PINIGIL ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na makaalis sa bansa ang isang Chinese woman dahil sa pamemeke ng kanyang mga dokumento. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang pasahero na si Qiu Meiying, 35-anyos, naharang noong Marso 26 sa NAIA terminal 1 habang pasakay sa kanyang flight patungong Xiamen, China. Sinabi ni Morente na si Qiu ay pinagbawalang makasakay sa flight matapos mabatid ni Immigration Officer Jeremie Abana sa isinagawang immigration inspection, na ito ay kabilang sa bureau’s watchlist of aliens na sinampahan…
Read MoreMonth: April 2021
SAHOD NG GUIDANCE COUNSELORS ITAAS – DEFENSOR
DAHIL kailangan na kailangan ang serbisyo ng guidance counselors ngayong panahon ng pandemya, hiniling ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Kongreso na bigyan ng tamang pasahod ang mga ito. Ginawa ni Defensor ang nasabing kahilingan bunsod ng pagkakaroon sa kasalukuyan ng kakulangan sa guidance counselors ngunit walang aplikante dahil maliit ang sahod ng mga ito. “There’s no question many students are having a hard time coping with remote modular as well as online learning, mainly due to the lack of social interaction. We need more guidance counselors to reach…
Read MorePDU30 BINATI ANG MGA PINOY NGAYONG EASTER SUNDAY
MAINIT na binati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lahat ng Kristiyanong Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo na nagdiriwang ngayon ng Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay. Ngayon aniya ay sama-sama ang lahat sa diwa ng tagumpay sa pamamagitan ng Pagkabuhay na mag-uli ng Poong Hesukristo. Ani Pangulong Duterte, ang kaluwalhatian ng Linggo ng Pagkabuhay ay nagbigay ng mas malalim na mensahe ng pag-asa sa gitna ng pagdurusa at katiyakan na mapagtagumpayan ang kahirapan. “As we collectively strive to overcome the challenges brought about by the COVID-19 pandemic.…
Read MoreVACCINE INSTITUTE NI PRRD SUPORTADO
SUPORTADO ni Senator Christopher “Bong” Go ang layunin ni Pang. Rodrigo Duterte na magtayo ng vaccine institute upang magkaroon din ng kakayahan ang bansa na makagawa ng sariling bakuna sakali mang magkaroon muli ng pandemya sa hinaharap. “Suportado ko po ang kagustuhan ni Pangulong Duterte na magkaroon tayo ng vaccine institute sa Pilipinas na magbibigay ng kakayahan sa ating bansa na mag-develop at mag-produce ng sarili nating mga bakuna, hindi lamang laban sa COVID-19 kundi maging sa mga susunod pang pandemya,” ayon kay Go. “Mas mabuting handa tayo, mas mabuting…
Read MoreBOC-K9 BARRACKS PINASINAYAAN
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng Bureau of Customs (BOC) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang BOC sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service (ESS) ay pinasinayaan ang unang BOC K-9 Barracks na matatagpuan sa warehouse 159 Port of Manila South Harbor, Port Area, Manila. Ang inauguration at blessing ceremony ay dinaluhan nina PDEA Deputy Director General for Administration Randy R. Pedroso, PDEA Director for Plans and Operations Wardley Getalla, PDEA Director for Special Enforcement Rogelito Daculla at PDEA K-9 Chief Erwin Magcamit. Para naman…
Read MoreMASS SALIVA TESTING ISINAGAWA NG BOC-CDO
CAGAYAN DE ORO – Isinagawa sa Port of Cagayan De Oro ng Bureau of Customs ang mass saliva testing para sa COVID-19 sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross Misamis Oriental – Cagayan de Oro Chapter. Ang saliva o laway ay isang alternatibong specimen para sa RT-PCR testing na magugunitang inaprubahan ng Department of Health at pinangunahang isagawa ng Philippine Red Cross. Ang saliva test ay madaling paraan ng COVID-19 testing dahil idudura lang ng isang indibidwal ang kaniyang laway sa loob ng isang 1-milliliter vial at pagkatapos ay hihintayin na…
Read MoreP12M CHINESE CIGARETTES, MEDICINES HULI SA BOC-MICP, PCG AT NBI
Para sa lalo pang pinaigting na operasyon laban sa smuggling, nagsanib pwersa ang ibat-ibang tanggapan ng Bureau of Customs, National Bureau of Investigation at Philippine Coastguard na nagresulta sa pagkakasabat ng ibat-ibang mga kalakal sa lungsod ng Mandaluyong at Parañaque. Armado ng tinatawag na Letter of Authority na pirmado ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, narekober ng pinagsanib na pwersa ng BOC-MICP, Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Service at NBI at PCG ang may 12 milyong pisong ilegal na kalakal na kinabibilangan ng mga Chinese medicines, sigarilyo at…
Read MoreNCEN SYSTEM INILUNSAD NG BOC
ni joEL O. AMONGO Naglunsad nang National Customs Enforcement Network (nCEN) System ang Bureau of Customs sa pamamagitan ng Risk Management Office (RMO) na isinagawa sa OCOM Conference Room ng BOC. Ang nasabing paglulunsad ay nakalinya sa implementasyon ng CMO 8-2021 o ang panuntunan ng paggamit ng National Customs Enforcement Network (nCEN) System ng World Customs Organization (WCO) na nagkabisa noong nakaraang Pebrero 8, 2021. Ang okasyon ay dinaluhan nina BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, Ms. Agnieszka Bielatko, Senior Technical Officer ng Customs Enforcement Network (CEN) ng WCO at…
Read MoreDI KAYANG MAG-ISA NG GOBYERNO
KULANG na lang ay sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘suko na ko’ sa COVID-19 na ito!!! Pero hindi niya magawa at kailangan pa rin niyang ipakita sa publiko ang kaniyang katatagan para makapagbigay pag-asa sa mamamayang Filipino. Ang tanong ay kaya pa ba? Sana ay kayanin pa! Hindi dapat bumigay si Pangulong Digong, kahit pa sabihin niyang halos ginigisa siya sa purgatoryo sa kasalukuyang kalagayan ng mga Filipino. Laging all time high ang naitatalang mga kaso. Umabot na sa mahigit 10 libo nitong nakaraang araw. Kahapon ay bahagyang bumaba…
Read More