop mo sila sa inyong bahay na mas matatag kesa sa kanila. Nakaugalian na ‘yan sa mga probinsya dahil importanteng maisalba mo ang buhay ng kapitbahay mo na nanganganib sa parating na bagyo. Nakamulatan ‘yan ng inyong DPA, as in Deep Penetration Agent, at hanggang ngayon ay ginagawa pa ‘yan. Pagkatapos ng bagyo, nagtutulungan ang mga magkakapitbahay para itayo…
Read MoreOBLIGADO NANG MAGDESISYON SI DUTERTE
SUNUD-SUNOD na ang kasamaan at kabalbalang nagaganap sa Pilipinas nitong mga nakalipas na araw. Una, sobrang bagal ng pamamahagi ng ayudang pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 4.9 milyong kabahayan ang hindi nabigyan sa unang batch ng ayudang galing sa Social Amelioration Program (SAP) batay sa rekord ng DSWD. Ikalawa, idiniin din ni Roque na hindi na mabibigyan sa ikalawang batch ng SAP ang mga pinakamahihirap na pamilyang nakatira sa mga lugar na wala na sa enhanced community quarantine…
Read MoreDUQUE: PINAS, NASA 2ND WAVE NA NG COVID-19 CASES
KINUMPIRMA ni Health Secretary Francisco Duque III na 2nd wave na ng COVID-19 outbreak ang nangyayari ngayon sa Pilipinas. “Actually, nasa second wave na tayo,” saad ni Duque sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole. “‘Yung first wave natin nag-umpisa, happened some time in January noong nagkaroon tayo ng 3 Chinese nationals from Wuhan,” paliwanag ng kalihim. Tinukoy nito ang unang batch ng infection na pawang mga pasyente mula Wuhan City, China. Una na ring kinumpirma ni Dr. John Wong ng Epimetrics Inc. na nasa 2nd wave na ng…
Read MoreLOCALIZED LOCKDOWN PAIIRALIN
ILO-LOCALIZED ng pamahalaan ang national action plan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng lockdown sa barangay level. Sa public message ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahapon ay sinabi ni National Task Force COVID-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez, Jr., na ang plano ay ipatutupad sa pamamagitan ng tulong ng local government units (LGUs). “Ang ginagawa po natin ngayon […] baka hindi na tayo mag-declare ng lockdown per region but ang lockdown na lang natin nito by barangay,”ayon kay Galvez. “Ibig sabihin, paliitin na lang natin. Ang…
Read MoreSa paglabag ni Sinas sa Q protocols IATF AT PNP, NAWALAN NG KREDIBILIDAD
NAGBABALA si Senate Minority Leader Franklin Drilon na posibleng mahirapan ang mga awtoridad na pasunurin ang mga ordinaryong mamamayan sa quarantine protocols. Ito ay dahil anya mismong ang nagpapatupad ng regulasyon ang hindi sumunod dito na ang tinutukoy ay si NCRPO chief, Major Gen. Debold Sinas. Ipinaliwanag ni Drilon na ang Inter-Agency Task Force katuwang ang Philippine National Police ang mismong bumalangkas at nagpapatupad ng mga regulasyon sa gitna ng umiiral na lockdown. Subalit kung mismong ang PNP, ang bumabali anya sa regulasyon, hindi maaasahan ang tunay na pagsunod ng…
Read More